Mitch:
Habang nasa eroplano kami. Hindi ko maiwasang umiyak ng umiyak. Hindi ko kasi alam yung feeling ee. Bat parang biglang narevive yung feelings ko kay Thunder na akala ko binaon ko na sa limot? Akala ko lang pala.
"Okay lang yan Mitch, makakalimutan mo din sya" sabi ni Mama sakin. Nakatingin lang ako sa bintana at iniisip pa din yung eksena kanina sa airport. Kung pwede nga lang sana marewind ang oras ee. O kaya utusan yung piloto para ibalik sa Pilipinas yung eroplano ee. Ginawa ko na.
"Wag mo ng isipin yun Mitch. Diba sabi mo gusto mong makalimot? Eto na ee. Aatras ka pa ba?" Seryosong sabi ni Mama. Hindi ko lang masabi sa kanya pero may part sakin na gusto kong bawiin yung sinabi ko. Pero wala ee, eto na. Kaya papanindigan ko na lang. Besides, kailangan ko na ding kalimutan yung mga sakit at kahihiyang inabot ko sa Mckinley. At siguro, ayoko na ding mag risk kung sakali ulet. Eto din kasi yung pinagsimulan ng lahat ee. Si Thunder, since pumasok ako sa buhay nya puro kamalasan na yung nangyare. Tama nga lang na kalimutan na din sya. Jusko Mitch. Sana mapanindigan mo yang sinasabi mo.
•••
Nakadating kami sa China at sinalubong ni Papa kasama yung mga katulong nya.
"Michie!" Salubong nya sakin at niyakap ako.
"Papa!" Tuwang tuwang salubong ko at yumakap sa kanya. Halos masakal ko na nga sya sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa kanya.
"I miss you. Good you're here" sabi nya at magkayakap pa din kami.
"Hi," bati naman ni Mama. Medyo awkward yun. Niyakap din sya ni Papa at hinalikan sa pisngi.
"I love you" sabi nya. Okay, family moment sa airport.
"Hello po" bati naman nung isang babae.
"Oh, shes Millen. Your half sister Mitch" pakilala ni Papa. Wow, sya na pala yung sinasabi na kapatid ko sa legal na asawa ni Papa.
"Hi!" Bati ko at nagshake hands kami. Hindi naman sya yung mukhang kontrabida ganun. Basta, mukha naman syang mabait.
"Hi. Ikaw pala si Mitch. Nice to meet you" bati nya and nagbeso kami. Wala namang halong showbiz yun. Sisters goal kunwari. Eme
"Hope you enjoy your stay here" sabi nya.
I hope so. Sana nga lang maenjoy ko. Eh para kasing gusto ko ng bumalik ulet ng Pilipinas. Para kay Thunder, pero pilit namang kinokontra ng isip ko. May naguurge kasi sakin na kalimutan ko na sya dahil sobra kong nasaktan. And ayoko ng balikan yun. Bigla kasing bumalik yung trust issues ko.
As of now, kailangan ko munang ayusin ang sarile ko. Kailangang kong irebuild yung nasirang 'Mitch'. Magsstay ako sa China. At kung sakaling bumalik ako sa Pilipinas, bahala na. Kung meant to be kami ni Thunder, edi go. Kung hindi, edi thank you for the memories. Ganun lang yun.
Thunder:
Isang linggo matapos yung pagalis ni Mitch, naging usap usapan yun sa school. Yung iba natutuwa, yung iba concern, yung iba wala lang pakialam. Mitch is like the decomposer in a High school food chain. Kung baga sya yung nasa baba ng hierarchy. Tapos isa ko sa mga nasa taas. Tas ako yung nagsabi na hindi ko sya papabayaan pero ako mismo yung gumawa ng dahilan para umalis sya. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na ako mismo yung gumawa ng mga humiliation sa kanya. Kung nasaktan ako sa mga nagawa ko. Alam kong mas masakit sa kanya yun. Que galing mo Thunder. Good job.
"Wala na pala si Mitch no? Sayang naman" sabi nung isang babae na nasa canteen.
"Kaya nga ee, kahit naman nerd sya, mabait naman sya. Hay naku, diba boyfriend nya si Thunder? Akala ko pa naman gentleman. Hindi pala. May tinatago nga talagang yabang yung lalaking yun" sagot ng kaibigan nya.
"Kaya nga ee. Nakakalungkot lang, sayang ang talino pa naman nya" sabi nung babae.
Naputol lang yung usapan nila ng mapansin nung isa na nakatingin ako. Awkward silang umalis sa table pero hindi ko magawang magalit sa kanila. Tama naman sila ee, ako yung naturingang boyfriend ni Mitch ako pa tong walang ginawa. Ay meron pala. Yung bigyan sya ng kahihiyan at sama ng loob. Hays. Bakit ba kasi nagkaamnesia pa ko? Feeling ko tuloy may imaginary wall na sa pagitan namin ni Mitch. Sobra ko kasi syang nasaktan.
"Di umalis ka, wala namang pipigil sayo." Natatandaan ko pa na nasabi ko yan sa kanya nung panahong nagpapaalam na sya. Hays. Kung alam ko lang. Talagang nasa huli talaga ang pagsisisi no?
Hanggang sa afternoon class namin. English kasi yung tinuturuan ni Mam. Gascabell, knowing her. Sya kasi yung nanay-nanayan dito ni Mitch kaya sya apektado.
Sobrang awkward kaya ng makakita ng isang teacher na umiiyak sa harap ng klase. May activity kasi kami at nagbigay ng example sentence yung classmate ko about gerunds.
"Shes going to China for a vacation" yun yung exact na sentence na nakapagpaiyak kay Mam.
"Im sorry class. May naalala lang ako. Naalala ko lang si Mitch. Excuse me" sabi nya kaya napatayo ako sa klase at nagexcuse na lumabas. Hindi lang pala ko yung apektado sa pagkawala nya. Pati yung mga taong nakapalibot sa kanya. Feeling ko kasalanan ko talaga lahat to ee.
Umuwe ako sa bahay dahil tinamad na kong bumalik sa klase. Maalala ko lang kasi si Mitch. Sobrang sakit isipin na sa bawat kilos ko sa school may mga bagay na nakakapagpaiyak sakin.
Ayos na din ni Manang Fenny yung kwarto ko gawa ng pagwawala ko. Sa kama, nandun yung box na iniwan ni Mitch. Binuksan ko ulit yun at kinuha si Baby ThunThun saka ko niyakap. Gayshit man kung tignan pero niyakap ko talaga yung stuff toy na yun. Gusto ko din kasing yakapin si Mitch ee. Sobrang miss na miss ko na sya. Nababasa na nga ng luha ko yung ulo ng stuff toy ee.
"Sorry Mitch. Sorry" yun na lang ang paulit ulit na sinabi ko. Kahit maka ilang milyong sorry pa ko. Alam kong hindi na maibabalik yung nangyare. The damage has been done ee.
"Thunder" tawag ni Kuya Zander at umupo dun sa kama ko.
"Eto na naman ba tayo?" Tanong nya.
"Sorry kuya, hindi ko talaga kaya ee" naiiyak na sagot ko.
"But you have to. Masakit sakin makita na nagkakaganyan ka" sabi nya na nakahawak sa ulo ko.
"Do yourself a favor. Kayanin mo" sabi nya at ginugulo gulo yung buhok ko. Just like the old times kahit na mga bata pa kami.
"Alam mo naman siguro yung nangyare samin ni Mellissa diba?" Sabi nya na medyo kinangisi ko. That is one of the epic moment sa buhay ni kuya. Though yun yung pinakamasakit kasi dun nasaktan ng todo si kuya, ng ipagpalit sya ng nililigawan nya sa bestfriend nya mismo. Parang na betrayed si kuya nun kaya just like my situation. Ganun din sya noon pero ngayon nagagawa nya na lang tawanan.
"Oh? Diba? Napatawa ka." Sabi nya at medyo natatawa na din ako kasi naalala ko nga yung panget na mukha ni kuya nung umiiyak iyak pa sya.
"Dadating din yung point na tatawanan mo na lang din yan" sabi nya sakin. This time medyo napapangiti na din ako kahit papano.
"Basta. I distract mo lang atensyon mo. Yung sinasabi ko sayo. Be a better man. Para pag dumating yung point na magkikita ulet kayo ni Mitch. At least, ready ka na." Sabi nya.
"Alam kong mahal mo si Mitch, at alam kong mahal ka pa din ni Mitch. Pero trust me, kapag nagkita tayo. Magkakayos din kayo. Theres always a room for second chances" sabi nya na nginingitian ako bago lumabas.
"Nga pala, pahiram nga pala ng kotse mo" sabi nya nung nasa pinto na sya. Pota. Yun lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/81499333-288-k299933.jpg)
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.