Chapter 31

44 0 0
                                    

Mitch:

Para kong binuhusan ng malamig na tubig nung nalaman ko na may amnesia nga si Thunder. Ang mas masakit dun, bakit hindi nya ko naalala? Bakit parang ang unfair ng pagkakataon? Akala ko okay na lahat ee, hindi pa pala. At hindi na ata magiging okay lahat.

"Maalala ka din nya miss, as of now just give him time" sabi nung Doctor.

Time. Time. Time

Its almost one week after nung nangyare kay Thunder. Naging usap usapan din yung pagkakaaksidente nya at syempre, yung relasyon namin.

"Grabe, kawawa naman si Thunder"

"Deserve nya naman yun. Karma lang nya yun"

"Reyna talaga ng kamalasan yung Mitch na yun."

Everyday. Lahat ng judgement nila tinitiis ko. Lahat ng masasakit na salita, dinedeadma ko. Lahat ng pangaasar nila, pinagpapasensyahan ko. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan hindi ako magpaalipin sa kanila. Kailangan kong lumaban. Kaso its 1 vs the mob ang laban ee. Isa lang kasi ko ee, wala akong kaibigan kaya wala akong mapaglabasan ng sama ng loob ko.

Nasa may library ko at dun ako umiiyak. Hindi ko na kasi talaga kaya. Sobrang sakit na. Sobrang hirap na. Hindi ko na kayang tanggapin yung mga nangyare at yung mga mangyayare pa. Parang sobrang hopeless ko na. Nadefy ko na nga ata yung 'No man is an island' ee. Magisa ko lang kasing hinaharap tong pain na to. Hindi ko na talaga kaya. Feeling ko susuko na ko.

Kasalukuyan akong umiiyak ng may maramdaman akong may umupo sa may table. Naramdaman ko kasi yung weight at yung aura nya.

"Magreresign na yung ulan, saka bagyo. Hiyang hiya na daw sya sayo ee. Bumabaha na kasi dito" sabi ng boses ng lalaki. Si Jayson.

"Jayson?" Gulat ko

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko at nagpahid ng luha ko.

"Magrereview." Sagot nya.

"Wow, ang layo aa? Wala ba kayong library sa Dalton?" Tanong ko. Medyo naaw awkwardan kasi ko gawa nga nung nangyare nung nakaraan.

"Meron. Pero sa pagkakatanda ko kasi, may schedule tayo ng review ngayon" sagot nya. At yun nga, bigla kong naalala. Meron nga.

"Ang bata mo pa para magulyanin. Gusto mong memo plus?" Biro nya na medyo kinatawa ko.

"Yan, tumawa ka. Ngumiti ka." Sabi nya

"Sana nga ganun lang kadali ee" sagot ko.

"Andito naman ako ee, c'mon." Sabi nya saka sya lumapit sakin at niyakap ako.

"Thank you. Buti na lang nandito ka" sabi ko na lang at nagcli cling sa kanya.

"Just call my name, and Ill be there" sabi nya na medyo pa joke. Medyo tinotono nya kasi ala Mariah Carey. Napangisi ko. Hindi ko napigilan ee.

"Just making the atmosphere light." Sabi nya sabay kiss sa ulo ko. Alam kong may part na mali to. Pero wala ee, kailangan ko ng isang taong malalabasan ko ng sama ng loob. At least, alam kong hindi ako nagiisa.

Jayson:

"Boss, ligawan mo na kaya?" Sabi nung isang ka team ko. Kilala na din kasi nila si Mitch. At alam nila yung tungkol sa rivalry namin ni Thunder sa basketball nga at ngayon pati kay Mitch.

"Pre, nabigyan mo na naman sya ng leksyon diba? Natalo mo sila. Tanggal na yabang nun. Dapat pati yung babae din dapat maipanalo mo" sabi naman nung isa. Para nga kakong ang panget nung term. Ipanalo daw. Parang championship game lang din. Kaso wala ee, iba to. Wala na kasi kong laban. Sila na ee. Nakuha na ni Thunder si Mitch.

•••

Bilang nanalo kami nila Mitch sa math quiz nung IPriSA. Meron kaming regional competition na sasalihan at magkakampi kami kasama yung taga Adrenaline. Okay lang naman sakin, kaso syempre wala ee. Sobrang masochista ko ba? Hindi ko kasi tanggap na talo na ko ee. Parang gusto ko pang lumaban para kay Mitch.

Magkausap kami nun. Kahit anong iwas ang gawin ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarile ko para makipausap at magmakaawa sa kanya. Parang ang pathetic ko na nga ee. Alam kong wala na talaga, kaibigan nya na lang ang tingin nya sakin pero wala ee. Sobrang stubborn nitong puso ko. Kahit nasaktan, nasugatan at nawasak na to nung binusted ako ni Mitch. Sya at sya pa din ang sinisigaw nito.

Kaso sa kasamaang palad, nagaway kami ni Thunder. Nagsapakan kami. Wala sa isip kong makipag away sa kanya dahil nasa harap ko si Mitch kaso hindi ko na din napigilan ang sarile ko. Wala ee, lalaki ko. Ayokong matapakan nya yung pride ko ng ganun ganun lang.

Medyo nadistract lang ako. Gusto kong sapakin sya, saktan sya at pahirapan sya kaso imbis na ako yung gumawa  nun. Ako yung binugbog nya. I dunno, hearing Mitch voice really touch my heart. Ayokong makita na ganun yung aura nya. Iba kasi ee, bilang lalaki. Alam mong nasasaktan na yung babae sa mga kilos mo. Ang martyr ko no? Dapat nga si Thunder pa nagiisip nun ee. Tsss. Hinayaan kong bugbugin nya ko. Deserve ko din naman. May mali din naman ako. Hinayaan kong matapakan nya yung pride ko. Mahal ko si Mitch ee. Kaya handa kong ibaba pride ko para sa kanya.

Few weeks after.

Wala akong balita kay Mitch. Buti nga medyo walang schedule ng review ngayon kaya hindi kami pumupunta sa Mckinley at hindi kami nagkikita ni Mitch. But one day, nagulat ako sa balitang nasagap ko mula sa mga ka team ko.

"Captain, alam mo na ba yung balita?" Tanong nung isang rookie namin.

"Anong balita?" Tanong ko

"Si Torres naaksidente daw" sagot nya. Torres? Sinong Torres? Wala naman akong ka team na Torres aa?

"Yung Thunder Torres captain, yung nagbalya sayo nung game last IPriSA. Naaksidente. Nasagasaan" sagot nya.

Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ko. I supposed to be happy kasi ano nga ba, basta. Karma? Nah. I dont even believe in Karma or what. Okay, nakalimutan ko yung kung anong galit ko sa kanya. Wala din akong balak gumanti sa kanya or what.

"Karma nya yun captain. Diba sya din yung bumugbog sayo?" Sabi nya

"Oo, sige. Una na ko aa" sabi ko sabay lumabas ng quarters. Dali dali kong kinuha yung susi ng kotse ko at dumerecho sa Mckinley.

Sa ngayon kasi, alam ko may isang taong sobrang naapektuhan sa nangyare kay Thunder. Si Mitch. Alam kong sobrang hirap nyang i-cope yung ganitong sitwasyon. She need some company. She need someone she can lean on. Wala muna kong pakialam sa awkwardness between us. Wala na kong pakialam kung medyo kilala na ko sa Mckinley dahil sa nangyare. Wala akong pakialam. Si Mitch lang talaga yung pumapasok sa isip ko. Sya lang. Ayoko kasing makitang nasasaktan sya. Alam ko sobrang sakit sa kanya nung nangyare.

Mabuti na lang at natapat yung schedule ng review ngayon kaya kahit papano may valid excuse ako kung sakali kung bakit ako nasa Mckinley. Una ko syang pinuntahan sa library, I trust my instinct lang kasi alam ko dun ko lang sya makikita kaya yun.

Naabutan ko syang umiiyak. I knew it, sabi na ee. Seeing her cry breaks my heart. But I dunno, ayoko lang talagang nakakakita ng babaeng umiiyak. Whether ako yung reason or iba. Every girls deserve to feel special. To be happy. Ayokong makitang may babaeng umiiyak. Parang feeling ko kasi mas nakakababa ng ego ee.

I just make her feel safe. Pinagtitinginan kami nung mga tao sa library pero wala akong pakialam. Ang alam ko lang eh kailangan kong damayan si Mitch sa ganitong darkest hours nya.

Pero wait. Take note self. Hanggang dyan lang yan. Wag kang rurupok. Wag magtatake advantage. Wag mo ng dagdagan ang agony nya if ever. Be a comforter. Not another lover. Do your best na wag mainlove ulet sa kanya. Settled na sa pagiging friends.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon