Chapter 56

13 0 0
                                    

Thunder:

Nangyare na yung araw na kinatatakutan ko, wait. Parang mali yung kinatatakutan. Ano ba yung tamang term? Ewan. Basta, dumating na yung araw na dumating si Mitch. Akala ko handa na ko, hindi pa pala.

Feeling ko kasi sobrang patapon ko pa din, hindi ko ineexpect na ganung image na yung makita ko sa bagong Mitch. Hindi nya na kasi ko ganung pinapansin at iba na yung mga tingin at ngiti nya sakin. She seems totally moved on, samantalang ako? Eto, stucked pa din sa kanya.

Akala ko magiging okay na yung lahat. Nagassume kasi ko ka pwede pa, may chance pa. Pero wala na, para kasing hindi ko na kilala yung bagong Mitch na nakikita ko. Nagbago na nga sya. Change is inevitable right?

"Hey, Thunder. Join me. Recess na ee" sabi ni Gwen nung inaabangan ko si Mitch, badtrip nga ee. Hindi naman sa galit ako sa kanya, pero lumapit pa kasi sya sakin. Tas nakita at kinausap pa si Mitch na parang wala at tropa tropa lang. Di bale sana kung hindi selosa si Mitch ee. Alam nyo naman diba? Baka mamaya iba na iniisip nun.

Gumawa ulet ako ng paraan para makausap sya. This time magisa lang sya at kaming dalawa lang, perfect timing to para makapagusap at makapag apologize ako sa kanya.

Pero wala.

Wala na nga ata talaga.

Nasaktan ako nung nalaman ko na boyfriend na nga ni Mitch si Jayson, hindi ko naman agad pinaniwalaan. Pero as time goes by, nakikita ko naman sa mga kilos nila na may something na nga sa kanila. Kunwari pa tong si Jayson ee. Ahas talaga.

Masasabi kong tolerable pa yung mga first week na pinalaya ko si Mitch. Tuwing nakikita ko sila ni Jayson na magkasama, ewan ko. Naiiyak ako ee. Ako kasi dapat yun, ako dapat yung gumagawa ng mga bagay na yun. Ako dapat nagpapasaya sa kanya, pero wala ee. Wala na ko sa buhay ni Mitch.

Unti unti ko na ding tinatanggap na wala na nga si Mitch, masaya na sya sa iba pero kahit anong gawin ko. May kirot pa din sa puso ko kahit anong sabihin ko na wala na kong pakialam, bwisit ka Mitch. Nababaliw ako sayo ng ganito. Bakit ba kasi ang lakas ng tama ko sayo?

Kinausap ko sya after ng Basketball training namin. Hinihintay nya ata si Jayson pero nilapitan ko sya para makausap, kating kati na kasi kong kausapin sya. Feeling ko mamamatay na ko kung hindi ko pa sya nakakausap.

"Mitch, can we talk?" Paginitiate ko ng conversation. Gusto ko kasing malaman kung may puwang pa ko sa kanya, kahit konti lang. Kahit hanggang friends na lang.

Unexpectedly, sinampal nya ko. Nagulat ako sa ginawa nya. Ngayon na lang kasi ko nasampal ng isang babae. Naiyak ako, hindi dahil sa sakit ng pagkakasampal nya kungdi sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Halata kasi na sobrang galit sakin ni Mitch, ewan. Bumalik na naman yung pagkaasar ko sa sarile ko.

•••

Nung umuwe ako sa bahay, wala na. Sinabi ko sa sarile ko na last na yun. Ayoko na kasing masaktan ee. Siguro tama na yun.

Nakipagsapakan pa nga ako kay Jayson kanina ee. Sinapak nya kasi ko, as in. Nagaway na naman kami sa harap ni Mitch, dati ako yung nagsimula. Ngayon sya naman, gumanti pa si luko. Bloodbath nga hutaena.

"Kuya, may naghahanap sayo" sabi ni Spice. Umiinom kasi ko ng beer sa may labas. Gusto ko kasing iinom na lang yung sama ng loob ko.

"Sino?" Tanong ko.

Laking gulat ko kasi si Jayson yung humahanap sakin at pinuntahan pa talaga ko sa bahay namin. Dahil medyo may tama na ko nasapak ko sya ng isa pero hindi sya gumanti

"Kuya!" Saway ni Spice kaya natigilan ako.

And then he explained his agenda. And tungkol kay Mitch. Mas nagulat ako kasi sinusuko nya sakin si Mitch. Seryoso, sya pa mismo nagsabi na makipagbalikan na ko sa kanya.

"Shes still inlove with you, shes still misses you. Kahit ano gawin ko, ikaw pa din yung nasa puso nya" sabi ni Jayson.

"Tol, ay pre, ano ba?" Hindi ko alam kung ano tatawag sa kanya.

"Seryoso ka ba dyan?" Tanong ko. Baka kasi mamaya ginu good time nya lang ako, lasing ako ngayon. Wag nya kong simulan.

"Yes," sagot nya.

Alam daw ni Mitch na girlfriend ko si Gwen dahil sa nakita nyang isang Facebook post na nakatag ako. Tinignan ko nga yung nasabing pictures at yun yung Intrams namin last year. Yes, iba talaga ngiti ko nun. Nagchampion kami ee? Lakas kasi maka badtrip nung caption ni Gwen. Dun nagkanda leche leche ang lahat ee.

"Hindi naman kami ee, nagkataon lang na nagpapicture sya" depensa ko.

"Saka, hindi naman kami. Magkasama lang kami sa school kasi sya lung lapit ng lapit. Pero wala kaming relasyon" paliwanag ko pa. Langya, nasisira ako ng wala akong alam. Kaya naman pala hindi na ko kinakausap ni Mitch ee. Yun pala yun

•••

Kinagabihan, pumunta ko sa bahay nila para magpaliwanag. Alam kong galit sakin si Mama. Hindi ko kilala yung babaeng humarap sakin pero nakiusap ako na kung pwede tawagin nya si Mitch. Kailangan ko kasing sabihin sa kanya yung totoo. Siguro kapag nalaman nya yun pwede na nya kong mahalin ulet, at makipagbalikan ako sa kanya.

Pero wala pa din, pinaalis nya pa din ako kahit na nakapagpaliwanag na ko. Katok ako ng katok sa pinto nila pero walang may balak magbukas. Tumigil na din ako pero hindi ako sumuko, naghintay ako ng naghintay sa labas ng bahay nila baka sakaling may lumabas. Pero wala.

Inabot na nga ako ng madaling araw at umuulan pa. Pero hindi ako sumilong at nandun lang ako sa tapat ng bahay nila. Nagkaupo. Naghihintay. Mukhang kawawa at mukhang tanga.

Pinapatayo at pinapaalis na nga ako ng mga baranggay tanod at may nantri trip na sakin pero hindi ko pa din sila pinapansin. Nakaupo lang ako at mukhang tanga na naghihintay kay Mitch kung lalabasin nya ko, o kakausapin nya man lang ako ulet.

Naghintay ako ng naghintay pero wala pa din. Inuubo ubo na nga ako at giniginaw na ko ng mapansin ko na parang hindi na tumutulo yung ulan, tumila na ba? See. Pati pagtila ng ulan hindi pa ko sigurado.

Nagulat na lang ako na si Mitch na pala yun, pinapayungan ako. Out of my whim, niyakap ko sya kaya nabitawan nya yung payong at parehas kaming nababasa sa ulan. Naiiyak ako sa sobrang tuwa, at least naconfirm ko na may feelings pa din sya sakin.

Sya na din naman mismo ang nagsabi na mahal nya ko. Sa sobrang saya ko, hinalikan ko sya sa labi. Damn, I miss her so much. Gumanti sya sa halik na yun pero nagulat ako kasi bigla nya kong tinulak.

"Mali, mali. Mali to" sabi nya at parang binabawe yung paghalik nya.

So, its about Jayson Villanueva again. Naiintindihan ko din naman ee, ayaw nyang maleft behind yung pinsan ko. Tama din naman ee, kawawa din naman kasi yung tao.

Alam ko na mahal din ni Jayson si Mitch, and Im in the oblivion. Eto na siguro yung point na kailangan nya na talaga kong kalimutan. It doesnt make any sense na din kasi, its over. Everyone has their limit.

Hindi ko magawang magalit kay Mitch, or kay Jayson. Desisyon nila yun ee. Wala na kong magagawa kungdi tanggapin na lang. I love you Mitch, whatever happen. Im still for you, in case you change your mind. I will, and Ill still love you. Promise

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon