Chapter 26

15 0 0
                                    

Mitch:

Maaga kong nagising sa hindi malamang dahilan. Sabado ngayon at usually tinatanghali ako ng gising pag ganitong walang pasok. Pero teka, bat ang aga kong nagising? As in 5:30am pa lang. Kulang pa ko sa tulog shet. Kailangan fresh ako mamaya kung sakaling kaharap ko na mga kapatid at ang pamilya ni Thunder. Geez. Kinakabahan talaga ko.

"Good morning" bati ni Thunder. Alam mo yung feeling na pagmulat ng mata mo eh makikita mo sya na nakatingin sayo? Nakaupo kasi sya dun sa may upuan ng study table ko.

"Ano ginagawa mo dito!?" Gulat ko. Jusko. May nangyare ba samin!?

"Hoy. Wala akong ginawa aa? Binantayan lang kita sa pagtulog mo" sagot naman nya. Pota. Bayani naman dis boy.

"Bakit? Kailan ka pa naging gwardya sibil dyan?" Tanong ko. Abnormal talaga to

"Malay mo may lamok. Papatayin ko. O kaya may mga centipede na gumagapang dyan sa kama mo. Eh paano kung maka-" sagot nya. Fck. Ang lawak ng imagination nya bes.

"Shhh! Jusko, ang OA na aa?" Saway ko. Pero seriously. Takot kasi ko sa mga centipede.

"Jusko ang aga pa. Matulog ka muna" sabi ko na lang at bumalik ulet sa paghiga.

"Hindi na ko makakatulog. Wag ka na matulog. Gising na. Imemeet pa natin sila Kuya mamaya" sabi naman ni luko at tinatayo ako.

"Ayoko pa. Hindi ako pupunta. Ayoko! Nahihiya ako" sabi ko saka nagtalukbong ng kumot.

"Gising na kasi" sabi nya at tinutusok tusok ako sa tagiliran ko.

"Ano ba!?" Iritableng sabi ko kaya medyo may pwersa ko sa pagpapaalis sa kanya. Since nakatalukbong ako nung kumot, may natamaan ako ee. Mukha nya ata.

At mas nagpanic ako kasi may impact kasi at parang may nahulog. Dali dali akong napabangon at nakita ko nga si Thunder na nakahiga sa lapag. Walang malay

"Thunder?" Sabi ko at inaalog alog ko sya.

"Huy! Tama na drama! Thunder!" Sabi ko pero hindi pa din sya gumigising. Hala. At dahil may malakas na impact akong narinig. Nagconclude agad ako na baka nabagok nga si Thunder.

"Thunder!?" Sabi ko. Medyo paiyak na yung boses ko.

"Thunder naman ee! Sorry! Please, wag kang mawawala sakin! I love you" sabi ko at yakap yakap ko sya. Yung para syang patay na niyayakap ko at hinahalikan yung ulo nya. Yung parang pieta ang datingan mga ganun.

"Sabi mo yan aa" Sagot naman ni luko. Prank lang pala nak ng teteng.

"Aray!" Ayun. Tinotoo ko yung pagkakauntog nya. Bwisit. Pinagtripan pa ko que aga aga.

"Nawala tuloy antok ko bwisit ka ee no?" Asar na sabi ko.

"Ui. Umiiyak sya" asar nya.

"Hindi aa? Bat naman ako iiyak?" Defensive na sagot ko.

"Thunder naman ee! Please, wag kang mawawala sakin! Huhuhuhu" sabi nya na ginagaya yung pagdra drama ko kanina at iniipit yung boses nya para with feelings na akong ako.

"Kainis ka!" Sabi ko sabay suntok sa kanya sa braso

"Diba sabi mo hindi mo na ko sasaktan?" Tanong nya.

"Trip ko ee. Bakit?" Medyo maangas na sabi ko.

"Ayan, lagi mo na lang akong pinagtritripan." Sabi nya. Okay. Away 101. Start the day with away at tampuhan. Naks. Lakas maka relationship goals.

"Mahal mo ko diba? Ginusto mo to kaya magtiis ka. Abnormal ako ee" sagot ko. Kunwari Harley Quinn ang datingan mga ganun. Lol

Hindi naman makaimik si luko. Naubusan na ata ng bala. See? Hindi nya talaga keri powers ko.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon