Chapter 34

22 0 0
                                    

CTBL - Ligaw

Rhea's POV

"Ano?!" napapikit naman ako dahil sa sigaw ni Ella.

"Oo nga, ulit-ulit lang?" mahina kong sinabi. Halos ang ibang students kasi napatingin kay Ella dahil sa sigaw niya.

"Pero papaano? Paano naging kayo? Ano yun? Basta isang gabi na realized niyong gusto niyo ang isa't–" agad ko naman tinakpan ang kanyang bibig.

Nagkapalit ata kami ng ugali ni Ella, eh. Siya na ngayon ang maingay pero hindi ko naman siya masisi lalo na ng sinabi kong.. kami na ni Shin. Well, basta ang natatandaan ko lang "akin ka lang, Rhea" tapos yun.. Ano naman e-expect ko, diba?

"So.. Wait, hindi ka niya niligawan?" mahina ng sinabi ni Ella.

Hay.. Paano naman ako liligawan no'n? Kung hindi pa nga ako umamin na gusto ko siya hindi rin niya sasabihin na gusto niya rin ako. Ta's e-expect pa nitong babaeng ito na hindi man lang ako niligawan? Tss. Por que dalawa ang lalaki niya, gusto niya ganyan din ako sa kanya. Sagutin mo na kaya si Chan!

"Ella, Ells, Ells, hindi por que nililigawan ka ng dalawang gwapong lalaki, eh ganoon na rin ang mangyayari sa akin." sabi ko habang iniisip ko ang code ng locker ko.

Tumabi naman siya sa akin habang nakacross arms.

"Ano ba. Pwedeng huwag i-divert ang topic sa akin? Ibig sabihin wala ng ligawan?" kulit rin ng kili-kili nito!

Napabuntong hininga ako at napahinto sa paglalagay ng code sa aking locker at humarap kay Ella.

"Alam mo, Ella. Maraming tao sa panahon ngayon puro sa text at chat na lang nagkakasagutan at nagliligawan.." kumunot ang noo niya sa akin.

"Nasan ang point mo doon?"

"Meaning ko.. maraming tao ang nagliligawan na lamang sa chat and text. What's the use of that? Puro salita lang naman ang ginagawa nila. Paano natawag na ligawan yun? Sabihin mo lang na, "kain na po, huwag po kayong palipas ng gutom"." sabi ko while making my hand talk. Alam mo yun, yung parang sa sock puppet ang kaso walang sock ang nakalagay sa kamay ko.

"Ligawan na ba yun? Or reminder lang?" sabay iling-iling ko. "Atsaka at least, kahit walang ligawan na naganap sa amin. Alam kong sincere siya through actions, which I prefer more than words." Dagdag ko.

Hindi naman sa ayaw kong paligaw kay Shin, pero dahil nag-aminan na rin kagabi, sa palagay mo manliligaw pa yun? Knowing that I like him too. Ano yun, naglolokohan lang? May gusto na ako pero nagpapakipot pa ako sa kanya? I know there isn't an official thing na sinabi niya or ako. Basta magulo ako.

"Ayy.. Bahala ka. Basta congrats na lang sa inyo. Papasok na ako sa first subject ko." aniya at kumaway na sa akin.

Kaya kumaway na rin ako sa kanya. Kukunin ko lang ang iba kong libro dito na iniwan ko kahapon. Nang nabuksan ko na ang locker ko, kumunot ang noo ko dahil may papel na nakalagay sa loob ng locker ko. In-unfold ko naman ito dahil nakatupi.

I know we're not really official, yet. But I can't just be content that you like me, I want you to own me. So, starting today..

Napakunot ang noo ko. Bakit putol ito?  Alam kong si Shin itong nagsulat na ito, kasi ana naman si Joshua, diba? May iba pa bang umamin sa akin? Pero nakapagtataka kung ano ang katuloy nito.

"Starting today, what?" tanong ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang may biglang yumakap mula sa likod ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong note dahil sa biglaang pagyakap niya. Grabe ang bango niya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now