Chapter 53

26 0 0
                                    

Mitch:

May bakas pa ng luha sa may pisngi ko nung nagkasalubong kami ni Jayson. Tapos na ata yung training nila. Kaya pala, hindi na ko magtataka kung bakit nagkita kami ni Thunder.

"Hey, whats wrong?" Tanong nya at pinunasan yung luha ko.

"Wala" sagot ko na lang.

"Ayan na naman tayo, nagtatago ka na naman. Tell me" sabi nya. Wow, kilala nya nga talaga ko ng mga 95%.

"Si Thunder ba?" Tanong nya. Medyo masama nga tingin nya ee.

"Hindi" sagot ko. Ayokong lumaki lang yung gulo kaya as much as possible, iiwas na lang ako sa kanya.

Pero nagtataka ko kasi masama yung tingin ni Jayson, sakin. I mean, hindi pala. Dun sa nasa likod ko, si Thunder.

"Mitch, can we talk?" Sabi ni Thunder. Here he go again

"Dont mess with my girl, okay? Diba wala na kayo?" Sabi ni Jayson at nakaakbay sakin.

"Bakit? Sino ka ba?" Tanong ni Thunder.

"Si Jayson. Boyfriend ko" sagot ko. I knew its out of my script, pero yun lang yung alam kong way para manahimik na si Thunder.

•••

"You dont have to. Bakit mo sinabi yun?" Tanong ni Jayson. Aba, ayaw pa ng george.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko.

"Eh ang tanong, totoo ba? Mahal mo pa din naman sya diba?" Tanong nya. Napaka banal talaga ng lalaking to.

"Pero dapat na syang kalimutan" sagot ko.

"Its easy to forgive, not to forget. Trust me, eventually you will pick up the broken pieces and you'll try to fix it again. Its the mind that forgets, not the heart" seryosong sabi nya.

"Ay, may englishan? Ganun?" Sabi ko na lang to make the atmosphere light.

"Fine. Let me be your boyfriend, your friend, your knight in shining armor" sabi nya.

After that. Jayson is there in my side no matter what, hindi ko nga alam kung boyfriend ko ba sya or personal assistant na ee. Jayson is so hands on when it comes to me. He even managed to pick me up papuntang school kahit na busy schedule nya. I mean, nagmamanage din kasi sya sa cafe nila diba? Well, speaking of that cafe. Lagi kaming kumakain ni Jayson dun. Libre bes, dati nagiipon pa ko. Ngayon kung gugustuhin ko, pwedeng pwede.

Tinutulungan ko na nga din sya minsan mag manage ee. I mean, ganito pala yung feeling. Iba ee.

"Grabe, araw araw ganito ginagawa mo? Paano mo namamanage yun?" Tanong ko

"Simple lang. Kung mahal mo naman yung ginagawa mo ee, walang hindi makakaya" sagot nya.

I love and totally admire Jayson's sense of responsibility and time management.

Kapag may assignments naman kami, sya yung nagiging study buddy ko at the same time naging food trip buddy na din. Lagi kasi syang nagdadala ng Pizza at kung ano ano kapag nagrereview kami sa bahay.

Naging legal kami kay Mama. I mean, alam ni Mama na wala na kami ni Thunder at masaya na sya sa ibang babae. Samantalang ako, eto. Nagrerebuild pa din ng sarile ko. Okay lang din naman kay Mama yung about samin ni Jayson.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon