Thunder:
I honestly dont know kung bakit 'Thunder' ang pinangalan sakin ng mga magulang ko. I dunno, as far as I remember, Theres a strong typhoon ata nung mga time na pinapanganak ako. Sabi malakas daw ang hangin tapos may kulog pa at may kidlat. So yun, habang nasa delivery room si Mama, bigla daw kumulog ng malakas at dahil nagulat daw sya, ayun. Welcome to the world myself. End of story.
Until now, I feel awkward kapag naalala ko yung history ng name ko. Especially kapag napagkwekwentuhan yun ng mga kumare ni Mama. My god, I just wanna disappear. Sabi naman nila okay lang daw. Ang cool nga daw ng name ko, sobrang unique. Ang lakas ng impact. Hays, kung alam nyo lang.
By the way, my full and real name is King Thunder Torres. Yes, thats not a nickname at mas lalong hindi screen name. Its a big burden to me kung bakit may 'King' pa sa una, so pag tinagalog pangalan ko. 'Haring Kulog'. Sounds like a name of a super villain or something. I remember my teacher in Elementary ask me if my name was derived from a movie or a random character in a video game. And I was like, whatever. Thats another story.
And as I step in High school, halos dito ko na lang naembrace and naappreciate yung pangalan ko. Wow, ang yabang ee no? Seriously. My name gave me that additional charisma to the school. Kapag narinig daw nila pangalan ko, automatic iniimagine daw nila na gwapo 'daw'. Well, Im not bragging it but I have to say na artistahin talaga ko, plus the uniqueness of my name makes me a bad ass and known for being the Campus Hearthrob. Sorry aa, Im just stating fact.
If my name was you think the weirder. Mas weirdest naman yung sa dalawang kapatid ko. Si Sugar, at saka si Spice. And nope, they're not twins. One year ang age difference nila pero pinagsunod talaga ang pangalan nila. I found it awkward sometimes. I mean, sa kitchen kasi. "Paabot yung sugar" Akala ko sya yung inuutusan, ako pala. O di kaya, ilalagay ko na sa mixture yung kapatid ko. Kidding. Sometimes I ask them, bakit hindi man lang yung medyo sosyal ang pinangalan nila sa mga kapatid ko. Like, Peppermint and Cinnamon? Yung hindi basta basta naririnig. But then, I just accept it na lang. Nandyan na ee, wala na kong magagawa.
My freshmen year was truly a blast. My 'baby face' image makes me popular sa mga teachers and even sa mga higher years. Naging officer pa nga ako ng student council as freshmen representative. Ibang klase, halos 50 lang ata out of 1005 freshmen ang bumoto sa kalaban ko. The rest puro sakin lang, at ang matinde dun. Hindi ako nag effort mangampanya. Wala kasi sa bokabularyo ko yung mga ganyan. Mas nagfocus kasi ko na makapasok sa Basketball team.
Naging rookie ko ng Basketball Team ng Mckinley High School. Tapos ngayong Junior Year ko, ako na agad yung Team Captain. Supposedly dapat 4th year pa dapat ee. Nakitaan daw kasi ko ng potensyal kaya ako na yung ginawang Captain. Honored naman ako at the same time pressured kasi kailangan kong maipanalo yung team para maging proud samin yung school.
I was on my way to the court nung bigla kong naalala na may interview daw ako for the Campus papers. I somehow feel honored and at the same time proud. Naks, dyuma-dyaryo na ang kuya nyo. Though Im a contributor din naman ng arts and some photos minsan sa Publication team.
If Im not mistaken, si Mitch daw yung magiinterview sakin. Honestly, di ko sya masyadong kilala. Maybe we've met pero hindi ko na natatandaan. Oo ata, Nagtanong tanong pa talaga ko kung ano itsura nya para lang maconfirm ko na sya nga yung pumapasok sa isip ko.
"Yung nakasalamin pre, yung nerd sa 3A?"
"Ah si Campus nerd"
"Si Mitch, yung mukhang lola? Yung nakasalamin na mahaba buhok?"
Wow. Halos same lang din yung description ng ibang napagtanungan ko, at na confirm ko nga na sya nga. I met her once. I forgot that school event pero nakasama ko na sya. Yes, shes a nerd nga. Her eyeglasses really makes her so old-school pero konting ayos lang. Maganda sya. To be fair, maganda sya.
Nasa court na ko nung nakita ko na sya na may sinusulat sa notebook. Malapit na ko nung yung ka team mate ko nasobrahan ata sa pwersa sa pagpasa ng bola. Ayun, tatama na yun kay Mitch.
Automatic na napatakbo ko para sanggain ito. Tumama to sa likod ko, so para lang akong nag deflect ng missile attack. Galing.
Napangisi ko nung nakita ko pa din sya na nakatakip ng mukha at nakayuko. Just when Im going to talk to her. Tumingala na sya para tignan ako, wait. Kailangan kunwari hindi ko pa sya napapansin.
Hawak ko yung bola saka kunwari pagalit na pinagalitan yung team mate ko nung binalik ko yung bola. Ang awkward kasi sa totoo lang, pinagtitinginan na kami ng mga tao sa court.
Tsk. Bat nakatunganga sya sakin. Medyo shocked pa ba sya sa nangyare? O nagwapuhan sya sakin? Joke. Im just kidding again. Sorry
So yea, my time is too precious kaya I just insisted na i meet nya na lang ako sa isang coffee shop sa may labas ng school. Wrong timing kasi, sobrang busy sa training and hell week pa. Kaya sorry sa kanya, maiintidihan nya naman siguro.
Natapos ang training namin ng 5:30pm. Dahil medyo pagod ako, dumerecho na ko sa bahay para makapagpahinga at kumain. Gutom na talaga ko ee.
Pagbaba ko ng kotse ko, papasok na sana ko ng bahay ng may naalala ko na para kakong may nakalimutan ako. Syempre hindi ko muna pinansin kasi gusto ko na talagang magpahinga. Nung pagpasok ko sa kwarto ko at huhubadin ko na sana yung jersey ko nung bigla ko ngang naalala yung interview.
"Holy mother ****" Dali dali akong tumakbo palabas at inistart yung kotse ko. Shet. Si Mitch. Patay tayo dyan, hindi ko alam kung ako magiging reaksyon nya. Sobrang kinakabahan ako. Ano kaya, galet kaya yun? Fck. Malamang oo. Shet. First meet, sabaw pa.
Pagdating ko sa coffee shop. Hinanap ko agad sya, syempre given na pumasok na sa isip kong nakauwe na sya. Chineck ko yung time sa phone ko. 6:20pm. Patay talaga tayo dyan.
"Guard, may babae pa kanina dito? Maganda sya, mahaba buhok, nakasalamin." Sabi ko sa guard at dinescribe si Mitch.
"Yes sir, halos kaalis alis lang din kanina. Mukha ngang may hinihintay ee, hindi naman sinipot. Kawawa nga ee" pa konsensya effect pa tong si manong guard.
"Ge kuya, salamat!" Sabi ko saka lumabas. Ugh. I dont know what to do. Buti na lang nakita ko yung isang classmate nya na naglalakad.
"Excuse me, may number ka ba ni Mitch Lim? Classmate mo sya diba?" Tanong ko, wala ng hiya hiya. Bahala na. Kahit hindi ko classmate si Mitch kailangang gumawa ng paraan para makakuha ng contact sa kanya, ayoko mapagalitan ni Mam. Gascabell
"Wala ee, pero kung gusto mo. Puntahan mo na lang sa bahay nila. Dun sa may kalye Mabini? Tabi ng pet shop dun." Sagot nya
"Sige salamat, puntahan ko na lang" Sagot ko saka pumasok sa kotse ko para puntahan yung address na yun. Alam ko nadadaanan ko yun ee. Kaya hindi ako masyadong nahirapang hanapin.
Nung nakita ko na nga yung nasabing pet shop, sabi ko na lang sa sarile ko na dito nga talaga yun. Bahala na. Bumaba ako sa kotse para kumatok sa gate.
"Ay magandang gabe po, dito po ba bahay nila Mitch Lim? Nandyan na po ba sya?" Tanong ko sa babaeng lumabas. Halata naman na nanay ni Mitch to. Iba talaga nagagawa ng genetics no?
"Oo iho, halos kadadating lang. Sandali. Tawagin ko. Classmate ka ba nya?" Sabi nya saka sinara yung gate. Tek, akala ko naman papapasukin ako. Tss
Naghintay ako sa labas, nagiisip na ko ng possible consequences. At syempre yung reaksyon nya, shet. Bahala na. Pinagpapawisan ako ng malamig. Bakit kaya? Ano ba nangyayare sakin?
Nung narinig ko na bubuksan na yung gate. Ayun na, eto na sya. Preparing for her reaction in 3....2.....1
"Thunder!?" Gulat nya. I had a bad feeling about this.

BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.