Mitch:
Nasa kwarto na ko. Gusto kong makatulog pero ayaw pa kong saniban ng antok. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba to sa sobrang saya ko? At were breathing the same air ni Thunder or what? Basta. Nakangiti lang ako habang mukhang tangang nakasandal sa headboard ng kama ko.
Okay ka lang dyan? Goodnight
Text ko kay Thunder. Ewan ko, pwede ko naman syang babain pero wala ee. Pabebe muna ko.
Lumipas ang ilang minuto pero walang reply. Tulog na siguro. So yun, balik ako sa pagiisip isip ng mga bagay. Aaminin ko, medyo natatakot nga ako kasi parang feeling ko may kapalit ang lahat ng bagay. Kung masaya ka ngayon, maaring bukas o bukas makalawa hindi na. A dejavu mga ganun. I dunno. Bigla kasing pumasok sa isip ko si Jenna. And Jayson, ugh. Paano ko ba sya haharapin? Hanggang ngayon kasi hindi pa ko nakakapagpaliwanag sa kanya.
Hays. Bahala na. As much as possible. Pinilit ko na wag isipin yung ibang mga bagay. Ang mahalaga kasi ay yung happiness ko ngayon kasama si Thunder. Akalain mo yun, parang hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na 'kami' na. Legal na kami. Boyfriend ko na sya. Pagaari ko na. Out of thousand fangirls nya sa school. I won Thunder's heart. Sorry kayo. Lol
Dahil hindi talaga ko makatulog. Out of whim, bumaba ako sa kwarto para silipin si Thunder sa sala.
Nakita ko naman sya na tulog na. Ang cute nya nga sa posisyon nya ee. Naka 'kiti-kiti' pose sya. I mean, yung pinagkakasya nya kasi yung katawan nya dun sa sofa. Tas yung isang paa nya nakapatong pa dun sa upuan. Halatang hirap na hirap yung posisyon nya pero infairness aa, nakapag adjust sya sa bahay.
Tinutok ko sa kanya yung electric-fan at kinumutan ng bahagya yung katawan nya para wag lamukin.
Pinagmamasdan ko sya habang natutulog. Ang cute nya talaga bes. Wafums kung wafums. Yung kilay nya talaga ang kapal ee. Kaya hinahawakan ko. Yung parang inaayos ayos ko. Tas yung ilong nya, ang tangos. Hawak ko pa nga yung ilong nya tas tinatapik tapik ko yung parang larong ilong ilong ilong, ganun. Tas medyo inayos ayos ko yung buhok nya na bangs ba to or what. Hays. Kung pwede ko nga lang drowingan mukha nya ginawa ko na. Kaso wala ee, ang gwapo bes ee. Hindi ko kayang dumihan. Sayang yung fez ee. Mukha pa naman syang manequin. Jusko. Ilang gluta kaya nilalaklak nito at ang puti nya? Naiinsecure tuloy talaga ko. Charot. Total package to bes. Ngayon alam ko na kung bakit sobrang pinagaagawan tong lalaking to.
I decided na magselfie habang natutulog sya. Trip ko lang talaga. Ayun, after ilang attempt. Success naman. Wala kasing flash at shutter sound kaya perfect shot. May pang blackmail na ko sa kanya in case. Evil laugh. Gusto ko sana na ibuka yung bibig nya ee. I mean, gusto ko sana nakanganga sya sa shot na gagawin ko kaso baka magising ee.
Patayo na ko at balalik sa kwarto ko. Wala pang limang hakbang nagagawa ko. Nagulat ako kasi bigla syang nagsalita. Langya, gising pa pala si luko.
"Oh ano? Tapos ka na bang paglaruan yung mukha ko?" Tanong nya.
Gusto kong patakbo sanang bumalik sa kwarto ko. Hiyang hiya ako ee. Bakit ba kasi ginawa ko pa yung kaabnormalan na yun?
"Ha? Bat gising ka pa?" Tanong ko. Ang lame ng question ko shet.
"Hindi talaga ko makatulog. Binabantayan kita ee" sagot nya.
"Oh talaga? Sana hindi ka na natulog dito. Sana nagtanod ka na lang dyan sa may kanto" pabara ko. Lately hilig kong trashtalkin si Thunder no?
"Kulang yung mga baranggay tanod dito ee. Pwedeng pwede ka" sabi ko na kinaasar naman ni luko.
"Kainis ka" patampong sabi nya.
"Oh? Iiyak ka na?" Asar ko na naman.
Umupo sya saka nagcross arms at sumandal sa sofa. Tampororot ampota.
"Balik ka na nga sa kwarto mo." Sabi nya. Ayun nga, tampo nga ang bata. Wawa naman.
"Ui. Sorry na" sabi ko saka tumabi sa kanya.
Hawak ko yung pisngi nya at hinaharap sakin. Pero ayaw, pabebe si kuya ee.
"Sino ba nang- agaw ng barbie doll mo? Sasabunutan ko" asar ko na naman. Effective bes. Napapangiti ee. Ayaw lang pahalata.
"Sus. Drama ka pa dyan. Tatawa na yan oh?" Asar ko na pinapangiti sya. Hawak ko na yung labi nya at inistrech yung pisngi nya.
"Ano ba?" Sabi nya. Tampo ampota.
"Bahala ka nga dyan. Sorry ulet" sabi ko at patakbong pumunta sa kwarto ko.
"Huy!" Tawag nya. Pwes, makikipagsabayan ako sa trip mo.
"Ano? Bahala ka dyan" sabi ko nung nasa hagdan na ko.
"Sorry na. Eto naman, hindi mabiro" sabi nya. See? Dami pa kasi hanash ee.
"Tara na nga dito. Upo ka" sabi nya kaya bumalik ako sa tabi nya at nakasandal sa balikat nya.
"Hindi ako makatulog ee. Ikaw ba? Bat hindi ka pa tulog?" Tanong ko. Seryoso na to aa
"Ano, hindi ako makatulog ee. Iniisip kasi kita. Sobrang saya ko lang" sagot nya. The feeling is mutual lang pala.
"Ako din ee. Sobrang saya ko. Natatakot na nga ako kasi baka mamaya may kapalit yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon ee" sabi ko. Realtalk to bes. Ayoko magpakaplastic kay Thunder
"Sus. Wag mo nga isipin yun, wag kang nega" sabi nya.
"Eh kasi nama-" sasagot pa sana ko kaso nagring cellphone ni Thunder.
"Sagutin mo muna yung babae mo" sabi ko na lang. Biro lang yun aa.
"Hello babes?" Bati naman ni Thunder nung sinagot nya yung phone.
"Oo, hindi nga ako makakauwe ngayon. Naghihintay ka ba?" Sabi nya. Taena
"Sweet mo naman babes" Hutaena part 2
"Talaga? Hinihintay mo ko? Ang sweet talaga" Sabi nya. Nagaalboroto na ko dito mga bes. Langya talaga.
"Oo na. Bukas uuwe ako dyan--" sabi nya pa kaso inagaw ko na talaga sa kanya yung phone nya.
"Hello!? Oo. Girlfriend nya to. Oo. Girlfriend ako ni Thunder? Pwede wag muna kayong maglandian dito? Kasama nya pa ko. Saka mo na sya pauwiin. Di bale, paguwe nya nasa kabaong na sya. Maghanda ka na lang ng kape at biscuit." Dere derechong sabi ko. Selos na selos talaga ko
"Selosa ka pala misis? Hahahahaha" sabi nung lalaki sa phone. Wait. Hala ka
Chineck ko yung name ng caller at 'Kuya Zander' yung tumatawag. Langya. Yung gwapong doctor na kuya pala to ni Thunder.
Agad agad kong binalik kay Thunder yung phone nya.
"Hala. Sorry! Sorry kamo! Lagot akkooooo" medyo panic na sabi ko. Langya naman kasi Mitch. Wala na kong mukhang ihaharap sa kanya kapag nagkita kami in case.
Niloud speaker ni Thunder yung phone kaya naririnig ko yung sinasabi nya.
"Okay lang yun. I like her, really. I like her. Pakilala mo na sakin bukas yan aa" sabi nung kuya nya. Pakilala agad bukas? Patay tayo dyan.
Nagendcall na sya at tinignan ako ni Thunder. Yung tinging nakakaloko. Tinging nagpipigil ng tawa.
"Ano?" Nahihiyang tanong ko.
"Thats my girl" sabi nya sabay kurot ng pisngi ko.
"Gusto ka mameet ni kuya bukas, kaya matulog ka na. Ipapakilala kita sa kanya bukas" sabi nya.
"Ano ba kasing kalokohan yun? Akala ko talaga yung babae mo na yun. Langya ka. Pababes babes ka pa dyan. Kuya mo pala yun!" Asar na sabi ko.
"Eh ikaw ee. Patola ka ee" sagot nya.
"Alam mo naman na selosa ko diba?" Sabi ko
"Hahahaha. Basta, bukas. Magpaalam ka na kay Mama. Papakilala kita kay Kuya at sa mga kapatid ko" sagot ni Thunder.
Okay. Goodnight. Kinakabahan akong makilala si Kuya Zander at yung pamilya ni Thunder. Ano ba kasi nasabi ko ee. Dala lang ng selos yun talaga. Swear. Napre pressure akong mag bukas mga bes. Im dead
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.