Chapter 33

25 0 0
                                    

Mitch:

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jayson.

"Para bantayan ka" sagot nya

"Jayson naman, kaya ko naman sarile ko ee" sagot ko na lang kahit na alam kong hindi naman talaga. Ayoko lang kasing maabala sya.

"Alam ko. Pero hindi ako sa lagay mo ngayon. Okay ka lang ba talaga?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko. Kahit na medyo may nangingilid pa na luha sa mata ko.

"Stop being pretentious Mitch. Dont numb the pain. I can feel it" sabi nya. Hindi ko alam kung paano ko sya iaapproach.

"Wala ka bang klase o kaya training?" Trying to distract him. Sana nga lang ma divert ko yung topic.

"Wala. At wala akong balak magklase hanggat hindi ko napapatunayan na okay ka nga talaga" sagot nya. Medyo naiyak ako sa sinabi nya. Thats too sweet from him. Hindi ko nga alam kung paano makakabawe sa kanya ee.

"Jayson, Im sorry. Im sorry sa mga nangyare" sabi ko na lang. Naiiyak ako. Alam ko nasasaktan din sya dahil sa pagiisantabi ko sa kanya.

"I understand. Dont worry, okay na ko. We can be friends right?" Sagot nya.

"Talaga? Pwede pahiram ng balikat mo?" Sabi ko na lang. Ngumiti lang sya at nag nod bilang senyales na 'go lang'.

"Ang sakit sakit na ee. Hindi ko na talaga alam kong ipaglalaban ko pa sya o bibitaw na ko ee" sabi ko habang umiiyak ako sa balikat ni Jayson. Tinatapik tapik nya yung likod ko trying to relieve the tension.

"Ang tanga tanga ko din kasi ee. Sobrang tanga ko" sabi ko habang pinapalo palo na yung dibdib ni Jayson. Ayan, ang sadista ko. Ako na nga lang tong nakikiyak ako pa tong nananakit.

"Shhhh. Shhh" yun lang ang sabi ni Jayson habang pinapatigil nya ko sa pagiyak.

"Look, Ill never leave you hanging. Promise" sabi ni Jayson. Nakatingin sya sakin ng mata sa mata.

"Pero Jayson, alam mo naman na hindi ko maibibigay sayo yung hinihingi mo ee" sabi ko. Ayoko lang syang paasahin.

"Makakapaghintay naman ako ee. Saka hindi ito yung tamang panahon para pagusapan to. Saka hindi ako nagmamadali, at nasayo pa din naman ang desisyon. Hayaan mo lang akong ingatan at protektahan ka sa mga panahong ganito nangyayare sayo" sabi ni Jayson. Walang halong echos or what. Alam kong sincere yung pagkakasabi nya na yun.

•••

Kinabukasan.

PE namin yung subject at basketball yung topic namin. Medyo kinakabahan ako sa mga mangyayare dahil si Thunder yung makakasama namin sa PE namin ngayon.

"Okay, shooting drills lang ang activity natin ngayon. Ako maghahandle sa mga lalaki sa kabilang court. Yung mga babae si Thunder" orient samin ni coach Robin.

Tuwang tuwa naman yung mga babaeng classmate ako. Ako, ewan. Hindi ko alam ee. Para kasing hindi ko na kilala yung Thunder na nasa harap ko ngayon. Ibang iba na sya. Gusto ko sana sya kausapin kaso, nevermind. Iba talaga aura nya sakin ee.

Alphabetical yung pila namin sa pagsho-shoot. So bilang 'Lim' ako. Nasa may bandang dulo ko at hinihintay yung turn ko. Habang nagsho shoot yung mga kaklase ko. Ako naman, ewan. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Umaasa kasi ko na sana maalala ko ni Thunder kahit papano. Matatandaan nya kaya yung pagdedicate nya sakin ng three points? Bahala na. Sana nga lang. Wala namang masamang umasa.

"Lim!" Sigaw nya sakin. Medyo lutang kasi ko kaya hindi ko namalayan na ako na pala yung titira. And wait, what did he call me? 'Lim'? na lang. How sweet.

Honestly, hindi ko talaga alam kung paano magshoshoot nung bola. Since hindi naman ako ganung katangkaran at mahina lang talaga ang pwersa ko. Hindi ko alam kung makakashoot ako.

"Isho-shoot mo yan. Hindi lang tititigan!" Sigaw na naman nya. Ano ba nangyayare sayo Thunder? Bakit parang sobrang galit ka sakin? Pinagtatawanan na ko ng mga classmates ko kaya shinoot ko din yung bola. Kaso hindi naman umabot yung projection at tumama lang ito sa stand ng ring.

"Isa pa! Ayusin mo naman!" Sigaw na naman nya. Honestly, nasasaktan ako sa ganung treatment nya. I feel so humiliated. Worst? Sa kanya pa talaga. Sa boyfriend ko pa talaga. Ang sakit diba?

Padabog nyang pinasa sakin yung bola at medyo natamaan yung dibdib ko. Gustohin ko mang iinda yung sakit pero hindi ko na lang pinapahalata.

"Kaya ko to" sabi ko sa sarile ko bago ko ishoot.

Shinoot ko yung bola na may pwersa at bwelo. Napatalon pa ko kaso wala ding nangyare. Tumama lang to sa headboard ng ring.

Pagbagsak ko naman, sakto na natapakan ko yung sintas ng sapatos ko at napa out of balance kaya napadapa ako sa lupa. Dagdagan mo pa na hindi nashoot yung bola ay tumama ito sa ulunan ko kaya halos napadapa talaga ko.

Ang sakit ng paa ko dahil parang natapilok ata ako, ang sakit din ng ulo ko sa pagtama sakin ng bola pero wala ng mas sasakit pa nung makita ko si Thunder na walang ginagawa at nakatingin lang sakin habang pinagtatawanan na ko ng halos lahat ng mga taong nakakita sakin.

"Nerd na nga, lampa pa!"

"Boooooo!!"

Sigawan at tawanan ng mga tao. Pinilit ko na lang makatayo para makaalis sa kahihiyang sinapit ko. Medyo iika ika ako kaya hindi ako makalakad ng maayos. Hindi ko alam dahil ba to sa sobrang sama ng loob o dahil sa pagtama ng bola sakin pero naramdaman ko na lang na nawalan ako ng malay. Nag collapse ako.

Hindi ko alam kung sino yung nagdala sakin sa clinic pero nagising na lang ako na may benda na yung paa ko at yung ulo ko. Nagising din ako na nandun yung SA ng nurse kaya tinanong ko kung ano yung nangyare.

"Miss. Kaya mo na ba?" Sabi nung SA (Student Assistant)

"Ano nangyare?" Tanong ko.

"Hinimatay ka daw nung PE nyo ee" sagot naman nya. Oo nga, eh sino kaya nagdala sakin dito?

Nagulat ako nung bumukas yung pinto at saka pumasok si Thunder.

"Sakto, sya nga pala yung nagdala sayo dito sa clinic" sabi nung SA. Weh, seryoso?

"Thunder?" Gulat ko. Naalala na nya kaya ako?

"Paano? Iwan ko muna kayo aa? Bili lang ako ng makakain mo" sabi nung SA saka lumabas kaya naiwan kaming dalawa ni Thunder.

"Salamat." Sabi ko na lang.

"Bat ka sakin nagpapasalamat? Alam mo dapat nga pinabayaan na lang kita ee" sabi nya. Sobrang nasaktan ako sa sinabi nya na yun. Parang may sumaksak sa puso ko.

"Thunder? Bakit? Ano ba problema?" Tanong ko. Naiiyak ako.

"Problema!? Ikaw! Ikaw ang may dahilan kung bakit ako naaksidente diba!? Ikaw ang dahilan kung bakit.. Fck." Sabi nya kaso pinipigilan nya yung galit nya.

"Thunder. Hindi." Sabi ko. Trying to depend myself.

"Hindi!? Bullshit. Wag mo nga akong lokohin!? Tapos na pagpapanggap mo!" Sabi nya sakin. Wow, sirang sira na pala ko sa kanya, hindi ko pa alam. Good job Jenna.

"Thunder. Ako yung girlfriend mo" sabi ko na naiiyak pa din. Please naman. Alalahanin mo ko Thunder.

"Girlfriend!? I dont even remember dating you! Girlfriend pa!? Thats gross. Nababaliw ka na!" Sabi nya saka padabog na lumabas ng clinic.

Iyak na naman ako ng iyak. Bakit kailangang mangyare yung ganito? Bakit? Bakit? Bakit? Sobrang sakit na. Hindi ko na talaga kaya. Parang in an instance gusto ko na lang umuwe ng China. Parang kailangan ko ng makalimot.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon