Mitch:
Lumipas ang mga buwan ng pamamalagi ko sa China. Naging okay naman kahit papano at least nakakasurvive ako. Aaminin ko, nangungulila pa din ako kay Thunder pero pilit kong kinakalimutan muna yun, pero kahit anong gawin ko. Wala talaga, hindi ko makalimutan si Thunder.
As far as I remember, nandito ko sa China kasi gusto kong magmove on sa kanya. Pero ano na nangyare mga bes? Mas lalo pa ngang lumalala ee. Everyday is like a little torture to me. I miss our morning conversations, yung mga trashtalks namin. Yung ihahatid nya ko sa school. Yung hindi matatapos ang araw hanggat hindi kami nagaaway at nagbabati kahit mababaw lang naman yung dahilan. Hays.
Naging okay naman ang unang buwan ko dito sa China. Naka enroll ako sa isang exclusive Chinese university since kilala si Papa. Nagawan naman nila ng paraan para makahabol ako kahit na late enrollee na ko.
Medyo nahirapan akong magajust especially sa environment. Masyado syang malaki at yung mga classmate ko. Que gwa- gwapo ng my boys mga bes. Ang cute kasi nila ee. Para silang mga mga magkakapatid. Magkakamukha kasi sila, given na yung mata nila eh kay ninipis. Kapag nga nagtatawanan sila nawawala na mga mata nila ee. I found it cute and attractive kahit papano. Pero syempre, si Thunder pa din ang mas gwapo sa paningin ko. Langya. Thunder na naman.
Yung mga classmate ko namang mga babae. Angcu cute nila. Hindi sila yung pabebe na ewan. Basta, ang co-cool nilang kasama. Just like a typical class setting sa Pilipinas. Ganun din, yun nga lang. Hindi ako masyadong gamay sa Mandarin language. Though may alam ako kahit papano, pero lakas makaubos ng platelets at pati white blood cells mga mamang. Grabe yung halos buong araw puro Mandarin salita mo. Tapos kapag kausap mo sila. Ngingiti ka na lang kasi hindi mo alam minsan mga sinasabi nila. Hindi ko nga alam kung minumura na nila ko or what ee. Pero kahit papano, mababait naman sila. Friendly kahit na alam nilang iba yung culture na pinanggalingan ko.
May mga half-chinese din naman akong nakilala dito kaya hindi ako ganung na out of place kahit papano. Sila din yung naging madalas kasama ko. One time, may group study kasi kami and bigla nilang napakialaman yung laptop ko.
"Hey girl, sino to?" Tanong ni Jayem. Yung friend ko dito sa China. Tinutukoy nya yung nasa wallpaper ko sa laptop. Eh langya naman kasi, hindi ko pa pala napapalitan yung picture ni Thunder.
"Ah eh, wala" defensive na sagot ko.
"Sino nga? Bat sya nasa wallpaper mo?" Tanong nya.
"Bestfriend ko lang yan" sagot ko. Nagsimula naman kami sa pagiging bestfriend kaya pwede na yung allyby na yun.
"Bestfriend o Boyfriend?" Tanong nya. At pinagdiinan nya pa talaga yung 'Best' at 'Boy' aa?
"Bestfriend nga" sagot ko.
"Bestfriend? Eh ano to?" Sabi nya sabay pakita ng pictures namin ni Thunder sa isang folder. Nakapasan pa ko sa kanya tas nakakiss sa cheeks nya.
"Bestfriend pala aa?" Asar nung ibang mga kaibigan ko.
"Oo nga. Oo na. Sige na, Boyfriend ko yan. Pero wala na kami" sagot ko na lang.
"Pero aminin mo, mahal mo pa si kuyang pogi" sabi ni Jane. Yung isang kaibigan namin
"Oo? Ewan. Basta" sagot ko na lang. Seriously. Ano nga ba? Medyo naguguluhan ako ee.
"Well, kung wala na nga kayo. Pwede akin na lang sya?" Sabi ni Jayem. Wow, ano ba si Thunder? Gamit na pinamimigay na lang kapag hindi na mapapakinabangan? Tsk. Iba talaga kagwapuhan ni Thunder. Pati kaibigan ko nahuhumaling na din sa kanya. Hutaena nya. Masisisi nyo ba ko kung bakit miss na miss ko na sya?
"Hay naku. Akin na nga yan" sabi ko sabay kuha ng laptop ko. Langya, bakit ba kasi hindi ko pa nabura yung mga pictures ee. Wait.
"Hindi mo buburahin yan." Sabi nila kasi pinapanuod nila ko habang nagtatangka akong idelete yung mga pictures.
"Kaya ko" sagot ko.
"Kaya mo!?" Tanong nila. Parang chinachallenge ako.
