Chapter 9

35 0 0
                                    

Mitch:

"Jusko, bakkklllaaaaa! Ikaw na ba yan!?" Sabi ng pinsan kong si Smokey pagbaba ko ng kwarto.

"Oo, bakit?" Tanong ko saka pumunta sa dining table para kumain ng almusal.

"Sino nagpakulam sayo? Nakakaloka ka te'. Ano drama at may transformation na naganap?" Tanong nya at inaayos yung buhok ko.

Ah, yun pala yung dahilan kung bakit parang gulat na gulat sya. So yun nga, medyo na conscious kasi ko sa sinabi ni Thunder kagabe. Ewan ko kung china-charot nya lang na maganda ako. Konting ayos lang daw, edi go. Nagayos ako. Ginamit ko na yung mga facial regimens ko. Naglagay na din ako ng konting powder para kahit papano fresh yung mukha ko. At, hindi lang yun. Nag contact lense na din ako instead na yung eyeglass kong kasama ko na mula grade 6 ako. So imagine, nakakita ka ng dyosa. Charot

"Jusko bakla, sabi na ee. Mageevolve ka din. Ang ganda ganda mo na" compliment ni Smokey. Weh, gipit to. Lakas mambola ee.

"Magkano kailangan mo mamang?" Biro ko.

"Seryoso mamang, ang ganda mo na ngayon. Ganyan ka na lang palagi aa? Tama na yung nerdy image mo beshie. Move on ka na dun. Embrace mo na yang Michelle Lim version 2.O mo." Maarteng sabi nya.

"Echosera!" Sabi ko, kunwari pa humble. Nyeta, hindi bagay.

"Kaloka ka kasi bakla, nagdala ka lang ng gwapo dito kagabe nag transform ka na" sabi nya. So wait, nakita nya pala kami ni Thunder.

"Infair aa, wafums bes. May anez, may pogi factor. Matangkad, sporty, cute. Malakas sex appeal. Mukha namang mabait" sabi nya sabay describe kay Thunder. Takte, natawa ko sa malakas ang sex appeal. Shet talaga. Iba talaga charms mo Thunder. Ikaw na

"Bet mo o Bet na bet?! Sagutin mo, now na!" Tanong nya na mala Tito Boy.

"Ano bang tanong yan? Bestfriend ko lang yun?" Sagot ko saka sumubo na ng pagkain.

"Wow, 'bestfriend'. I mean, wow talaga aa? Bestfriend mo talaga yun? Akala ko nga boyfriend mo na? Nakakaloka ka, handa na kong magpamisa bakla ka. At least bago man lang mag end of the world hindi ka mamamatay na virgin"  may pabirong sabi nya.

"Ang gago mo!" May halong patawang sagot ko.

"Oh bakit? Wag mong sabihing hindi mo bet si bebe boy? Ay naku bes, umaura ka na. Baka maunahan ka" sabi nya na ine encourage pa ko, na ano? Ligawan si Thunder? Duh.

"Besh, imposible. Hindi ako type nun" sagot ko.

"Jusko, konting kembolar lang yan besh. Wala namang imposible no?" May pa word of encouragement talaga tong si bakla.

"Besh, imposible. Asa. Hindi makatotohanan. Pantasya. Fiction"  I guess that will be the exact words to describe the situation with Thunder.

"Sureness? Baka naman chinu churva mo lang ako aa?" Sabi ni Smokey. Ano ba to? Morning talk show?

Bigla naman akong napaisip bigla. Ugh, ano nga ba?

Yung pagsangga nya ng bola,

Yung pagsangga ng encyclopedia,

Yung pagkain namin sa mall,

Yung asaran namin, kulitan?

Yung, teka. Whats the meaning of this?

"Inlove ka nga kay wafums besh" sabi ni Smokey habang pinagmamasdan ako.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon