Chapter 35

39 0 0
                                    

Mitch:

"Ano nga pala plano mo?" Tanong ni Jayson habang nakaupo kami dun sa may waiting shed.

"Ha? Wala." Sagot ko na lang. Honestly, hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Paano na kayo ni Thunder?" Tanong nya. Pero hindi sya yung parang, ano ba tawag dun? Basta. Hindi sya yung parang bantay salakay ganun.

"Bahala na, as of now ang plano ko na lang eh pumunta na ng China" sagot ko. Yun talaga yung nasabi ko. Naloko na.

"China?" Tanong nya.

"Ha? Ah eh, ano. Oo" sagot ko na lang. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Bakit?" Tanong na naman nya. Ghad. Paano ko ba idi-distract to? Kailangang ma divert yung topic.

"Ano--" sasagot sana ko kaso yun, nakita ko na. Alam ko na gagawin ko para makaescape sa tanungan nya.

"Fishball!" Tawag ko dun sa mag asawang naglalako ng fishball.

"Ha?" Tanong ni Jayson. Sorry, I need to do this. Ayoko lang talagang pagusapan tong bagay na to.

Magbabayad sana ko nung may natusok na kong mga fishball at kikiam kaso ang epic fail ng nangyare.

Nakalimutan ko wallet ko sa locker. Hutaena dis.

"Ano?" Tanong ni Jayson nung tinignan ko syang parang takot na takot ako. Eh langya naman kasi. Ang lakas ng loob kong bumili wala naman akong pangbayad.

Medyo paika-ika akong lumapit sa kanya saka ko sya binulungan.

"May barya ka ba dyan? Nakalimutan ko wallet ko ee" hiyang hiyang sabi ko na kinatawa naman nya.

"Aray!" Reklamo nya kasi pinalo ko sya sa braso nya. Tawanan daw ba ko? Shet. Ang kapal ng mukha ko diba? Ako na tong humihingi ng tulong kasi nagigipit ako pa nananakit.

"Kuya, wala daw--" sasabihin nya kay Manong na wala akong pera. Langya naman bes.

"Kuya wag nyo kaming pansinin!" Sabi ko na lang habang tinatakpan yung bibig ni Jayson. Nakatingin na nga sakin yung manong ee. Hinihintay na siguro yung bayad ko.

"Please. Pwedeng pautang?" Hutaena. Sobrang desperado ko na. Sabagay, desperate situation needs a desperate solution talaga.

Nakangiti syang lumapit dun sa manong at saka nagbayad ng 500 php bill kasi nga daw wala daw syang barya. Edi sya na rich kid.

"Kain ka na" sabi naman nya kaya pinagtusok nya pa ko ng fishball at kikiam saka nagsalin ng samalamig. Wow, pwede palang maging tindero tong si Jayson no? Akalain mo, pati nga pagpriprito ee. Sya na din yung gumawa.

"Huy kumain ka" sabi ko. Nakakahiya naman kasi sya nagbayad ee.

"Hindi ako kumakain nyan ee" sagot nya. Ay choosy si koya.

"Masarap to. Swear" sabi ko na lang at sinusubuan sya. Pabebe pa kasi ampota.

"Hmmm. Masarap nga" sabi nya habang nginunguya yung isang fishball.

"Sabi sayo masarap ee. Hindi ka mamamatay dyan" sabi ko at nagtra trashtalk na ko. Hangtaray.

Kumain kami ni Jayson ng fishball na parang eat all you can. Tusok. Sawsaw. Prito. Tusok. Inom ng samalamig lang ginagawa namin. Tumigil lang kami nung medyo busog busog na ko.

"Oh? Eto pa oh?" Sabi ni Jayson at nagtusok pa ng 10 fishball.

"Hindi ko na kaya, busog na talaga ko" sabi ko saka ko tinaas yung baso ng samalamig na hindi ko na din maubos. Langya. Para kong nalasing neto aa.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon