Chapter 5

43 0 0
                                    

Mitch:

Meeting and befriending Thunder really changes everything. Parang bigla akong napalabas sa comfort zone ko. I mean, hindi naman pala dapat ako mag settle ganitong image ko. Like seriously, a campus nerd? I deserve to be treated better. And Thunder made me realize it.

"Dito ka lang aa, panuodin mo kung gaano ko kagaling" Pagyayabang nya pa.

"Oo na, Ge. Ingat." Sabi ko bilang cheer sa kanya.

So yun, parang may ADHD kung kumilos tong si Thunder sa court. No wonder kung bakit laging champion ang basketball team ng school. Eh que galing naman po pala ni koya. Unconsciously, kinuha ko yung phone ko saka ko sya vine-deo. Wala ee, ewan. Fangirl mode lang. Geez. Am I starting to like you Thunder? No, just no. Thats a terrible idea.

Medyo nabored na din ako since paulet ulet na lang yung routine and medyo nakakasawa na. Kaya ginawa ko na lang magreview para sa Math quiz bee. Yep, Math and History quiz bee ang sasalihan ko this coming inter school competition.

I was busy memorizing some theorem and formulas ng bigla akong tinawag ni Thunder.

"Mitch!" Tawag nya.

I just gave him a taas kilay look, tas bigla syang sumigaw.

"Para sa bestfriend ko, Hi Mitch Lim!!" Sabi nya sabay shoot ng bola. So yun, na shoot naman nya. 3 points mga mamang.

Tilian yung mga nakapaligid na mga cheerleaders. Oh my fcking jelly. Kinikilig ako bes. Seryoso, ngayon ko lang ata naramdaman tong kilig na to. Sino ba naman ang hindi tatablan ng kilig kung dedicate-an ka ng 3 points shot ni Thunder ee no? Shet lang. Parang gusto kong matunaw sa sobrang hiya pero syempre, proud dapat. I dont care sa sasabihin ng iba. Dinedicate sakin ni Thunder yun, hindi sa kanila.

Nung natapos yung training nila.

"Anong paandar yun?" Tanong ko. Kunwari hindi kinikilig.

"Wala, ayaw mo ba?"  Tanong nya. Syempre gusto ko. Nuba?

"Tara na nga, uwe na tayo" sabi ko at inabot sa kanya yung towel at yung binili kong tubig.

"Salamat bes" sabi nya saka sya nagpunas ng pawis at ininom yung tubig ng straight.

"Shower lang ako bes, wait lang aa" Sabi nya so hinintay ko na naman sya. Binato nya pa nga sakin yung basang towel na pinangpunas ng pawis nya ee. Eh ayos pala. Nagmukha akong yaya. Lol jk

Nung natapos sya, medyo na startruck na naman ako nung lumabas sya galing sa shower room. Wearing a plain white shirt plus his jersey shirt is like. My god, bakit ang hot mo Thunder?

"Tara na?" sabi nya sabay kuha ng bag ko.

"Wait, bag ko yan." Sabi ko. Bat sya magdadala?

"Alam ko, ako na magdadala. Ikaw na magdala ng bag ko" sagot nya. Seryoso ba talaga sya? Sobrang bigat kasi ng bag ko gawa ng nandun yung laptop ko. Eh yung bag nya, halos hangin lang bes.

"Oh, paano una na ko. Akin na yung bag ko. Dun yung parking lot eh" sabi ko kasi maghihiwalay na kami ng landas. Bes, wala kasi kong balak magpahatid sundo sa kanya. Hindi ko sya driver.

"Ha? Magcocommute lang ako. Gamit ni kuya kotse ko ee, tara na" sagot nya at sabay kaming lumabas ng school.

"Teka, wait. Ano kasi, busy ka ba? Pwede ba tayong lumabas? I mean, kain lang sa labas?"  Tanong nya.

"Ugh, ano. Sige." Sagot ko. Wait, parang ang easy to get ko. Tama ba to?

"Ano pala, ugh sorry. Hindi pala pwede" biglang bawe ko. I dunno, bigla akong naconcious ee.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon