Chapter 45

54 0 0
                                    

Mitch:

Unconsciously, naramdaman ko na lang na umiiyak na naman ako. Tsss. Akala ko sincere yung chat ni Thunder. Hindi pala. Mukhang masaya na sila ni Gwen ee. So atsipwera na naman ako sa buhay nya. Okay.  Buti na lang kahit papano prepared ako sa mga ganitong mangyayare. At least hindi ako nasasaktan ng bongga kahit papano.

I distracted my attention sa studies ko. Back to the old Mitch na subsob sa pagaaral ang ginawa ko. Sumali din ako sa mga school organizations kahit na hindi ko gamay masyado yung mga kalakaran sa kanila. Okay na din yun, at least macha-challenge ako. Pinagbutihan ko yung pagsali sa mga extra curricular activities at nagbunga naman yun nung pagsapit ng bakasyon. Though given na na transferee lang ako at galing pang Pilipinas pero nakipagsabayan ako sa mga classmate ko na Chinese. Well, thanks for the heartbreaks Thunder. You push me to my limit. And dont worry, this time. I learned how to play with my foods.

Bakasyon na nun at feeling ko bakasyon na din sa Pilipinas since napapadalas na yung mga video calls namin nila Mam. Gascabell.

"Hi Mitch? How are you na?" Bati nya nung magkausap kami thru Skype.

"Okay lang po Mam" sagot ko.

"Guess what? I have a surprise for you." Sabi nya. Medyo kinabahan ako. Ano naman kaya yun?

May pinakita syang yung pang pregnancy test. At nakita ko nga, positive nga.

"OMG! Magkakaanak na kayo Mam!" Excited na sabi ko. Well, Im happy for them! Kasal na lang talaga kulang sa kanila ni Coach Robin ee.

"Yes, yes. Finally. Ang saya saya ko. May anak na din ako. Im so excited!" Tuwang tuwang sabi nya. Honestly, masaya ko kasi lagi naming napaguusapan ni Mam yung tungkol sa pagkakaron ng anak. Kaya nga sya na yung tinuring kong Nanay-nanayan sa school ee.

"And wait, theres more. May surprise pa kami sayo" excited na sabi nya. Ay, may pa suspense pa.

"Ano po yun?" Curious na sagot ko.

"Secreeeeeet" sagot ni Mam na parang excited na hindi malaman.

"Next week mo na lang malalaman. Magprepare ka aa?" Sabi nya bago nya i end call yung video chat. Geez. Ano naman kaya yun? Ewan ko lang. Bigla akong kinabahan na naeexcite. Hays. Bahala na nga.

•••

After one week, medyo buryong buryong na din ako sa bahay since wala naman akong masyadong mapagkaabalahan since bakasyon na. Bigla kasi kong tinamad magbasa ng libro kahit na usually yun lang naman ang ginagawa ko.

Medyo mataas na yung araw pero nakahiga pa din ako sa kama ko. Still waiting for a miracle ang peg ganun. Tinatamad pa kasi kong bumangon ee.

"Mitch, may naghahanap sayo sa labas" sabi ni Mama habang kumakatok sa pinto ko.

Weird. Sino naman kaya hahanap sakin? Wala naman kaming usapan nila Jayem at Jane aa? Wala kaming lakad ngayon kaya nagtataka ko kung sino yung maghahanap sakin? Harry? Nah. Malabo.

"Sino Ma?" Tanong ko. Tinatamad kasi talaga kong bumangon at medyo inaantok antok pa ko.

"Bakit hindi mo na lang babain? Dali na." Sabi nya. Kesa naman makipag pinoy henyo pa ko kung sino yung naghahanap sakin. Bumaba na din ako para harapin yung bisita ko.

"Nasan Ma?" Tanong ko kasi pagbaba ko wala namang tao sa may sala.

"Nasa labas pa" sagot nya. Wow, ang hospitable naman. Hindi pa pinapasok ni Mama.

Pagkabukas ko ng pinto.

"Surpise!!!" Bumungad sakin sila Coach Robin at Mam. Gascabell.

Akala ko nananaginip lang ako or what. Hindi kasi talaga ko makapaniwala na nandito sila sa China at nasa bahay namin. Parang sobrang unexpected nito. Eto na ba yung surprise na sinasabi nya?

"Mam! Namiss ko kayo!" Sabi ko sabay mahigpit na yakap sa kanya. Nakayakap din samin si Coach Robin.

"Namiss kita Mitch!" Sabi nya at pinupunasan yung luha ko. Naiiyak kasi talaga ko. Tears of joy, sobrang saya ko kasi.

"Paano nyo nga po pala nalaman address namin?" Tanong ko.

"Ay oo nga pala. May isa pa kaming surprise sayo ." Sabi nya. Nuba, kinabahan naman ako bigla.

"Pogi! Labas na!" Sabi ni Mam. Gascabell. Aaminin ko, umasa ko na si Thunder yun. 'Pogi' daw kasi, bigla kong naalala na si Mama ang tawag kay Thunder ay pogi.

Kaso nagulat ako kasi si Jayson yun. Omagad. May isang salita sya. Sinundan nya nga ako sa China.

Jayson:

Isang linggo matapos ang pagalis ni Mitch. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Sa Schoolings ko, sa pagbabasketball, sa cafe. Sa lahat. Pati sa sarile ko.

Tuwing naalala ko yung impyernong sinapit nya sa mga schoolmate nya saka kay Thunder. Naasar ako. I dunno, I feel worthless. I mean, bat ganun? Ginawa ko naman ang lahat pero, nevermind. Ginusto ko nga din pala to. Ang kapal naman ng mukha ko kung isusumbat ko pa sa kanya. Basta, hindi kasi ko nawawalan ng pagasa na balang araw mamahalin din ako ni Mitch kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Martyr diba? Pero wala ee. Mahal ko kasi talaga si Mitch. Wala akong paki kung ano sasabihin ng iba. Que sa tanga ko o masochista.

"Jayson? What happened? Lagi ka daw lutang sa klase nyo? Hindi ka daw nagtratraining kapag may drills kayo? At lagi ka na lang lutang dito sa cafe. Ano ba nangyayare sayo?" Sabi ni Mama. Pero hindi sya galit sakin or what. Kalmado pa din sya kahit na sobrang pabaya ko na.

"Wala Ma'" sagot ko na lang. Pero deep inside hindi ko na talaga kaya. Parang sasabog na talaga ko.

"Okay, ganito na lang. Focus on your studies, ayusin mo yung pagaaral mo. And Ill give you anything you want" sabi nya. Just like my childhood days. Susunod lang ako sa utos nya kapag may reward sya na ibibigay after. Napangiti ako.

"Gusto kong pumunta ng China Ma'. Out of town trip. Sa bakasyon" sagot ko.

"Yun lang ba? Maliit na bagay. Just promise me na magiging okay na ulet yung schoolings mo okay?" Sabi ni Mama bilang pagpayag sa deal or whatsoever namin.

Tulad ng napagusapan, sineryoso ko yung pagaaral ko. Nagfocus din ako sa pagtra training at paglalaro ng basketball at nagchampion ng isang game againts Adrenaline sa isang friendly game. Inasikaso ko din ng mabuti yung cafe at tumaas yung sales nito for the next two months. At nung dumating yung bakasyon, ayun. Tinupad ni Mama yung pinangako nya at nagpa book kami ng ticket pa China. Buti na lang nahingi ko kay Mitch yung address nila. Kaya kahit papano magagawan ng paraan puntahan.

Palabas na kami ni Mama sa Travelling agency ng makasalubong ko yung Coach ng Mckinley saka yung girlfriend nya.

"Sir." Bati ko

"Jayson, ano ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Nagpa book lang po ng flight. Kayo po?" Sagot ko.

"Magpapabook din ng flight. San ka naman pupunta? San ka magbabakasyon?" Tanong nya. Wow, nagtatanungan lang kami.

"Sa China po. Pupuntahan ko si Mitch" sagot ko.

"Seriously!?" Gulat ni Mam. Gascabell. Naks, kilala ko sya.

"Opo. Binigay naman po sakin ni Mitch yung address nila kaya kahit papano pwede kong hanapin para puntahan" sagot ko.

Magbabakasyon daw sila sa Hong Kong kaya napagpasyahan nila na sumama daw sakin kapag pupunta na sa bahay nila Mitch. Since nasa isang bansa lang din naman ang pupuntahan namin.

Excited na kong makita si Mitch. Tulad ng pinangako ko sa kanya, susundan ko sya sa China. Sana nga lang, sana lang. Masakit mang umasa pero sana mapagbigyan ako ni Mitch sa gusto ko. Na maging akin sya at ako bahalang magalaga at magpasaya sa kanya. Masyado ko syang mahal kaya pati sa China susundan ko sya. Mapatunayan lang yun sa kanya.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon