Chapter 22

42 0 1
                                    

Mitch:

Tahimik lang ako habang nasa front seat sa tabi ni Thunder. Hindi ko kasi alam talaga magiging reaksyon ko. Hindi naman sya badtrip para hindi ko sya pansinin. Kaso ang problema ngayon eh sobrang complicated ng situation na pinasok ko. Feeling ko nga konting lapit ko pa kay Thunder may bigla na lang babaril sakin sa school ee. Seriously, bat ba sobrang natakot ako sa threat ni Jenna? Obviously, shes just being so pathetic. Ano namang karapatan nyang makipagbalikan kay Thunder diba?

Nevermind.

Ano nga ba ang laban ko sa kanya? Shes the queen bee of our school. Head Cheerdancer sya noon then Thunder as the MVP so perfect relationship goals right? Like Rachel Berry and Finn Hudson kind of love story. But then nagulat na lang ang Mckinley ng nalaman nila na wala na sila sa hindi malaman na dahilan. Tahimik lang kasi both party kaya humupa din yung issue. Since wala naman akong pakialam sa kanila noon, wala talaga. Eh ngayon? Bat kailangan kong ma stress sa kung ano mang issue nitong dalawa? Langya naman pala.

Habang nasa daan kami pauwe, medyo umuulan ulan kasi kaya medyo nakakasenti talaga yung ganitong datingan. Nakatingin ako sa salamin at parang nakikita ko sa reflection yung mga nangyare kanina.

"I like you" yung pag confess sakin ni Jayson sakin kanina. I dunno, bigla kasi syang sumagi sa isip ko. Ano kaya nangyare na dun? Kamusta na kaya sya? All of a sudden kung may communication nga lang ako sa kanya gusto ko sya makausap. Di bale, last day ng IPriSA bukas. Kakausapin ko sya after ng awarding ceremonies.

"I will win Thunder back" nagflashback yung sinabi sakin ni Jenna. And yung warning nya, hindi ko naman masyadong sineseryoso pero bakit parang kinakabahan ako. Hays. Unconsciously, naiiyak na pala ko. Kusa na lang tumutulo yung luha ko. Medyo bumalik lang ako sa realidad nung biglang prineno ni Thunder yung kotse. Yung as in, para kaming babangga na ewan. Medyo nag impact yun kaya nakuha nya atensyon ko.

"Now you cant hide from Me. Ano problema mo?" Tanong nya.

"Wala." Sagot ko na lang. Trying to numb the pain

"Wala!? Ginagago mo ba ko?" Tanong nya. Hutaena. Minura ko. Wala na nga daw murahan ee. Hutaena part 2

"Wala nga! Just drive!" May pademanding na sagot ko.

"Ano pa sense ng magbestfriend tayo!? Ano ba kasi problema mo!? Para naman akong tanga dito ee!" Sabi nya. Then leave, mukha ka na palang tanga ee.

"Kasi hindi na bestfriend tingin ko sayo! Mahal na kita!" Yan yung gusto kong sabihin sa kanya kaso hindi ko masabi. Umurong dila ko.

"Bullshit" sabi ko sabay unbuckle ng seatbelt at padabog na sinara yung kotse paglabas ko.

Bumaba sya at hinabol ako. Sa kalsada namin pinagpatuloy yung pagaaway at sigawan namin. Medyo umuulan ulan pa nun. Mabuti na din yun para hindi nya mahalata na umiiyak na ko ng todo.

"Mitch! Ano ba problema mo? Huy!" Tawag nya sakin pero patuloy lang akong naglalakad. Badtrip kasi. Sya yung pinagsimulan ng lahat ng to ee. Realtalk. Baka sya din ang dahilan para mawala to. Ayun lang, sana nga.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ang kulet mo din ee! Sabi na kasing layuan mo na ko ee!" Sagot ko.

"Yun ba? Layuan kita? Sige! Yun ba gusto mo? Sige! Bahala ka sa buhay mo! Magsama kayo ng Jayson mo!" Sagot nya then he leave.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon