Chapter 8

51 0 2
                                    

CTBL - Seatmate

Ella's POV

Pagkatapos ng pag-aasar ko kay Rhea nagpasiya na kaming matulog dahil pagod sa trabaho atsaka may pasok pa kami bukas.

Nagising na ako ng alas siyete dahil ang pasok ko pa naman ngayon ay mamaya pang alas otso y media. Nagulat pa ako nang makita kong tulog pa hanggang ngayon si Rhea. Alas siyete y media pasok nito, ah. Kaya bumangon ako at ginising ko siya.

"Hoy, Rhea! Gising ka na!" sabay yugyog ko sa kanya para magising na siya kaso ang ginawa niya tinabunan niya ng unan ang ulo niya. Ay ba! Kapag ikaw na late 'di ko na kasalanan yan.

"10 minutes pa, Ella." antok niyang sinabi.

"Tss. Oo, sa 10 minutes na yun ay 20 minutes na lang ay late ka na!" at lumabas na ako ng kwarto para makagawa ng almusal. Mukhang nagulat yung isa kaya ayun natataranta sa loob ng kwarto ayy..

Kumuha lang ako ng tira namin kahapon at pinainit ito. Hindi naman gaanong maraming laman itong loob ng ref namin. Maganda pa rin kung madami kaming stock. Mag grocery na lang kaya kami bukas tutal wala naman kaming pasok ni Rhea. Pagkatapos uminit ang pagkain umupo na ako sa lamesa at nagsimula ng kumain. Nakita ko na rin si Rhea na lumabas sa kwarto at patalon talon habang sinusuot pa niya ang kanyang sapatos.

"'Di ka na ba mag-aalmusal?" tanong ko.

"Alam mo kung may time pa ako, edi sana nakaupo na ako diyan at kumakain na." umirap siya at tumakbo na paalis.

Sino bang may kasalanan na wala ka ng time? Ako ba, ako ba? Biglang nag ring naman ang cellphone ko. Sino kaya ang tumatawag?

Papa Calling..

"Hello, Pa!"

"Hello din, anak. Kamusta ka na diyan?"

"Ok naman po ako, kayo po?"

"Ok lang rin kami dito."

Medyo nagkatahimikan kami ni Papa.

"Uhh.. Pa, nakahanap nga pala ako ng trabaho dito. Nagtatrabaho ako sa isang fast food chain."

"Talaga? Ba't naghanap ka pa ng trabaho? Anak, dapat nag-aaral ka na lang diyan."

"Pa, gusto ko rin tumulong kay Kuya Mj, pati sa iyo. Atsaka hindi naman nakakahassle ang pagtrabaho ko dito."

Narinig ko ang paghingang malalim ni Papa.

"Oh, sige. Basta huwag kang magpapakapagod, ah?"

"Opo, pa. Uminom kayo ng gamot niyo, ah? Pa, sige na po, baba ko na ito. Mag-aayos pa po ako. May pasok pa po ako eh. Bye, Pa, I love you and I miss you!"

"I love you, too. Miss na rin kita, anak." at binaba na niya ang tawag.

Quarter to eight na kaya naligo na ako para makapag-ayos na ako. Pagkatapos kong maligo nagsuot na ako ng short-sleeved blouse at maong pants.

Fifteen minutes bago ang oras ng klase ko nang makarating na ako ng school. Biglang nagvibrate ang cellphone ko at pagkita ko si Rhea ang nagtext.

Rhea:

Ella, sabay tayo mag lunch, ah? Puntahan mo ako sa 3rd floor.

At ako pa talaga ang pupunta, ah. Nagreply din ako sa kanya ng "K". Pagkatapos no'n ay pumasok na ako sa first class ko.

Maraming nagbabatuhan ng papel sa loob at ang ingay-ingay nila kaya ako dumiretso na lang sa upuan ko at tahimik na pinagmamasdan sila. Silang lahat dito ay magaganda at gwapo, makikinis din ang kanilang mga kutis. Meron isang babaeng lumapit sa akin at umupo sa tabi kong vacant seat. Hindi gaano singkit ang kanyang mata, mahaba ang kanyang buhok at maganda ang kanyang mukha.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now