Mitch:
Clap. Clap. Clap.
"Galing aa!" Hangang hangang sabi nya.
"See? Mas magaling pa ata akong magbasketball sayo ee" pagaangas ko. Pero syempre, joke lang yun.
"Ganun" sabi nya at maangas ding hinawakan yung bola.
"One-on-one?" Paghahamon nya.
"Sige ba, pag ikaw natalo. Akin ka lang. Pag ako natalo, sayo ko" sabi nya. Nagbabaliwan na naman kami ng ganito.
"Game" sabi nya. Kaya pinasa nya sakin yung bola. Tinakbo ko yung bola sa kanya, walang dribble. Yakap yakap ko yung bola.
"Hoy, travelling yan aa? Grabeng travelling yan aa" sabi nya. Keeping his cool habang naglalaro.
"Wala akong pake" sabi ko at yakap ko lang yung bola.
"Okay, sige" sabi nya kaya hinabol na nya ko. Langya naman. Basketball ba to o yung agawang buko na laro kapag fiesta? Lol.
"Ayyyyyyy!" Nagpapanic ako mga bes, maagaw na nya kasi sakin yung bola.
Niyakap nya ko para makuha sakin yung bola. Chancing din to ee.
"Hoy, foul na yan aa?" Sabi ko habang nakayakap pa din sya sakin.
"My game, my rules." Sabi nya. Langya, kinilig pa ko ampota.
Natulala ako sa sinabi nya, naagaw nya sakin yung bola saka nya shinoot. Edi panalo sya.
"Akin ka" sabi nya.
"Akin ka lang aa?" Sabi nya at hawak nya yung bewang ko saka nya ko hinila palapit sa kanya.
"Wag ka na ulet mawawala sakin aa? Promise. Hindi na kita papakawalan" sabi nya. Langyang yan bes. Kinikilig ako. Wala na kong pakialam kung basang basa sya ng pawis.
"Sayo lang ako, okay? Can you be my boyfriend?" Tanong ko. Naks, ang awkward pala kung babae yung manliligaw no?
Natawa na naman sya. Minsan hindi ko alam kung clown ba ko o girlfriend ako ni Thunder ee. Bakit ba lagi nya kong tinatawanan?
"Ganyan ka ee. Lagi mo kong tinatawanan kapag sinasabihan kita ng ganyan" patampong sabi ko. Pag ako talaga naglalambing sa kanya, ewan ko ba kung natutuwa ba talaga sya sakin o natatawa sya dahil ang corny ko.
"Lakas kasi ng dating mo" sabi nya at pinisil yung ilong ko. Magkayakap pa din kami sa may gitna ng court.
"Bolero" sabi ko na lang.
"Ako yung nanalo diba? Pwede ko na bang makuha yung premyo ko?" Tanong nya. Premyo what?
Hahalikan nya sana ko kaso pinigilan ko sya. Nacoconscious kasi ko ee.
"Ayaw pa ee" sabi nya.
"Gusto mo na ba talagang makuha yung grand prize?" Tanong ko.
"Oo naman" sagot nya.
Alam kong parang ang clingy nito pero hawak ko yung batok nya saka ko nilapit sakin yung mukha nya para halikan sya sa labi.
"Happy?" Tanong ko.
Namula naman si luko. Natahimik. Pinagpawisan ng malamig.
"Isa pa nga" request pa nya.
"Eto" sabi ko sabay amba sa kanya ng kamao ko.
"Eto naman, hindi mabiro" sabi nya at pabalik na kami dun sa may benches.
Teka nga, parang masyadong mabilis yung mga pangyayare. Okay na nga ba talaga kami ni Thunder? Para kasing hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala ee.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.