Chapter 32

19 0 0
                                    

Mitch:

Palabas kami ni Jayson sa library ng makasalubong namin si Sean. Umiiyak iyak pa din ako gawa ng sama ng loob. Pero mas naiyak ako sa binalita nya sakin.

"May alaala na si Thunder, kaso hindi ka nya kilala bilang girlfriend nya." Sabi nya sakin. Parang nanlambot yung tuhod ko nung sinabi nya yun.

"Ha? Eh ano?" Tanong ko.

"Bilang nerd at weirdo ng school. Dahil si Jenna yung kilala nyang girlfriend. Kanina nandun sya, clinaim nya na girlfriend sya ni Thunder. Eh yun ang natandaan ni Thunder kaya yun" sabi ng gaga na parang stress na stress.

Agad ko namang naramdaman yung pagyakap na naman sakin ni Jayson. Umiiyak pa din ako. Ang sakit na. Sobrang sakit na. Parang hindi ko na alam yung gagawin ko. Nawala na sakin si Thunder ng wala akong kalaban laban.

"Mamang, ipaglaban mo si Thunder. Hindi si Jenna ang girlfriend. Tandaan mo yan" sabi ni Sean.

"Bahala na." Naiiyak na sagot ko.

"Bahala ka dyan? Ano? Susuko ka na lang ng ganun ganun lang? Ano ba Mitch? Ipaglaban mo si Thunder. Ikaw yung may mas karapatan. Hindi pa naman huli ang lahat" sagot ni Sean sakin at yumakap din sakin.

As of now, nandun na ko sa stage ng gusto kong sumuko na lang. Pero si Sean at Jayson, pinipilit akong lumaban. Kahit na alam kong may sakit pa din kay Jayson yung gagawin ko kung sakali, hindi sya nag dalawang isip na pigilan ako. Okay, babawiin ko si Thunder. Pero honestly, hindi ko alam kung paano.

•••

After a week again, I saw the familiar black Montero sport na nakaparada sa may parking lot. Alam ko na kung kanio yun sa plate number nya. So nakapasok na si Thunder sa school. Nung nakita ko sya, may benda yung braso nya at yung ulo nya. Gusto ko syang lapitan nung pagbaba nya ng kotse kaso nagulat ako kasi bumaba din si Jenna sa kotse ni Thunder.

Para kong naging estatwa sa nakita ko. Wow, ang bilis nya masyado. Sobrang desperate moves ni ate girl.

Nakita ko pa yung ngiti ni Thunder habang inaayos ayos pa ni Jenna yung benda sa ulo nya at yung polo nya. May pabirong pagpalo pa nga si Jenna sa may balikat ni Thunder saka sya inakbayan ni Thunder at sabay naglakad.

"Ayun, doon. Natatandaan mo yun? Dito tayo unang nagkakilala. Dito ka din nagtapat ng feelings mo sakin" naririnig ko pa si Jenna habang naglalakad sila. Shet. Ang sakit lang makita ko sya na naka cling kay Thunder.

Tapos si Jenna, ayun. Nakita nya ata ako kaya hinalikan nya si Thunder sa lips nito. As in, so malande. Duh. Sobrang pathetic talaga. Kaso mas nasaktan ako nung gumanti si Thunder sa halik ni Jenna na yun. As in, napatigil ako sa paglalakad. Muntik pa ngang tumulo yung laway ko sa nakita ko.

"Excuse me, may problema ba?" Maarteng sabi ni Jenna. Nasa harapan ko na pala sila.

Nakatingin lang ako kay Thunder sa mata. Umaasa, baka sakali. Baka sakali lang naman. Sana maalala nya ko kahit papano.

"C'mon Thunder. Papansin lang yung nerd na yun" sabi ni Jenna at saka umalis. Sinundan ko sila ng tingin nung naglalakad sila. Tas tumingin pa pabalik si Jenna at saka tumingin sakin ng ano ba, basta. Tas nakangiting pang aso. Nakakabwisit yung itsura nya sa totoo lang. Mukha ngang wala na kong laban.

As of now, oo masakit pero hindi na lang ako nagpapaapekto. Kahit na sobrang sama na ng loob ko. Nagfla-flashback sakin yung mga sinasabi na 'promise' sakin ni Thunder. Naiiyak na nga lang ako kapag naalala ko yun, ngayon kasi parang wala ng sense yun. Wala na ee. Wala na sya sakin. Naagaw na sakin ni Jenna.

Wala ng magtatanggol sakin. Feeling ko sobrang vulnerable ko ngayon. Parang I just let her/them depride me. Hinayaan kong maging basura ko, malas, or any negative attachments na pumapasok sa isip ng mga schoolmates ko. Lahat yun tinatanggap ko na lang.

