Chapter 41

35 0 0
                                    

'Only know you love her, when you let her go'- Let her Go by The Passenger

Thunder:

Kinabukasan, paalis na ko ng bahay para pumunta ng school at para makita ko si Mitch. Kailangan ko kasi syang makausap. Kailangan kong makapagpaliwanag.

Palabas na ko ng bahay ng harangin ako ni Kuya Zander.

"San ka pupunta!? House discipline ka ngayon. Suspended ka sa school nyo. Hindi ka aalis ng bahay. Dito ka lang" ma authority na sabi nya.

"Kuya, pupuntahan ko si Mitch" sagot ko.

"Para san pa kuya!? Eh wala na sya! Diba ikaw na mismo nagpaalis sa kanya? Bat ngayon kakausapin mo pa sya? Gago ka ba?" Sabi ni Spice.

Badtrip akong bumalik sa kwarto ko at nagkulong lang maghapon. Pota. Bat ba kasi ko nagpadala kay Jenna ee. Nakakainis.

•••

Kinaumagahan, maaga kong umalis ng bahay para pumasok ng school since one day suspension lang naman yung parusa ko. Hindi ko nga alam kung bakit nadamay ako pero mabuti na din kasi expelled na si Jenna sa school at tapos na yung mga panloloko nya.

Pagpasok ko. Dumerecho na agad ako sa classroom nila Mitch. Ang sabi ng mga classmate nya, hindi na din daw pumapasok si Mitch. Shet.

Pumunta ko sa kabilang section at hinanap ko si Sean. Now I remember, oo nga. Magkaibigan nga pala kami ni Sean. Alam kong galit din sya sakin pero nilapitan ko pa din sya at tinanong.

"Sean, si Mitch?" Tanong ko at binigyan nya lang ako ng 'Seriously?' look.

"Wala na si Mitch. Nag drop na. Umalis na. Lumipad na ng China. Nagka amnesia ka na naman ba ulet? Diba ikaw nga mismo nagpaalis sa kanya? Oh? Bakit mo hinahanap ngayon?" Medyo pagalit na sagot nya. Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang pressure.

"Yan kasi, ngayon hahanap hanapin mo? Matapos mong saktan hahanapin mo? Gago ka din ee no? Nagpabilog ka kasi dyan kay Jenna mo ee. Hmmmp. Magsama nga kayo." Sabi nya at pagalit na umalis. Hindi ko din naman sya masisisi kung ganun yung galit nya sakin.

Pupunta nga pala ng China si Mitch. Masama to, kailangan ko syang pigilan. Pumunta ko sa parking lot kahit alam kong magsisimula na yung klase.

"Bawal na lumabas" sabi nung guard pero hindi ko sya pinansin at mabilis na pinatakbo yung kotse ko.

Una kong pumunta sa bahay nila Mitch. Hoping na maabutan ko pa sya dun. Kaso hindi na, naabutan ko na nakaligpit na yung mga gamit at yung pinsan lang ata nya yung nakausap ko.

"Ay wala na sila Mitch. Ngayon yung flight nila papuntang China" sagot nya.

Feeling ko tuloy pati si Mama galit na din sakin, ano ba yan. Bigla kong naalala yung warning nya sakin before. Eto na nga yun.

"Ako nga pala si Smokey, ikaw ba yung Thunder?" Tanong nya.

"Ako nga" sagot ko.

"Ayun, mabuti na lang at hindi ko na kailangang pumunta ng Mckinley. Anyway, may pinabibigay kasi sya sayo" sabi nya sabay may kinuhang box

"Ibigay ko daw sayo yan sabi ni Mitch" sagot nya saka iniwan ako.

Bumalik ako sa kotse ko at dun ko binuksan yung box. Nandun yun jersey ko, yung jacket ko, yung smurf na happy meal. Si Baby ThunThun. Yung bracelet na bigay ko sa kanya at yung kwintas ko. Lahat ng binigay ko kay Mitch binalik nya sakin. Parang feeling ko tuloy talagang kakalimutan nya na ko. Hindi pwede to.

Bumaba ako at binalikan si Smokey.

"Anong oras yung flight nila Mitch?" Tanong ko

"Ah, 8am ata" sagot nya. Tinignan ko yung relos ko. 7:02 pa lang. Kaya nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at nagdrive papuntang airport.

Gamit ang ibang phone, dinial ko yung number ni Mitch pero cannot be reach na to. Nagcoconclude na nga ako na nakaalis na sya ee, pero umaasa pa din akong maabutan ko sya dun.

Mabilis naman akong nakadating sa airport dahil hindi naman masyadong traffic. Patakbo kong pinasok yung loob kahit na hinarang na ko ng mga personnel.

"Excuse me sir, bawal na po kayo dito" sabi nung isang guard.

"Boss. Sandali lang, may kailangan lang ako kausapin sa loob" pakiusap ko.

"Hindi nga pwede! Bawal! Wag ka ng makulet" sagot nya.

Humanap muna ko ng tyempo saka ko mabilis na sumegway sa guard kaya nakapasok ako. Hinabol nila ko pero binilisan ko na lang yung pagtakbo.

Nakarating na ko sa may departure area, dun sa may mga nakaupo. Hinanap ko isa isa kung nandun si Mitch kaso hindi ko sya nakita. Nung medyo maabutan na ko ng guard, sakto naman na nakita ko na sya papasok na sa eroplano.

"Mitch!" Sigaw ko

Lumingon sya. Si Mitch nga

"Mitch!" Sigaw ko at nagmamadaling tumakbo sa kanya. Sa kasamaang palad, naharang ako ng mga guard.

Nakita ko pa si Mitch na umiiyak na lumingon sakin, pero hindi na sya tumingin ng matagal at naglakad na din papasok sa eroplano.

"Mitch! Ako na to! Si Thunder! Yung boyfriend mo!" Sigaw ko. Kailangan nyang malaman na bumalik na yung alaala ko.

"Mitch! I love you!!" Sigaw ko pero huli na ang lahat. Wala na sya.

Naiiyak ako habang hawak nung mga guard yung braso at pinipigilan ako sa pagpupumiglas ko. Dinala ko dun sa may office ng security.

"Ano ba ginawa mo!? Alam mo ba yung ginagawa mo!?" Tanong nung chief pero hindi ko sya pinapansin. Sobrang lutang ko kasi, wala na si Mitch. Umalis na sya.

Dahil minor lang ako, hindi naman ako ganung kinasuhan kaya nakaalis din ako sa airport. Nagdrive ako ng mabilis pauwe sa bahay namin, wala akong pakialam kung mahuli ko ng MMDA o maaksidente ko. Sa pagdridrive ko binuntong yung galit ko sa sarile ko.

Napatigil lang ako nung may aso na tumawid kaya huminto talaga ko. Badtrip talaga ko kaya pinupokpok ko na yung manibela ng kotse ko.

"Mitch! Bakit mo ko iniwan!?" Sigaw ko nung lumabas ako ng kotse at pinagsisipa yung gulong ng kotse ko.

"Bakit!? Bakit!?" Naiiyak na tanong ko at napaiyak na sa lupa. Nakaupo ako na parang batang inagawan ng candy. Sobrang sakit nung pagalis ni Mitch. Hindi ko maiwasang pagsisihan kung bakit sya umalis. Kasalanan ko to lahat.

"I love you, walang iwanan aa?" Biglang nagfla flashback sakin yung mga linya na lagi kong sinasabi ko sa kanya na ngayon eh kinakain ko na lang. Hindi ko din naman kasi napatunayan sa kanya.

Paiyak akong pumasok ulit sa kotse ko saka ko tinuon ulit yung atensyon ko sa box na iniwan nya.

"Para malapit sa puso mo" biglang nagflashback sakin yung sinabi ko nung binigay ko sa kanya yung kwintas ko na "T" ang nakalagay. Sobrang importante sakin nun.

"Anak natin yan aa?" Yun yung sinabi ko nung binigay ko sa kanya yung Piggy Stuff Toy. Si Baby ThunThun. Naiiyak pa nga ko nung niyayakap ko yung stuff toy na yun.

Habang tinitignan ko yung mga gamit sa box, may isang maliit na sobre dun kaya kinuha ko saka binuksan.

Superman, Thunder Torres

Yan yung nakalagay sa labas ng sobre at may drawing pa ng logo ni Superman. Pinunit ko yung gilid ng sobre at saka kinuha yung laman para basahin.

Hi, in case na mababasa mo to. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Sorry, pero kung ano man yung pinangako natin sa isat isa noon, mukhang hindi ko na yun mapapatunayan sayo. Sorry bumitiw ako agad, wala ee. Sobrang nasaktan kasi ko. I love you Thunder, salamat sa ilang araw na sumaya ko ng dahil sayo. Pero siguro ganun nga talaga, hindi nga siguro yung para sa isat isa. Tanggap ko na naman na. Kaya okay lang, makakalimutan din kita. Umalis ako para i rebuild ko yung sarile ko. At least dahil sayo natuto kong magpakatatag, with that. At least I can say, thank you for the heartaches. Yun lang. Ingatan mo sana yung sarile mo. Goodluck sa studies mo at sa pagbabasketball mo. Goodbye, - Mitch

Nababasa na ng luha ko yung sulat nya. Nagfafade na nga yung ink ee. Pero hindi ko mapigilan yung sarile ko. Ako din yung gumawa ng sarile kong heartaches. Ang tanga tanga ko. Bakit ko hinayaang mawala sakin si Mitch ng ganun ganun lang? Ngayon wala na sya. Hindi ko na alam gagawin ko.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon