Mitch:
Okay. Napuntahan at nakausap ko na si Jayson. Pero hindi ko alam kung bakit may naguurge sakin na si Thunder naman yung puntahan ko. I dunno, sabi ko sa sarile ko distance muna ee. Papanindigan ko muna yun.
Hanggang sa nakauwe ako ng bahay. Derecho na nga lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Bukod sa pagiisip kung sino ang magiging partner ko sa History quiz bukas, nagtatalo yung puso at isip ko.
"Pupuntahan mo ba si Thunder?" Yan yung sinasabi ng puso ko.
"Ewan. Hindi. Oo! Hindi!" Sabi naman ng naguguluhang isip ko. Pati nga ako nagwawala na ee. Mukha kasi kong sinasapian. Umiikot ikot ako sa kama ko umiiyak iyak pa. Langya.
"Bestfriend lang ba tingin mo o Crush mo na?"
"Bestfriend na Crush ko na" sagot ko at same routine. Ikot ikot sa kama ko at tinatapon yung unan ko.
"Baka naman kasi ang manhid mo Mitch"
"Hindi! Ayoko mag assummeeeeeeeeee" sabi ko at iyak na iyak na talaga. Hutaena mo Thunder. Dahil sayo nababaliw ako kakaisip sayo.
"Eh paano na si Jayson?"
"Ewan koooooooo" sabi ko at umiikot na naman ako sa kama ko at pinapadyak na yung paa ko sa kama. Mukha talaga kong baliw ampota. Gulo gulo na yung buhok ko. Gulong gulo yung bed sheet at kama ko. Pero mas magulo yung isip ko.
Tumayo ako saka ko inopen yung laptop ko. Eh walanghiya naman po, ginawa ko palang wallpaper yung selfie ni Thunder. Yung selfie nya sa bus? Hutaena, sineryoso ko talaga sinabi nya.
"Ikaw kasi ee! Bwisit ka talagang hayuf ka ee! Dahil sayo nababaliw ako ng ganito. Akala mo naman kung sino kang gwapo!?" Para kong tangang kinakausap yung wallpaper ko na mukha ni Thunder.
"Pero pakshet. Ang gwapo nya talaga ee!!" Debate naman ng puso ko. Hutaena. Mental na ata labas ko neto. Ganito ba talaga nakakabaliw mainlove? Taena. Mas masarap pang mabaliw sa mahihirap na formula sa Math kesa sa mga lakaking hindi ka naman mahal. Swear bes.
Its about 6pm ata nung nagpaalam ako kay Mama. Hindi ko na talaga kaya tong kabaliwang to. Kailangan ko nga ata talagang makita si Thunder. Hutaena. Wala ka kong pakialam sa magiging reaksyon nya. Badtrip sya. Hays Mitch, kahit talaga pabago bago ka ng isip. Ang gulo ko din minsan ee. Sobrang abnormal ko ba?
Sa isang clinic daw somewhere dinala si Thunder kaya hinanap at pinuntahan ko talaga yun. Binigay naman sakin ni Sir. Robin yung address kaya nahanap ko din agad.
Dr. Alexzander Torres
"Torres? Sa kanila ba to?" Sabi ng inner self ko. Langya, pangalan pa lang nung Doctor kinabahan na ko.
Kumatok ako 3 times bago pumasok at nakita ko nga si Thunder na nakahiga at kausap yung Doctor. Wafums si Doc mga bes. Parang sumakit ata ang anez ko.
"Thunder" tawag ko.
"Mitch" gulat naman nya at napatayo.
"Oh?" Sabi ko kasi pinipilit nyang lumapit sakin. Buti nga nasalo ko sya kahit papano kasi na out of balance sya. Nak ng teteng, namiss agad ako?
Napaupo kami sa may sofa kasi nga ang shunga nya. May injury tas pinipilit maglakad. Alam namang may sprain. Tanga talaga ampota.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong nya.
"Ha? Wala, dumaan lang. Magtatapon lang ng basura sa bahay" pangbabara ko na kinangisi naman nya at kinatawa ni wafums na Doctor.
"I like her, I like her" sabi naman ni Doc. Ay bes, may dimples sya oh? Que gwapo beshie.
"By the way, Im Alexzander Torres. You can call me kuya Zander" pakilala nya.
"Im Thunder's eldest brother" dagdag nya. Fck. Hindi ko kinaya. Seryoso? Awkward pala netong pinasok ko mga mamang.
"Hi-Hi po" bati ko na lang. Shet. Hindi pala ko pwedeng magwalanghiya dito. Nandito si Kuya ee.
"Anyway, nice to meet you." Bati nya habang nakaupo sa dun sa may table. Bes, bat naman ganun? Sobrang perfect ba ng lahi nila Thunder? Parang wala atang patapon sa kanila bes. Lahat palong palo.
"Ill leave you na din." Sabi nya saka lumabas. Langya, eto na. May awkward atmosphere na naman between us.
"Hi-hi" bati ko. Back to pagiging strangers ata kami.
"Thank you sa pagpunta. Hindi ko inaasahan to" sagot nya. Grabe naman to
"Syempre, ikaw pa. Lakas mo sakin" sabi ko na lang. Seryoso, Thunder Torres titiisin mo?
"Wow. Salamat naman kung ganun" sabi nya then dead air. Tsk. Nandun pa din yung awkwardness between us.
So alam kong medyo hindi pa dapat i open tong topic na to pero tinanong ko na din sya. Since Jayson said na si Thunder daw ang makakasagot sa mga tanong ko.
"Ano ba nangyare?" Tanong ko.
"Na foul ako, yun. Normal na sa basketball yun" sagot naman nya. Okay, given na naman ee. Pero bakit si Jayson ano, basta.
"Iba kasi yung naririnig ko ee" sagot ko na lang.
"Ayan ka na naman ee, ang hirap kasi sayo pinapaniwalaan mo yung sinasabi ng ibang tao" sabi nya. Okay, guilty ko. Pero sorry. May bala ko.
"Si Coach Robin na din naman mismo ang nagsabi." Sabi ko na lang na kinatahimik nya
"May problema ka ba kay Jayson?" Tanong ko. The last time kasi na magkausap kami. Inamin ko sa kanya na yun nga, may crush ako kay Jayson diba? Tas ngayon, malalaman laman ko na naging aggresive pala si Thunder kaya nag foul sila ni Jayson.
Nakatahimik sya. I dont know kung ano pumapasok sa isip nya. Will he said the truth or what?
"Answer me" sabi ko na lang. May pagka demanding, yes. Pero gusto ko talaga malaman.
Huminga sya ng malalim saka nya ko tinignan ng derecho.
"Can I ask you a question?" Sabi nya.
"Ano?" Tanong ko.
"Kung sakali bang manligaw sayo yun? Sasagutin mo ba sya?" Tanong nya. My god, anong klaseng tanong yun?
"Eto pa, Naging masaya ka ba na naging bestfriend mo ko?" Tanong na naman nya.
"Ay? Ano to? Hindi pa tapos yung question number 1 may number 2 na agad?" Pabirong sabi ko.
"Okay, first. Hindi ko alam. Bahala na. As of now kasi, ano. Basta. Siguro oo? Pero wala pa kasi sa plano ko na magka boyfriend ee. Pero hindi naman natin masasabi diba? Pwedeng sagutin ko sya, pwedeng iba diba?" Sagot ko.
Yes, crush ko si Jayson. Pero since mas matimbang si Thunder. Eh may magagawa pa ba ko? Bestfriend lang tingin sakin nito ee. So dun na lang din ako magse settle.
"Second, oo naman. Ano aa, sorry kasi minsan ang kulet ko na. Parang ang sobra ko na. Medyo OA na. Pero oo naman, nagenjoy naman akong maging bestfriend ka. Hello? Thunder Torres na sikat sa school? Hindi ka pa mageenjoy diba?" Sagot ko na lang.
"Eh bakit kailangan mong lumayo sakin?" Tanong nya.
"Kasi nafafall na ko sayo, mahal na ata kita ee" yan dapat isasagot ko kaso hindi ee. Wrong move kasi.
"Yun nga, naa awkwardan kasi ko sa school. Pero hindi naman kita totally na kakalimutan, wag kang OA" sabi ko na lang.
"Ano, basta. Ayoko lang na maissue ka tas maissue din ako. Mahirap na diba?" Sabi ko na lang
"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba ee" sagot nya.
"Pwes ako meron. Syempre ikaw iniisip ko. Yung career mo. Nasa taas ka Thunder, nasa baba lang ako" sagot ko din sa kanya.
"Pwede bang wag ka na lang lumayo? Pwede ba akin ka na lang?" Tanong ni Thunder. Nagulat ako. Hindi ko alam yung isasagot ko. Ano ibig sabihin neto?
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.