"Hey nerd! Ang canteen ay para sa mga estudyanteng kumakain. Dun ka sa library magbasa wag dito!" Sabi nung lumapit na kaibigan ni Jenna sakin at saka hinagis yung mga notebooks at libro ko na nasa lamesa.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko nga na wala ng available na tables at syempre, yung commotion ng mga taong nakapaligid samin. Nakakahiya yung tingin ng mga nakakakita sa pamamahiya nila Jenna. Pero may mas nakakahiya pa.

Nandun sila Jenna at saka si Thunder. Ang sweet nga kasi dala pa ni Thunder yung bag ni Jenna at dala dala yung tray ng mga kakainin nila.

Kinukuha ko yung mga notebooks ko sa lapag at nung pagtayo ko, ayun. Yung coke na iniinom ni Jenna kasi tinapon nya sa mukha ko.

"You deserve it bitch" sabi ni Jenna saka tumawa. Halos nakakabingi din yung tawanan ng mga tao sa canteen. Dahil sa 38oz na baso yung tinapon nya sakin. Sapat na yun para mabasa ako ng bongga.

Naghahalo na yung coke at yung luha sa mukha ko. Sobrang hiyang hiya ako. Gusto ko nga sanang bumuka na lang yung lupa at lamunin na ko para makawala sa kahihiyang to.

At ang pinakamasama dun, yung mismong baso ng coke na yun eh tinapon pa sakin ni Thunder. Oo, si Thunder nga. Tinapon nya sakin yung pinaka baso. So yun, basura na nga ako sa mata ng iba. Pati pala sa mata nya basura na din ako.

Hiyang hiya akong lumabas ng canteen. Walang definite na lugar kung saan ako pupunta. Lumalabo na din yung mata mo kasi nakakahilam yung pagtapon sakin ni Jenna ng coke at naiiyak na talaga ko ng sobra. Hindi lang ako makalaban pero lumaban man ako, wala din akong magagawa.

"Ate Mitch" sabi nung isang boses babae

"Mercy?" Yung babaeng nakasakay ko sa bus nung IPriSA.

"Ate ano nangyare? Halika po" sabi nya saka nya ko sinamahan sa may locker room at saka pinahiram ng isang Tshirt at Jogging pants.

"Check nyo na lang po kung kasya sa inyo" sabi nya sakin at hinayaan akong magpalit ng damit ko.

Nagkasya naman sakin yung PE uniform ni Mercy. At least hindi na ko ganung nakakahiyang tignan.

"Grabe. Ang sama po talaga ni Ate Jenna" sabi nya habang sinusuklay yung buhok ko.

"Hayaan mo na sila. Salamat nga pala aa?" Sabi ko na lang at nagpasalamat at yumakap sa kanya.

"Okay lang po yun" sagot nya.

"Mabuti na lang at nandito ka. Kungdi di ko alam ang gagawin ko" sabi ko na lang. Realtalk naman kasi talaga.

"Ate, okay lang po yun. Wag nyo na lang po silang pansinin. Basta, dito lang po ako. Kung kailangan nyo ng tulong ko." Sabi nya. Thats too sweet from her.

Nakita ko yung ID nya at medyo kinabahan ako kasi nalaman ko yung apelyido nya.

Mercy Villanueva.

Nasa may hallway kami papuntang library. Kasama ko pa din si Mercy para samahan ako. As of now kailangan ko talaga ng makakasama kaya nag insist na din sya. Mukha namang mabait tong batang to kaya okay lang naman.

"Talaga po bang sa library kayo magsstay? Hindi po ba kayo uuwe muna?" Sabi nya.

"Hindi na. Kailangan ko ding mag review ee. Siguro dito alam ko kahit papano safe ako" sagot ko na lang. Eversince, library is my safe haven.

Papasok na kami ng library ng magulat ako kasi nakita ko si Jayson sa may loob. At mas nagulat ako sa reaksyon nung dalawa.

"Mercy." Gulat ako sa bati ni Jayson.

"Kuya." Sagot naman ni Mercy.

"Are you related?" Tanong ko. Feeling ko kasi ee.

"Kapatid ko sya" sagot ni Jayson.

"Opo, kuya ko po sya" sagot naman ni Mercy.

"So alam mo na?" Tanong ko kay Mercy.

"Alam ko po pero hindi lahat. And wag po kayong magalit sa kanya. Yun lang po, Iwan ko na po muna kayo" sagot nya. Wow, que batang espiya nito. Pwedeng maging secret agent to aa?

"Look. I didnt tell her to keep an eye on you. Especially this days. Actually nagulat ako na magkakilala din pala kayo." Paliwanag nya.

"Gusto ko lang na may makakasama ka. Para wag kang magisa. Alam ko yung nangyare" sabi nya. Thats too sweet from Jayson. And Mercy as well.

"Thank you" sabi ko na lang at naiiyak pa din. Sobrang sakit nung nangyare sa canteen.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon