Chapter 24

31 0 0
                                    

Mitch:

Magkausap at nagmomoment pa kami ni Thunder dun sa may hallway. Masyado naming kinakareer yung moment na to.

"Nga pala. Wawarningan na kita aa" ayan na. Ako naman ang maru-rules.

"Sobrang abnormal ko nga pala. Sana mapagtiisan mo ko. Dont worry, hindi na kita mumura murahin. Slight na lang. Hindi na din kita sasaktan. Promise" sabi ko. Inoorient ko na sya. Lol

"Sus. Okay lang. Just be authentic. Lakas nga ng dating mong bwisit ka ee. Sanay na ko sa mga kaabnormalan mo." Sagot nya. Ay wow, sanay na daw sya. 10% palang yung nailalabas ko ee. Charot lang.

"Saka, ano. Selosa nga pala ko aa?" Sabi ko na lang. Realtalk to mga bes. Selosa talaga ko.

"Normal na yun. Pero mas seloso ko. Kaya magingat ka" sabi nya. Aba, maypa warning. Wait

"Mas magingat ka. Malaman ko lang na nambababae ka ako puputol ng ano mo" sabi ko. Double meaning sya actually. Eme

"Hoy!" Sabi nya sabay hawak dun sa may gitna nya. Ay grabe sya. Ang libog. Pero natawa ko sa reaction at facia reaction nya. Hutaena. Bat ba kasi maypagka inosente look ka Thunder? Jusmeo

"Ako puputol ng pride mo! Grabe to!?" Sabi ko na lang. Wait, ano connect ng pride? Ge. Kthanksbye.

Hanggang sa umuwe kami ng bahay. Kailangan ko ng sabihin kay Mama na nagbunga yung mga paghihirap ko sa IPriSA and at the same time, ipapakilala ko na si Thunder formally. Hindi bilang schoolmate, hindi bilang bestfriend. Kungdi Boyfriend ko.

Masaya kaming sinalubong ni Mama mula sa gate. Naghanda pa nga sya ng mga paborito ko kasi alam nya daw na mananalo ko. Wow, overflowing happiness today. Iba to. Ang daming nangyare today. Though yung iba hindi kagandahan pero ang mahalaga ay yung ngayon.

"Iba yung ngiti mo ngayon Mitch aa?" Sabi ni Mama habang kumakain kami.

"Masaya lang ako Ma'" sagot ko pero may pagtingin kay Thunder na agad namang napansin ni Mama.

"Ikaw din Pogi. Parang mas lalo kang gumwapo sa ngiti mo ngayon" sabi naman nya kay Thunder. Aru jusko, nambola pa.

"Masaya lang din po Mama" sagot naman ni luko. Que horror mga mamang. Kailan pa kita naging kapatid Thunder at Mama na din ang tawag mo sa Mama ko?

"Ay gusto ko yan. Bet ko yan." Sabi naman ni Mama at may pagturo effect pa kay Thunder.

"Ay nga pala Mitch. Pinagbake kita ng Chocolate cake. Kasi alam kong favorite mo to. At sabi mo sakin nung isang araw gusto mong tumira sa isang chocolate factory. Kaya ayan. Special yun aa. Teka kukunin ko" sabi ni Mama. Wait. Nakakahiya, bat kailangan pang sabihin yun?

"Chocolate factory? Hahahaha. May pagka- Isip bata ka din pala no?"  Asar ni Thunder

"Nye-nye" sabi ko na lang at nagmamake face sa kanya na kinatawa naman nya.

"So ano? Turn off ba?" Medyo patampong tanong ko.

"Cool nga ee" sagot nya. Sus.

"Ay weh? Turn off ka na ee. Nakilala mo na kaweirduhan ko ee" sabi ko na lang. Eto na. Away 101 na dis

"Kahit sobrang random mo. Okay lang yan. Prepared ako sa mga kaabnormalan mo. Hit me with your best shot. Ill embrace your madness whether I like it or not" sabi naman nya. Que sweet naman dis bebe boy.

"Etooo naaa!" Sabi ni Mama sabay labas ng Choco cake.

Masaya naming kinain yung cake. Matapos naming kumain. Dito na kami nagusap ng medyo personalan na bagay. I mean, aaminin ko na kay Mama na ano, boyfriend ko na si Thunder.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon