Chapter 47

54 0 0
                                    

Thunder:

I dont know how I managed to finish the school year na wala si Mitch. So far, okay naman yung sinabing 'distractions' ni kuya. Nag focus ako sa studies ko, nabalance ko na yung time ko especially sa basketball and personal stuffs. May time na din ako para sa mga kapatid ko at higit sa lahat. I push to my limits. May mga bagay na nagawa ko na akala ko nung una hindi ko magagawa.

"Still a good job Mr. Torres" sabi ni Sir. Bhong. Tumakbo kasi ko bilang President ng Student Council. Sounds ridiculous right? Pero ginawa ko talaga. Pero syempre, given na. Natalo ko during the elections. Okay lang naman, at least it was a good fight. Saka mas deserving pa din naman yung nanalo kesa sakin.

Nagkaron ng mga school activities sa Mckinley pero yung iba, pinalipas ko na lang. Hindi ko kasi halos maeenjoy gawa ng ayokong magpaka socially attach sa mga tao right after nung nangyare samin ni Mitch. Intrams lang ata ako nagparticipate since marami ang nagsabi na 'wala na daw yung Thunder Torres' na sinasabi nila right after our loss in IPriSA. Then I just proved them wrong. Nag MVP ko sa Intrams and nagchampion yung Team ko. See? Im not on the oblivion.

Since its my junior year. Eto sana yung unang taon ko para makaranas ng JS prom pero hindi ko din masyadong inenjoy yung gabe na yun. Gusto ko kasi, if ever. Si Mitch yung magiging partner ko at ako yung first and last dance nya. Pinaghandaan ko pa naman yung araw na to kaso wala ee, wala na sya. Pumunta lang ata ako at nagpakita nung entourage at umalis na din nung mismong nagsasayawan na sila. Si Gwen nga ang partner ko nung nag entourage at nabalitaan ko na lang na na King Of The Night pala ko. Hindi ko din naman nakuha yung award ko kaya hindi ko na din alam kung ano nangyare.

Natapos ang school year at masasabi ko na naging productive naman ako kahit papano. Naging Top 10 ako sa klase namin, ako pa din yung Team Captain ng Basketball at nagkaron ako ng confidence sa lahat ng bagay. Though yung iba ay medyo awkward pa din sakin gawa nga nung nangyare samin ni Mitch. Pero pilit kong tinatama yung mga pagkakamali ko. Hindi ko naman sila masisisi kung yung iba ayaw na sakin pero, hindi ko hawak mga isip nila. Wala na kong pakialam dun, labas na ko dun.

Bakasyon na namin ngayon. Nung mga unang linggo medyo nakakayanan ko pang mag kulong lang sa kwarto ko. Feeling ko kasi kulang pa din yung mga ginagawa ko. Am I a better man now for Mitch? Para kasing kulang pa.

Since grumaduate na si Spice sa Grade 6, at may honors silang dalawa ni Sugar at naayos ko yung studies ko. Nagdesisyon si kuya na mag leave sa trabaho at mag 3day vacation stay sa Baguio. Nung una nga wala akong balak dahil parang mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto pero napilit din nila kong sumama. Tss. Pagaalagain nya lang ako nila Sugar at Spice ee.

Umaga kami umalis sa bahay at nakadating kami sa Baguio ng mga Hapon. Medyo nakakabadtrip nga lang kasi sa byahe sobrang ingay nila Spice at Kuya dahil kanta sila ng kanta.

"Cause the players gonna play play play play play. And the haters gonna hate hate hate hate. Im just gonna shake shake shake shake shake. Shake it off! Shake it off!" Kanta nila Spice habang sinasabayan yung kanta na nagpla play sa stereo ng kotse. Talagang may pagheadbang pa sila at parang mga baliw na nagsayaw sayaw pa. Pati nga si Sugar napapakanta na din ee. Di ako na KJ.

Nung nakadating kami sa nirentahang Villa ni Kuya. Nagpahinga lang kami bago kami maglibot at mamasyal. Si Kuya lumabas muna para bumili at makapagluto ng makakain namin. Kaya naiwan ako saka sila Spice na busy na busy sa paglalaro ng Plants vs Zombies sa iPad nya. Si Sugar naman nagbabasa ng Insurgent at nakahiga lang si Sugar sa braso ko.

"Pahiram nga ng iPad mo Sugar" sabi ko. Medyo nabuburyo na din kasi ko sa Villa. Sira din kasi yung iPad ko gawa ng pagdadabog ko last time.

Nagopen lang ako ng Facebook ko. Alam kong sobrang mali nito pero umasa ko na magrereply si Mitch sa chat ko nung birthday nya. Pero hindi, seen lang. Aray lang.

Nagscroll ako sa Newsfeed ko para makibalita at makapagpalipas ng oras kahit papano.

[Play "Babalik" by James Reid while reading this part]

Hindi maiwasang mapagsisihan,
Na ako'y lumisan.

Habang nagchecheck ako ng mga post ng mga friends ko. Nagulat ako kasi nakita ko yung post ni Mam. Gascabell na nasa Great Wall of China. Kung hindi ako nagkakamali, ang sabi kasi ni Coach Robin sakin sa Disneyland daw sila pupunta since 3rd anniversary na nila ni Mam. Pero bakit sa Great Wall?

May nagudyok sakin para buksan yung 10 photos na nakaattach sa post nya na yun. Usually mga views lang and selfies nila ni Coach.

Medyo bumagal yung net kaya nagload yung pang 8th picture. Nung nagload na, nagulat ako kasi kasama nila si Mitch.

Oo, si Mitch. How I miss this girl. Bigtime. Kung alam ko lang sana pala sumama na din ako sa kanila sa pagpunta sa China. Medyo naiiyak ako kasi sobrang miss ko na si Mitch. Ngayon ko na lang ulit nakita picture nya na nakangiti sya, ang saya nya dun sa picture na yun. Sobrang genuine nung ngiti nya.

Ang simoy ng hangin,
na lamang ang tanging,
kayakap sa piling
ng napiling iwanan ka.
At waring ang buhay may taning,
di kayang sabihing
madali ring bitawan ka.

At ngayon, masaya ka na sa kanya.
At sakin hindi ka na muling babalik,
babalik, babalik pa.

Ililipat ko pa sana sa pang 9th at 10th na photo kaso bigla akong napigilan nung nakita ko yung picture ni Mitch na kasama si Jayson. Oo, damn you Jayson. Ikaw na naman?

The smiles in Mitch's face is priceless. Sobrang saya nya. Halos dinudurog yung puso ko kasi nakita ko pa na nakapasan pa si Mitch kay Jayson at sobrang sweet nila.

"Omaygad! Omaygad talaga!" Biglang sigaw ni Spice

"Bakit?" Tanong ko. Ano naman problema nun?

"Tignan mo oh!?" Sabi nya sabay lapit dala yung iPad nya. Nagpost kasi si Mitch sa Instagram kasama si Jayson. May hawak pa nga silang kwintas ee. Yung caption lang yung parang sumaksak sa puso ko.

All the way from Philippines to China. This guy is too damn special. Thank you @JaysonV08 for everything. Thru thick or thin. Love you 😘

Gusto kong maiyak sa nabasa at nakita ko. Parang wala na nga akong puwang sa buhay ni Mitch. Pinagpalit nya ko kay Jayson. Sabagay, hindi ko naman sya masisisi. Si Jayson, nandun sa mga darkest hours ni Mitch. Well, congrats bro. Alagaan mong mabuti si Mitch, para sakin.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon