Thunder:
"Pwede bang wag ka na lang lumayo? Pwede bang akin ka na lang?" Sobrang selfish ko ba sa tanong ko? Wala ee. Hindi ko kasi kaya, hindi ko na kayang lumayo ka sakin Mitch Lim. Mas masakit pa yun kesa sa foot injury ko.
"Bahala na." Sagot nya. Hindi ko naman sya masisisi. Decision nya pa din naman yun. Tssss. Ikaw talaga kahinaan kong bwisit ka.
"Bat ba kasi kailangan mo pang umiwas o lumayo?" Tanong ko.
"Basta. Maiintindihan mo din naman yun" sagot nya. Okay, maiintindihan ko nga. Eh bakit sya nandito kung sinabi nyang lalayo daw muna sya kasi naaw-awkwardan sya? Kasi ano, hindi nya ko matiis ganun? Naks. I won
"Okay." Sagot ko na lang. Pero as she said, hindi naman daw sya sigurado kung sasagutin nya si Jayson. Buti nga, kailangan ako yung lalaking mananalo sa puso ni Mitch. Ako lang. Thunder gets what Thunder's want. Thats the number one rule.
"Anyway, kamusta ka na ba?" Tanong nya
"Eto, medyo ayos ayos na. Pero mas ayos ako kung nandito ka lang lagi para sakin" sagot ko. Syempre wala akong guts para sabihin sa kanya yung last part.
"Magpagaleng ka aa? Aaminin ko, may kirot sa puso ko nung nakita kong namimilipit ka sa sakit kanina" nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko expect na maririnig ko yun sa kanya. Somehow I feel special. Naks
"Seryoso?" Tanong ko. Hindi ako makapaniwala.
Nagulat na lang ako kasi niyakap nya ko. As in, parang delayed ata yung reception ng utak ko at ngayon lang nag sink in sakin na nakayakap sakin si Mitch.
"Sana maging okay ka na. Sana gumaling ka na. Kung pwede na lang na mag share na tayo sa injury mo na yan ginawa ko na" sabi nya habang nakayakap pa din sya sakin. Wow, how sweet.
"Ha? Magpagaling ka aa? Ikaw kasi ee. Tanga mo din kasi minsan ee" sabi nya at kinurot pa yung pisngi ko. Damn. I miss her trashtalks.
"Sige na, alis na ko. Nakakahiya na ee" sabi nya. Gusto ko syang pigilan muna. Gusto ko pa syang kausap kaso wala ee, hindi na ko nakapagsalita. Hinayaan ko na lang na umalis sya. Pero at least, pinuntahan nya ko. Dun lang masaya na ko.
"Kausap ko nga pala si Sir. Bhong kanina. Magpagaling ka daw" dagdag nya bago sya lumabas.
Tapos bigla kong na realize na bukas na pala yung History quiz bee na dapat ako kasama ni Mitch. Sa kasamaaang palad, mukhang hindi ako yung makakasali. Paano na?
Mitch:
Feeling ko kapag nagtagal pa ko na kasama si Thunder eh hindi ko mapigilan ang sarile ko at maamin ko na lang sa kanya na mahal ko na sya. Jusko Mitch. Conceal dont feel. Dont let it go. Tiisin mo kagaya ng pagtiis mo sa call of nature mo. Lol
Nung niyakap ko sya. Ewan ko ba, ano nga ba nag urge sakin para yakapin ko sya? Trip lang ganun? Bat nga ba may pagyakap pa? Para naman akong sira. Nagfefeeling naman akong girlfriend ni Thunder mga bes. Sugudin pa ko ng mga fangirls nun ee.
Siguro yung pagyakap sa kanya yung alam kong kaya kong ibigay sa kanyang pag comfort. Hays. Bwisit naman kasi si si luko ee. Nakaka stress na aa.
Kinabukasan, si Sean kasi (yung classmate kong beki din) yung magiging partner ko sa History quiz since hindi makakapag compete si Thunder. Kaya panibagong group dynamics na naman. Since magkaklase naman din kami, agad naman ding nagpalagayan ang loob namin. Oo, medyo awkward kasi hindi talaga ko ganung ka friendly. Ewan ko ba, ang lakas lang talaga ng sense of humor nitong baklang to at naging close kami agad. Ayun, panibagong dagdag sa listahan ng kaibigan ko.
"So yun, kawawa si fafa Thunder no?" Sabi nya habang nagrereview ko.
"Ha? Oo nga ee" medyo sympathetic na sabi ko.

BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.