Setting someone free is one of the sadistic choice in life. But why bother? Too much emotional investment to someone can literally kill you. So why prolong the agony if you'll be hurt too soon whether you like it or not. - unknown.
Mitch:
Hindi ko namalayan na nakatulog ulet ako sa sobrang sama ng loob ko. May bakas pa nga ng luha sa pisngi ko at magang maga na yung mata ko nung pag gising ko. Pero wala akong pakialam kasi sobrang sakit talaga ng sinabi ni Thunder kanina.
Feeling ko sobrang sama ko. Feeling ko kasalanan ko nga kung bakit sya naaksidente. Gusto ko na ngang maniwala sa kanila na sobrang malas ko. Kaya nga siguro ko nilalayuan ng ibang tao.
Naalimpungatan ako nung dumating si Sean para dalawin ako.
"Mamang. Ano na naman ba ang nangyare? Anong katangahan na naman ba kasi ginawa mo?" Sabi nya. Napaka walangya talaga ampota.
"Ay sorry mamang, na carried away lang. Ganun, anyway. Ano ba? Bat ka pinabayaan ni Thunder?" Tanong nya. Shet. Eto na naman. Naiiyak na naman ako.
"Sorry. Naku sorry!" Sabi nya para patahanin ako. Humahagulgol na naman kasi ko sa sobrang sama ng loob.
"Galit sya sakin ee. Hindi ko alam kung bakit pero ako yung sinisisi nya kung bakit sya naaksidente" paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya.
"Hindi totoo yun mamang. Wag mo sisihin sarile mo" sabi nya.
"Pero yun yung tingin nya sakin Sean. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Sobrang sakit na. Hirap na hirap na ko" sabi ko na lang.
Medyo natigilan ako nung biglang pumasok si Jayson sa clinic. Wow, lately lagi syang nandyan para sakin.
"Oh paano? Nandyan na pala sya ee. Iwan ko muna kayo" sabi ni Sean at saka umalis.
"What happened? Ano nangyare dyan?" Sabi nya at tinuturo yung mga benda sa ulo at paa ko.
"Eto?" Sabi ko sabay turo dun sa benda sa paa ko.
"Wala to. Tapilok lang naman to ee. Makakatayo din ako" sabi ko sabay tanggal nung benda.
"Eto?" Sabi ko sabay turo dun sa benda sa ulo ko
"Bukol lang naman to ee. Mawawala din to" sabi ko sabay tanggal din ng benda at bandaid or something like that sa mukha ko.
"Eh eto!?" Sabi ko sabay turo sa may puso ko.
"Ang sakit sakit na. Hindi ko alam kung paano pa to gumagana matapos ng lahat ng kahihiyang nangyare sakin at yung mga sama ng loob ko" sabi ko sabay pinapalo palo na yung dibdib ko at sinasabunutan ko yung sarile ko. Pwede na nga akong Sisa sa sobrang pagka hysterical ko.
"Mitch enough" saway ni Jayson at pinipigilan ako sa pagtanggal ng mga benda at pagwawala ko.
"Hey, hey! Hey!" Sabi nya kasi sobrang hagulgol ko na. Sinasaktan ko na yung sarile ko. Pati si Jayson nasusuntok ko na din.
"Enough Mitch! Tama na!" Medyo pasigaw na sabi ni Jayson kaya natigilan ako.
"Kung ano man yung nangyare, Ill never leave you okay? Aalagaan kita. Ako muna magaalaga sayo" sabi nya.
"Hindi kita iiwanan Mitch." Sabi na naman ni Jayson at niyakap na naman ako. Hindi na ko nakapalag dahil sa mga braso at yakap ni Jayson. Feeling ko, safe na ulet ako.
Kasalukuyan kaming magkayakap ni Jayson ng madestruct kami kasi biglang pumasok sila Mam. Gascabell at coach Robin.
"Sino ka?" Tanong ni Mam. Gascabell. Halata kasing taga ibang school si Jayson dahil sa uniform nya. At nagulat din yung dalawa kasi tanggal tanggal yung mga benda ko. Wow Mitch. Lagot ka.
"Taga Dalton ka diba? Familiar ka ee" sabi nya.
"Yes, Jayson Villanueva. Team Captain ng Dalton Basketball" sagot naman ni Coach Robin.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Mam. Wow, ang strict.
"Dinadalaw lang po si Mitch" sagot ni Jayson.
"Okay lang. Okay na. Anyway." Pa change topic ni Coach Robin. Mukha kasing magigisa pa si Jayson ng wala sa oras ee.
"Im sorry about what happened Mitch, sorry hindi ako naka action agad" sabi ni Coach. Since sya yung teacher namin during that period.
"Nevermind. Im so disappointed in Thunder. Hindi ko akalain na pinabayaan ka lang nya" sabi ni Coach Robin.
"Wait. What?" Tanong ni Mam. Gascabell. Medyo kinakabahan ako sa reaksyon ni Coach Gascabell nung sinasalaysay ni coach yung nangyare. Pero mas kinakabahan ako sa reaksyon ni Jayson. Naka kunot kasi noo nito at naka close fist pa. Parang kinabahan ako kasi baka mamaya maglabas na lang ng assaulted rifle tong si Jayson at abangan si Thunder. Im just kidding.
Halos uwian na din kaya si Jayson na yung nagalalay sakin palabas. Since may sprain nga ako, ayun. Halos kilos pagong lang ang lakad ko. May mga time na muntik muntik pa kong ma out of balance. Ghad. Hindi talaga ko makalakad. Baka umaga na ako palabas pa din ng school.
Nagulat ako kasi si Jayson biglang umupo na parang pa otso-otso na ewan.
"Pasan" sabi nya.
"Ha?" Medyo gulat ko. Wag na. Nakakahiya
"Ayaw mo pa ee" sabi nya kaya kinarga na nya ko. Binuhat nya ko na parang pa bridal style. Ang awkward talaga ee.
"Pwede ba pasan mo na lang ako?" Sabi ko na lang kaya binaba nya ko at pumasan ako sa kanya. Para tuloy akong pasan krus sa likod ni Jayson.
"Sasakyan kita, sa lahat ng gusto mo" narinig kong kanta ni Jayson.
"Kumakanta ka ba?" Medyo pa trashtalk na sabi ko. Wow, truma trashtalk na ulet ako.
"Hindi. Tumutula ako" sagot nya. Kaso natawa talaga ko. Dinudukdok ko na nga lang yung mukha ko sa buhok nya. Ang bango nga ee, talo yung commercial ng head and shoulder. Ano kaya shampoo nya? Dandruff free sya ee. Eme
Hanggang sa nakarating kami sa may labas ng gate ng school. May waiting shed kasi dun at binaba muna ko ni Jayson para magpahinga.
"Mabigat ba ko?" Tanong ko.
"Ha? Hindi." Sagot nya at umiiling.
"Weh? Mabigat ata ako ee" sabi ko na lang. Naconscious ako, ang lakas ko kaya kumain.
"Mas mabigat pa din yung problema mo" sabi nya. Ayun lang, banat ba yun or what. Pero bat iba yung naging impact sakin nung ngumiti sya na kita dimple? Iba bes ee.
"Yea. Salamat Jayson aa?" Sabi ko na lang at nakapatong pa yung siko ko sa balikat nya. Wow, parang magkumpare lang sa kanto.
"Wala yun" sabi nya sabay ngiti na naman. Hutaenang ngiti ni Jayson na yan. Bigla kasi kong kinilig ee. Seryoso. Parang, basta. Bigla ko kasing nakalimutan si Thunder na ewan.
"Basta, wag mo iisipin na tinatake advantage kita. Nandito ko bilang kaibigan mo. Nandito ko para may makakasama ka lagi. Hindi kita iiwan" sabi ni Jayson. Na medyo kinatahimik ko.
Tama nga naman sya. Ayoko syang gamitin bilang panakip butas lang. Ayoko kasi na magmukhang malande or what. Pero hindi ko kasi alam yung feeling. Bat parang yung homogenous feelings ko kay Thunder before, nararamdaman ko kay Jayson? I know parang mali diba? Pero yun talaga nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit or paano. Pero iba kasi yung concern ni Jayson.Is he deserve a second chance? Ugh. Whatever. As of now kailangan ko munang ayusin yung samin ni Thunder. And yea, mukhang wala na din naman akong magagawa. So goodbye Thunder Torres.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.