Chapter 52

17 0 0
                                    

Thunder:

The annoying voice of Spice serve as an alarm clock para magising ako. Like seriously? 5:30 in the morning? How cool was that?

"Ano ba? Inaantok pa ko" grogeng bati ko.

"First day of school! Tanghali na kaya!" Sabi nya na inaalog alog pa ko sa kama ko.

"Hush it Spice!" Sabi ko. Medyo nahihilo kasi ko, napasama pa ata na uminom ako ng beer kagabe para makatulog.

"Kuya, baka malate tayo" sabi nya.

"Ako okay lang ako ma late. Hindi pa naman regular classes yan kaya okay lang" sabi ko sabay nagtalukbong ng kumot.

"Eh paano ko? Ayokong malate sa first day high ko" sabi nya. Tsk, one of the burden na nasa iisang school kami. Ako pa talaga magaadjust sa schedule nya?

Mabuti naman at tinigilan nya ko. Mapapahimbing na sana ko kaso nagulat ako kasi may parang dumidila sa paahan ko. Si Zaver siguro. Yung aso namin, nakikiliti ako pero hindi ko masyadong pinapansin dahil nga inaantok pa ko.

After 5 mins.

Medyo naalimpungatan ako kasi parang may mainit na pumapatak sa paa ko. Una tolerable pa ee. Pero habang tumatagal, pota.

Pagdilat ng mata ko nakita ko si Spice na may hawak na kandilang may sindi at pinapatulo yung wax sa paa ko.

Hutaena dis.

"Spiiiiccceeeeeee!!" Pasigaw na saway ko. Takbo sya, tinapon nya yung kandila. May sindi pa. Nasunog ng konti yung carpet ng kwarto ko. Walangyang bata to.

•••

Hindi na din ako nakatulog ng maayos dahil sa pangiistorbo ni Spice. Dumerecho na lang ako sa banyo para maligo.

Engks.

Almost 30 mins ko ata munang kinausap yung sarile ko sa salamin. Muntanga diba?

Nagse-self prophecy kasi ko. Like, what if magkita kami ni Mitch?

What if classmates kami?

What if bumalik na pala sya?

What if, sila na nga ba ni Jayson?

Yung Jayson na yun. Hutaena. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na magpinsan kami nun. At magiging classmate ko din kaya sya?

Paano kung sumali din sya sa Basketball team?

Paano kung, bwisit. Umagang umaga ang morbid at ang paranoid ko.

Binuksan ko yung shower, hinahayaan ko lang mabasa ako nung malamig na tubig. Nakapikit lang ako habang binabasa ko yung buong katawan ko. Mag gym kaya ako?' Magpalaki ng katawan? Fck. Ang random ng idea na to.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako ng uniform. Infairness nga ee, bago mga gamit ko ultimo brief at boxers ko. Para daw kasi sipagin ako, yun yung dahilan ng kuya kong abnormal.

Nasa lamesa na silang tatlo at ako na lang ata ang hinihintay para mag complete attendance na kami.

"Goodmorning" bati ko

"Gwapo." Sabi naman ni kuya, patay. Nabakla na sa sarileng kapatid nya.

"Inlove ka naman" kyemeng sabi ko at umupo sa designated place ko sa lamesa.

"Teka lang, picturan ko kayo. Tas send ko kayla Mama" sabi ni kuya kaya nagkaron muna ng photoshoot. Isesend kasi namin yun kayla Mama sa US. Wala ee, kailangan kasi may documentation kami. Daming arte no? Parang ebidensya ganun. Kung nagaaral nga ba kami or what. Tsk tsk.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon