Chapter 12

54 0 3
                                    

CTBL - Treat

Ella's POV

W-Wait? Anong sabi niya? Go out with me? May tama ba ito?

"Woah! Alam kong may utang na loob ako, pero seriously? Go out with you?" medyo natatawa kong sabi.

Naging malamig ang expression niya sa akin.

"I'm not saying its a date, you're just gonna treat me outside." taas na kilay na sinabi niya.

"Pwedeng iba nalang, diba? Hindi naman kita kailangan ilibre sa labas, diba." suggestion ko. Ayaw ko ngang may makakita sa amin sa labas at isa pa baka patayin ako ni Joon.

Nagtaas lamang siya ng kilay.

"Diba, may girlfriend ka? Ba't hindi ka sa kanya magpa-libri?" taka kong tanong.

"I wasn't inform that I have a girlfriend, Maryiella. At sino ba ang may utang na loob dito?" sarcastic niyang sagot.

Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi.. So hindi sila ni Joon? Ewan ko ba"t parang a part of me was happy to hear that. What the?

"Hindi kayo ni Joon?" taka kong tanong.

"What the? I don't even know her." iritado niyang sagot.

"Classmate natin siya, hindi mo siya kilala?"

"Do I have to repeat it twice?" irap niya.

Gago! Hindi na sana umayos yang mata mo sa kakairap. Tumalikod na ako at lumabas na sa clinic nang hindi ko sinagot ang kanyang pag-aya na lumabas. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko, ngunit tumakbo na ako para makauwi na.

Pauwi na ako galing trabaho nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Hyun.

Hyun:

Just heard what happened. Are you alright? :(

Agad ko naman siya nireplyan.

To Hyun:

I'm fine, thanks for the concern. You should be worry about your best friend not to me.

At sinend ko na sa kanya.

Kauwi ko galing trabaho agad akong nagpalit ng damit at nagsuot kaagad ng pajamas. Oo, pajamas mas kumprotable ako dito, eh. Nagluto rin ako ng pagkain para sa akin. Prito-prito. Sa café na ata kakain si Rhea kaya hindi ko na siya pinagluto.

Pagkatapos kong kumain naupo na ako sa sofa para makapagpahinga naman. Maya-maya pumasok na si Rhea sa loob ng apartment.

"Oh, kamusta si Chan?" bungad niya sa akin habang umupo rin sa sofa.

Nagkibit balikat ako.

"Wala. Yun pa rin, buhay pa naman." sagot ko.

"Grabe ka naman. Anong ganap doon sa loob ng clinic?" sabay yugyog sa braso ko.

"Wala lang. Naghahanap ng kabayaran sa utang na loob ko sa kanya." medyo namula ako nang biglang naalala ko na naman ang pagyaya niya sa akin.

"Soo.. anong kabayaran yan?" ngisi niya.

"I-treat ko daw siya.." mahina kong sinabi.

"Kyahhh!!!! Ewan ba't kinikilig ako pero anong sabi mo?" mas lalo niya akong niyugyog.

"I didn't answer him." kibit balikat ko.
Huminto naman siya sa pagyugyog sa akin at mukhang na disappoint.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now