"Kaya ko" sagot ko kaso wala ee. Hindi ko nga ata kaya. Kaya shinutdown ko yung laptop ko.
"Hahahahahaha. Kunwari ka pa ee!" Nagaappear pa sila at nagtatawanan. Tsk. Group study ba to or what?
•••
Habang tumatagal, bago matapos yung taon. Halos lahat ng mga kaibigan ko, may lovelife na. Ako na lang talaga tong napagiwanan pero wala ee. Im still too fragile to be hurt.
Though may mga nanliligaw sakin pero hindi ko naman ine-entertain. May isa kong pinansin kasi sobrang papansin na nya and kahit papano, nahuli nya kiliti ko. Bigla ko kasing naalala si Thunder sa kanya.
Si Harry.
Harry Chang Jr. Anak daw to ng isang businessman ee. Hindi ko alam kung bakit pero sa lahat ng lalaking naghahabol at humihingi ng kamay ko. Sya lang yung pinansin at inentertain ko ng ganito. Aaminin ko, nawala sandali yung pangungulila ko kay Thunder dahil naalala ko sa kanya yung mga ginagawa ni Thunder sakin. Pero as time goes by, wala na. Nawalan na ko ng amor sa kanya. Para kasing mali ee. Ayokong gamitin sya bilang panakip butas. Kaya nag settle ulit ako sa pagiging magisa at kasama yung mga kaibigan ko kahit na may mga boyfriend na sila. Ako lang talaga yung mukhang forever alone.
Dumaan ang maraming school activities at mga celebrations. Dito na nga din ako nag celebrate ng birthday ko ee. Ibang klase nga ee, sobrang bongga ng celebration na hinanda ni Papa.
That night, nagbukas ako ng Facebook ko para i check yung ilang social medias ko. Unexpectedly. Nagulat ako kasi may chat si Thunder.
Mitch, I miss you. Happy Birthday! Sorry sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ko pero sana dumating yung araw na yun. Gusto na kitang makita, makausap at makasama. Sobrang miss na kita. Sorry sa mga nasabi ko sayo noon na alam kong nakapagpasakit sayo. Sana mapatawad mo ko. Araw araw pinagbabayaran ko yung pagalis mo. Sinisisi ko yung sarile ko kung bakit ko nasabi yung mga bagay na yun.
Medyo lumalabo na yung mata ko kasi tumutulo na yung luha sa mga mata ko.
Happy Birthday ulet. Im looking forward to see you soon. I promise, I will be a better man for you. Kung sakaling bumalik ka, hinding hindi ko na sasayangin yung pagkakataon. Mahal na mahal kita Mitch.
Sobrang iyak yung ginawa ko. Nasira lang yung pagsesenti ko nung may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Happy Birt--" masiglang bati ni Millen na may dala pang cake kaso natigilan sya nung nakita nya kong umiiyak.
"Anyare!?" Tanong nya at saka nilapag yung cake dun sa table at saka niyakap ako para i comfort.
"Ano nangyare? Bakit ka umiiyak ng ganyan? May problema ba?" Tanong nya kaya pinabasa ko sa kanya yung chat ni Thunder.
"Oh ano naman? Akala ko ba kakalimutan mo na sya?" Tanong nya. Nakwento ko na din naman kasi sa kanya yung nangyare.
"Hindi ko kaya ee." Sagot ko.
"Alam mo kung ako sayo, burahin mo na yan. It doesnt make any sense" sabi nya at buburahin na sana yung chat.
"Wag!" Sigaw ko at saka inagaw yung laptop ko.
"Sus. Biro lang ee." Sabi nya at binasa pa yung chat. Clinick nya din yung profile ni Thunder at saka inis-stalk.
Hindi ko sya pinapansin kasi hindi ko alam yung pumapasok sa isip ko. Masyadong ginulo ng chat ni Thunder yung isip ko.
"Te'. Wag ka na magpakatanga dyan. Kalimutan mo na nga sya" sabi nya saka hinarap sakin yung laptop ko.
Tinignan ko kung ano yung pinapakita nya at nagulat ako dun sa picture na tinuturo nya.
May nakatag kasing picture kay Thunder. Picture nilang dalawa ni Gwen. Yung captain ng mga Cheerleaders? I dunno pero may something nagurge sakin para basahin pa yung caption.
This guy, really ❤️
Tas yung picture nila na nakaakbay pa si Gwen kay Thunder at halata na masaya sila. Si Thunder nakajersey at si Gwen naman nakasuot ng pang Pep squad. May kung ano kong naramdaman. Selos? Oo ata. Parang wala na nga akong babalikan. Nakahanap na ata si Thunder ng bago.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.