Chapter 1

103 2 3
                                    

CTBL - Park University

Ella's POV

There's nothing like a peaceful day Ang sarap ng katahimikan dito. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno, medyo malayo ng konti sa mga maiingay na estudyante. Nag-aaral at ine-enjoy ko ang katahimikan. Nang biglang..

"ELLAAAA!!!!" Iyan na po ang kaibigan kong bungangera.

Ako nga pala si Maryiella Anne De Jesus. 18 years old. Nag-aaral sa St. Nicholas University, 2nd year college na ako.

Pero NBSB in short No Boyfriend Since Birth!

'Di naman ako panget at hindi ko rin masasabi na maganda din ako, basta sakto lang. May nanliligaw naman sa akin pero diko sila pinapansin o pinapayagan, ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil hindi rin naman ako gaanong interesado sa mga lalaki. May nagugustuhan ako oo, pero hanggang doon lang yun.

Wala pa akong minahal na lalaki bukod sa Papa, Kuya ko at kay Papa God.

Ang priority ko kasi ngayon ang pag-aaral, scholar lang kasi ako sa St. Nicholas University kaya kailangan mag aral ng mabuti. At gusto kong matupad ang pangarap kong maging isang fashion designer.

"ELLAAA!!!!"sigaw nya ulit habang papunta sa akin.

"ANO?!"iritado kong tanong.

"Kanina pa kita hinahanap!" Hays. Ang lapit-lapit na niya sa akin pero kung makasigaw akala mo ang layo niya.

At siya naman pala si Rhea Samantha Vasquez. Ang best friend kong bungangera, madaldal, prangka, at may pagka-bitch. Pero katulad ko  mabait, maganda, masipag at matalino rin yan. Scholar lang din sya katulad ko. Yun nga lang siya hindi na NBSB.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Pinapatawag tayong dalawa sa Dean's Office." sagot naman niya.

Sandaling napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Bakit daw?" Nagtataka kong tanong.

"Ewan ko ba dun sa matandang dalaga na yon!" Aniya sabay irap.

"You and your attitude." Napailing-iling na lamang ako sa kanya.

Hindi na lamang niya ako pinansin at nagsimula na siyang maglakad papunta sa Dean's Office.

"Hoy, babae! Hintayin mo nga ako!" sigaw ko.

Lumingon naman siya sa akin at sabay pa ang pag-irap niya. Loko ito ah. Sarap tanggalin ng mga mata hehe syempre joke lang yun.

Sabay naman na kaming pumunta sa Dean's Office at habang naglalakad kami nakasalubong namin si Joshua, ang kaklase namin.

"Yow, Ella! Yow, Rhea babes!" Malaki ang ngiti sa labi ni Joshua.

"Oh! Hi, Josh!" bati ko pabalik sa kanya.

"Tss, shut up! Huwag mo nga akong matawag tawag na Rhea babes dyan!" iritadong sinabi ni Rhea kay Joshua.

"Awtsu sakit sa heart. Sorry na, Rhea babes" at nag-acting pa siyang sumasakit ang puso.

Inirapan lang ni Rhea si Joshua dahil sa kanyang inasal.

Hay! Nakakatawa talaga itong dalawang ito. Hindi ko rin alam kung pinagti-tripan lang ni Joshua ito o seryoso talaga siya kay Rhea.

"Hoy, tara na pala, Rhea. Pumunta na tayo sa Dean's Office. Baka kanina pa naghihintay si Dean." paalala ko kay Rhea.

"Mabuti pa nga nang maka-alis na dito. Hays!" Sabay tingin at irap kay Joshua.

"Kilig ka lang niyan, eh. 'Di mo lang pinapakita kasi nahihiya kapa sa akin." sabay kindat ni Joshua kay Rhea.

Inirapan lang ni Rhea ulit si Joshua.

"Oh siya, Josh. Mauna na muna kami pinapatawag kasi kami ng dean"sabi ko kay Josh.

Tumango naman siya atsaka ngumiti.

"Sige, pasok na rin ako sa room."

Ngumiti na lamang ako.

"Mag-ingat ka, Rhea babes! Mamahalin pa kita!" Pasigaw ni Josh habang tumatakbo papunta sa classroom.

"Sarap bigwasin ang puta." pabulong na sinabi ni Rhea.

Umiling na lang ako at tumuloy na kami sa paglalakad papunta sa Dean's office.

Pagkadating namin sa Dean's office kumatok muna kami at pinagbukas kami ng pinto ng secretary ni Dean na si Miss Jessica.

"Good Morning po, Miss Jessica!" bati naming dalawa ni Rhea sa kanya.

"Good morning, din. Pasok kayo. Hinihintay na kayo ni Dean sa loob." nakangiti niyang sinabi atsaka pinapasok kami.

"Sige po, salamat!" sabi ko atsaka sabay na kaming pumasok ni Rhea.

Nakita namin si Miss Claudia Buenaventura, ang dean namin. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at mukhang may ginagawa pa ito. Napahinto naman siya nang makita niya kaming pumasok ni Rhea.

"Good morning po, Misa Buenaventura." sabay na bati namin ni Rhea.

"Good morning, Miss Vasquez and Miss De Jesus. Have a seat." pormal na sinabi ni Dean at tinuro ang upuan sa harap ng lamesa niya.

Ngumiti naman ako at sabay na kaming umupo ni Rhea.

"Bakit niyo po kami pinatawag, Miss Buenaventura?" Tanong ko.

"Hindi na ako magpapa-ligoy ligoy pa.." umpisa ni Dean.

"The school have received a scholarship letter for students who are willing to study at that school. So, I figured.. Since you and Rhea are a lister. I thought about giving the offer to the both of you. I just need your approval to sign here." paliwanag ni Miss Buenaventura.

I'm still shocked about what I've heard. Kaya hindi pa ako ka agad nakasagot. Ibang saya ang nararamdaman ko because I got another scholarship from another school. Sa dami naming dean's lister, kami pa ni Rhea ang napili.

May binigay naman na papel si Dean samin ni Rhea.

"Saan school ba po?" tanong ni Rhea.

Then, suddenly I realized something. Oo nga pala, saang school naman ito?

Tumikhim naman si Miss Buenaventura at umayos ng upo.

"Sa Park University.."

A/N - I unpublished the story because I think something went wrong with it. Labag na labag sa kalooban ko ang pag-unpublish dito, pero naisipan kong chance na rin ito para maayos ang ibang grammar at typos ko. But to clarify things, wala akong babaguhin o i-dadagdag unless I need to. Aayusin ko lang talaga ito.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now