Mitch:
"Mitch, can we talk?" Sabi ni Jayson bago sila umalis. Agad naman akong sumama sa kanya sa may garden sa likod.
"Bakit?" Tanong ko.
"About the last time, ano." Sabi nya kaso hindi nya alam kung paano nya sisimulan. Alam ko naman ee, parehas kaming lasing nung gabeng yun.
Naginuman kasi kami ni Jayson. Actually, wala lang naman yun. Uminom lang naman ako kasi nakita ko syang umiinom ng red wine. Kaya uminom na din ako. Abay malay ko bang napaparami na din ako at nahilo ko. Nagulat na nga lang ako kasi nagising ako sa kwarto ko ee.
"Alam ko, sorry din. Nalasing ako" sabi ko na lang. May mali din naman ako mamang.
"Yung mga sinabi ko, I mean it" sabi nya. Pilit ko tuloy inalala yung mga pinagusapan namin.
"One day, Ill be back for you. Hindi ako mapapagod na maghintay sayo. Kung dumating man yung point na yun, alam ko na masaya ka na nun at wala ka ng hinihiling pa kaya magiging masaya din ako para sayo."
Nakatingin nga lang ako sa kanya nung sinasabi nya to ee. I mean, seriously. Jayson is the real MVP bro. Ang tatag nya. Kahit na paulet ulet ko syang nababaliwala.
" Ako din naman Jayson ee. Hindi naman sarado ang puso ko para sayo" sagot ko. Realtalk to mga bes. Hindi naman sa rebound like that si Jayson. Pero time will come, eventually matututunan ko din naman na mahalin si Jayson ng buong buo. Yung wala ng 'what ifs' mga ganun.
"I love you. I love you. I love you. Wala akong pakialam kung awkward to pero its true. Kahit na mukha na kong tanga sayo" sabi nya.
"Eh mas tanga nga ako ee" sabi ko sabay inom ng red wine. Straight bes.
"Lagi na lang kitang binabalewala. Hanggang ngayon naka stuck pa din ako kay Thunder. Taena. Bwisit na yun no? Ayaw mawala sa isip ko?" Sabi ko. May tama na kasi ko.
"Thunder Torres!? Taena nagpakabaliw ako kay Thunder Torres!? Sino ba sya!? Dyos ba sya!?" Sabi ko sabay padabog na binaba yung baso at may paturo turo effect pa.
"Makakalimutan din kita! Magsama kayo ng Gwen mo! Magsama kayo!" Sabi ko at magsasalin na naman ng panibagong round ng wine kaso pinigilan na ko ni Jayson.
"Enough. Mitch! Enough!" Saway nya at hawak yung bote at nilalayo sakin.
"Lasing ka na" sabi nya sabay tumayo at tinago yung wine. Tumayo din ako para agawin sa kanya yung wine kaso ayun, anyare? Bat hanggang dun lang naalala ko?
"Hey. Im sorry about what happened" sabi nya.
"Ako nga tong dapat mag sorry ee" sabi ko then dead air na. Awkward kasi ee.
"Were leaving. See you in Manila" paalam nya.
"Talaga bang magaaral ka sa Mckinley?" Tanong ko. Sa pagkakatanda ko kasi sinabi nya yun.
"Oo. Babantayan kita" sagot nya.
Wow. Bodyguard na pala si Jayson ngayon. Sana nagbouncer na lang sya. Charot
•••
After one week ng pagalis nila Jayson. Bumalik naman kami sa Manila kasama si Millen. Sya naman daw ang magbabakasyon kaya go. It would be another cat-dog argument all over again. Bakit ba kasi minsan hindi kami magkasundo nung gaga na yun? Not about rivalry or evil half sisters drama like that aa. Lagi kasi syang naglelecture sa mga katangahan at kabaliwan ko, wala ee. Nagmahal. Nasaktan. Ayaw pa ding matuto.
Second week na ng pasukan sa Mckinley. Hindi pa naman masyadong regular class yun kaya okay okay pa. Makakahabol pa ko sa mga lessons.
Medyo nagpalate ako ng konti para agaw eksena ang datingan. Pero syempre joke lang, dumaan pa kasi ko sa Registrar para ayusin formally yung papers at enrollment ko. Binigay na din sakin yung ID at class section ko.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.