Chapter 11

28 0 0
                                    

Mitch:

"Ikuha mo ko nung mga madalas mong kainin dito, yung favorite mo" utos nya.

So kinuha ko yung mga favorite ko. Red velvet cupcake, red velvet crinkles, graham balls, graham cake, salted caramel cake, choco mousse, crema de fruta at moist brownies. Shet. Torture bes

"Panuorin mo ko" sabi nya so habang ineenjoy nya yung mga desserts. Ako mukhang tanga na nakatingin sa kanya at natatakam sa bawat subo ng cake at graham goodies. Bes, why so rude?

"Takaw," bulong ko.

"Narinig ko yun." Sabi nya habang kinakain yung choco mousse.

Badtrip talaga.

"CR lang ako" sabi ko kaya pumunta ko sa CR para dun maglabas ng galet. Tek, gaganti ko sayo Thunder. Gaganti ko sayo.

Palabas na ko ng CR ng nakasalubong ko yung cute na lalaking lagi kong nakikita dito sa cafe na to. Wow, destiny ba to? Pero syempre hindi ko sya napansin kasi badtrip nga ako kay Thunder.

"Badtrip. Badtrip talaga" sabi ko habang pabalik na sana ko sa table ni Thunder.

"Excuse me miss, are you enjoying your-" sabi nung boses ng lalaki. Bilang badtrip ako. Bigla ko ding nasapak yung lalaking nagsasalita.

Fck. Sobrang brutal mo Mitch.

"Ay! Shet. Sorry Kuya!" Dispensa ko dun sa lalaki.

"Fck. Fck. Fck" daing nung lalaki habang nakahawak sa ilong nyang nasapak ko.

"Sorry talaga kuya!" Dispensa ko. Bat andaming epic fail ko today bes?

"Sir? Are you okay?" Sabi nung staff na lumapit. Akala ko yung 'sir' na yun is general kasi akala ko customer din. Parang formality na lang ng mga staff sa mga customer eh kaso,

"What have you done? Anong karapatan mong sapakin yung anak ng may ari ng cafe na tinatayuan mo!?" Sabi nung baklang masunget na staff.

Hutaena dis to the infinite power. Anak ng may ari nitong cafe? Kill me now, kill me.

"Sir Jayson, are you alright?" Sabi nung isang staff tas binigyan ng tissue yung Sir. Jayson daw. 

"Im fine, wala syang kasalanan. Its just an accident" sabi nung lalaki. Whoosh, kinabahan ako.

"Nabangga ko sya, and nagkabungguan kami.  Its my fault din" kwento nya. Wait, parang imposible naman na nasaktan ko sya ng ganun dahil lang nagkabungguan kami diba? Pero gumawa sya ng story para maisalba ko sa nakaambang demanda kung sakali.

"Im okay, you can back to your stations" sabi nung Jayson so umalis na yung mga crew.

Naiwan kaming dalawa. Awkward bes. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Geez, minamata nya ko. Sorry na po kuya.

"Whats your name?" Tanong nya

"Mi-" pasagot na ko kaso may tumawag sakin.

"Mitch!" Tawag sakin ni Thunder

"Tagal mo naman?" Sabi nya nung lumapit sakin

"Youre must be Thunder" sabi nung lalaking anak ng boss

"Yes, Jayson" sabi naman ni Thunder at nakipag shake hands dun sa lakaki. Wait, they know each other? Sabi na nga ba ee, bakla tong si Thunder. Charot

"Magkakilala kayo?" Tanong ko

"Team Captain sya ng Dalton" sagot ni Thunder. Wait, bat parang may something sa shake hands nila? Hindi bromance aa? Para silang nagpupunong braso ampota.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon