Chapter 38

25 0 0
                                    

Thunder:

Nagising ako.

Masakit ang ulo ko at masakit yung katawan ko. Hindi ko alam kung nasan ako at yung mga tao sa paligid ko.

"Sino ka?" Tanong ko dun sa Doctor na lumapit. Kuya daw yun. Kapatid ko pa pala. Ibang klase. Kaya pala pamilyar sakin.

May babaeng lumapit sakin at sinabi na girlfriend ko daw sya. Hindi ko sya namumukhaan at hindi ko kasi matandaan na nagka girlfriend ako. My god. Ano ba nangyare sakin?

Kinabukasan, dinalaw naman ako ng grupo ng mga lalaki. Nagpakilala sila na mga ka-team ko sa basketball sa school. Basketball player ako sa school, oo. Natatandaan ko nga.

Naguusap kami ng mga kateam ko tungkol nga sa nangyare na hindi ko din nasagot dahil biglang may pumasok na babae. Familiar sya sakin at parang nakita ko na sya. Hindi ko lang talaga matandaan.

"Thunder, babes." Sabi nya saka yumakap sakin.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Thunder, its me. Jenna. Your girlfriend" sagot nya.

"Wala akong matandaan" sagot ko. Seryoso naman kasi talaga. Bakit dalawa silang nagcla claim na girlfriend ko? Babaero ba ko?

"You dont remember? Were a happy couple. Diba?" Sabi nya sabay kausap sa mga ka team ko.

"Yes captain, sya yung girlfriend mo" sabi nung isang lalaki. Hindi ko kasi matandaan yung pangalan nya.

"Ipapaalala ko sayo. Look. Remember this?" Sabi nya sabay pakita ng mga pictures nya sa gallery.

Nakita ko yung mga pictures naming dalawa. Nakayakap pa ko sa kanya. May mga shot na candid kung gaano kami kasaya. Proposal ata yun o yung niligawan ko sya nun kasi may flowers syang dala nung naka cheerleader outfit pa sya, yung out of town trip namin. Wait. Parang naaalala ko na nga. Sya nga ata yung girlfriend ko.

•••

As day passes by. Lagi ng nasa tabi ko si Jenna at inaalagaan ako. Just like what a supportive girlfriend does. Sya nga din yung tumutulong sakin para bumalik yung alaala ko. Nagka amnesia kasi ko and Im trying to pick up every pieces na nawala. Its like everyday is like a new journey, andami kong nadidiscover at at unti-unti ng bumabalik yung alaala ko.

"Bakit nga ba ko naaksidente?" Tanong ko. Hanggang ngayon kasi yun pa din yung gumugulo sakin.

"Dahil kay Mitch." Natigilan sya sandali bago sya sumagot.

"Sinong Mitch?" Tanong ko. Ano kinalaman nya?

"I dont know the whole story pero sya talaga yung may kasalanan. Kaya wag mo na lang syang lapitan. That nerd is so insane na kasi" sagot nya.

"Karapatan kong malaman yun. Sino ba yun?" Tanong ko.

"Yung campus nerd sa school?" Sagot nya. Okay, Ill give her the prize. Nalaman ko kasi na naaksidente ko dahil sa isang tao kaya biglang sumagi sa isip ko na kailangang ibalik sa kanya kung ano yung ginawa nya. She deserved it.

Hanggang sa nakapasok na ko sa school. Nakita nga namin yung Mitch. Babae pala sya. Pero wala akong pakialam. Nagkatinginan pa kami at hindi sya makapagsalita. Natatakot siguro sya sakin. Pinigilan lang ako ni Jenna pero gusto ko sana na kumprontahin sya sa kung anong ginawa nya sakin.

•••

Nasa canteen kami nun. Kasama ko si Jenna at yung mga kaibigan nya. Wala kaming maupuan at sakto naman na nandun si Mitch sa isang table at nagbabasa lang.

"Paalisin nyo nga yan" utos ko. Badtrip din kasi kong makita sya dun sa canteen na nagbabasa lang. Canteen kasi yun, hindi Library

Wala sa plano ko na ipahiya sya. Pero si Jenna kasi yung unang nagmove na itapon sa kanya yung coke na iniinom nya. I dont know what urges me pero tinapon ko din sa kanya yung baso. Somehow I feel relieved. Nakaganti kasi ko kahit papano.

Another one is nung PE nila. Inutusan kasi ko ni Sir. Robin na mag assist sa kanya sa Shooting drills ng kabilang section. Sakto yung klase nila Mitch yung tuturuan nya. Actually, wala nga akong plano na mapahiya sya ee. Sya na din naman ang gumawa ng ikakapahiya nya. Masyado kasi syang lampa. Pinabayaan ko sya nung nainjury sya at hinimatay pa dahil sa tumamang bola sa ulo nya.

"Im so disappointed in you Thunder" sabi ni Coach. Parang ngayon ko nga lang ata sya nakitang nagalit ng ganun. Pinagalitan nya kasi ko dahil nga pinabayaan ko si Mitch.

Sinabihan nya ko na mag apologize kaya pumunta ko sa clinic. But instead, dun ko na nilabas yung galit at panunumbat ko. Wala akong pakialam. She deserved it. Sya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito.

That afternoon, paguwe ko. Kinausap ako nila Kuya at yung dalawang bata. Hindi ko kasi sila kilala kasi halos napagpapalit ko yung pangalan nilang dalawa.

"Hows Mitch?" Tanong ni Kuya Zander

"Hinimatay daw sya ng PE nila aa?" Sabi nya. I dont know kung paano nya nalaman yun pero badtrip akong sumagot sa kanya.

"Wala akong pakialam" sagot ko.

"Ginaganyan mo na girlfriend mo?" Tanong nya.

"Girlfriend!? Nababaliw ka na ba kuya?" Tanong ko. Really? Pati sa bahay si Mitch ang topic? At girlfriend ko daw? Hindi ba sila nandidiri?

"Oo kaya Kuya! Hindi si Jenna!" Sabi nung isang bata.

"Malande yung babaeng yun! Mangaagaw sya!" Sabi na naman nya kaya medyo naambaan ko sya ng suntok. Damnit. Pati bata pinapatulan ko.

"Thunder!? Ano ba nangyayare sayo!?" Pagalit na tanong ni Kuya. Naiiyak na din yung batang babae.

"Whatever. Iwan nyo na nga lang ako!" Sabi ko saka padabog na pumasok sa kwarto ko. Badtrip.

Bakit ba yung babaeng yun yung center ng atensyon ko this past few days? Lagi na lang sya yung napaguusapan namin. Nakakainis lang. Instead na kampihan ako, parang mas pabor pa yung mga kapatid ko kay Mitch. Hindi ba nila alam na si Mitch ang dahilan kung bakit ako naaksidente?

Isa pa. Earlier nakipagaway ako sa isang bakla na kinukulit din ako na girlfriend ko nga daw si Mitch. Totally, naasar nga din ako kasi pati sya clini-claim nya na kaibigan ko din daw sya. Dude, never ata akong nakipagkaibigan sa bakla dahil sobrang awkward nun. Tapos sasabihin nya kaibigan ko sya? Marami na nga atang baliw sa Mckinley.

Kinabukasan.

Papasok na ko sa school nung makasalubong ko yung batang nakasagutan ko kagabe. Si Spice ata yun. Napagpapalit ko kasi yung pangalan nila ni Sugar ee.

"Goodmorning" bati ko pero tinignan nya lang ako at hindi kinikibo. Galit siguro sakin. Anubayan, pati family relationship namin apektado.

Napagdesisyonan kong kumain na lang ng almusal sa labas at may nadaanan akong 7eleven kaya dun ako huminto at bumili ng makakain.

Pumipili ako ng flavor ng mga instant noodles ng ma distract ako dun sa staff na nagrerefill ng siopao sa may steamer. I mean, theres no special thing naman about sa siopao pero may bigla kasi kong naalala. Ewan, basta. Sumasakit lang yung ulo ko kapag pilit kong inaalala kaya kinalimutan ko na lang.

Pagpasok ko ng school, bumungad agad sakin yung baklang nakasagutan ko kahapon.

"Tulong! Tulong! May nalulunod sa pool!" Sigaw nya. Agad naman akong napatakbo sa may pool at nakita ko dun si Mitch.

"Tu-tu-tuloonnngg!" Sigaw nya at hindi makalangoy. Bigla kong naalala na may sprain nga pala sya kaya hindi sya makakalangoy.

"Tuloonnngg!!" Nagmamakaawang sigaw nya. Nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko sya o hahayaang malunod pero bigla akong nakaramdam ng awa. Out of my whim. Hindi ko na hinubad yung uniform ko at tumalon na ko sa pool para sagapin sya.

Dinala ko sya sa may gutter ng pool. Wala na syang malay nung binuhat ko sya para ihiga sa may gilid ng pool. Kinabahan ako.

"Mitch! Mitch!" Nagaalalang sabi nung bakla

"Dalhin natin sa clinic!" Sabi nya na medyo naiiyak iyak na. Ako mismo yung bumuhat sa kanya papunta dun sa clinic. Wala akong pakialam kung galit ako sa kanya or what. As of now, kailangan nya ng tulong kaya ko ginawa yun.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon