Chapter 23

61 0 0
                                    

Mitch:

Last day ng IPriSA ngayon and awarding ceremonies na lang ang pupuntahan namin. I dunno, bat parang tinatamad akong pumunta? Hindi ko kasi alam yung feeling ee. Para kong may kaaway na dapat iwasan. Though given na si Jenna. Hays, paano ko na haharapin kung sakali si Jayson o kaya si Thunder? Ugh. Bahala na. Act normal Mitch. You can do it.

Papunta na ko ng school ng makita ko si Thunder. Mukha ngang okay na sya ee, makakapag laro na ata ulet. Wearing his blue jersey and his name and number sa likod. Alam kong sya na yun, kahit na nakatalikod pa sya. Good. Kailangan ko munang magtago sa kanya.

Hanggang nakarating na ulet kami sa Adrenaline. Nakita ko na lang sya nung tinawag na yung pangalan nya. I was shocked nung innannounce na nag second lang ang school namin sa basketball at nag champion sila Jayson. MVP lang si Thunder at Player of the season naman si Jayson. Aminado ko, nasaktan ako para kay Thunder. Alam kong sobrang importante sa kanya nung championship game na to. Nakita ko na paalis sya nung auditorium pagkababa nya ng stage. Gusto ko syang lapitan kaso pinigilan ako ni Sean.

"Girl. Nah. Wag mo muna syang lapitan. Let him cool off. He needs space" sabi ni gaga.

"Okay" sagot ko na lang. Pero deep inside gusto ko syang lapitan. Oo Mitch. Wow ee no? Sobrang balimbing mo. Parang kagabe walang nangyare? Masyado kong urong sulong shet.

"Math quiz bee, 2nd place" announce nung emcee. Okay. 3rd yung taga Adrenaline. Kinabahan ako, usually kasi nanalo ng 2nd or 1st yun.

"Jayson Villanueva of Dalton" banggit ng pangalan ni Jayson. Wow. Congrats to him. Sulit ang nosebleed nya. Charot. Medyo nagkasalubong yung tinginan namin kahit na nasa dulo ko. Nakatingin kasi sya sakin ee. Ano ba ibig sabihin nun? 'Ako nga pala yung sinayang mo' ganun? Hindi ee. Basta. Iba yung tingin nya sakin.

"And the first place, no other than." Pa suspense na announce nung emcee.

"Michelle Lim of Mckinley High!" Tilian yung mga schoolmates ko. Si Sean inaalog alog pa ko. Hindi ko talaga inexpect yun. Akala ko kasi hindi ako makakapag belt ng place this year. Eh kasi naman, halos lutang nga ako nung nagqu-quiz ee. Nasa stage kaming tatlong nanalo. Kaya sobrang awkward ko pa kasi magkatabi kami ni Jayson. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sya iaapproach dahil sa nangyare kahapon.

"Congrats" bati nya.

"Congrats din" yun na lang ang nasagot ko. Awkward kasi talaga bes.

"Wait. Theres more. The winners will also have the oppurtunity to compete at the Metrobank Regional Math quiz next month" announce nung emcee. Wait what? Another competition na kasama si Jayson? Seriously? Oh my god.

So far, okay natapos naman yung awarding and halos naghakot ako ng awards. Nag third place ako sa Essay Writing at nag first din sa Declamation speech na sinalihan ko. Tuwang tuwa nga sakin yung mga Teachers ko dahil nag overall champion kami this year. Thanks sa effort ng bawat isa. One for Mckinley High! Vamos Mckinley Titans

After nung awarding ceremonies. Nagkaron ng parang feast ganun sa school. Konting celebration lang pero may mass muna para thanksgiving sa court. Hinahanap ko nga si Thunder kaso hindi ko sya makita. Gusto ko pa naman syang kamustahin.

Nasa may office of the President ako ng school. May kainan kasi dun and invited ako since ako yung one of the individual highest pointer para mag champion ang school. Sobrang party ng atmosphere. May kainan at tawanan ng mga teachers pero ako, nasa isang sulok lang. Hindi naman sa OP ako or what. Kinakausap naman ako ng mga prof pero iba talaga yung gusto kong makausap ee.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon