Chapter 16

36 0 4
                                    

CTBL - My Place

Ella's POV

Hayy!! Nasan na kaya si Hyun? Kahapon ko pa siya hindi nakikita. Baka busy? Oo nga pala, yung pina-print naming shirt ay bukas pa lang makukuha. Sabay kaming naglalakad ni Rhea sa hallway nang makita ko si Shin na naglalakad mag-isa. Kaya ayun, tinawag ko. Umangal pa nga itong kasama ko.

"Shin!" sigaw ko kaya napatingin siya sa amin at nag half-smile.

"Hey.." bati niya at sumulyap kay Rhea.

"Umm.. Shin, nakita mo nga pala si Hyun? Kahapon ko pa kasi hindi siya nakikita." tanong ko kaya napabaling siya sa akin.

"He's at the library.." sagot niya at napatingin ulit kay Rhea.

Kailangan ko na atang um-exit.

"Ah.. sige, thank you. Pwedeng samahan mo na rin si Rhea habang ako pupuntahan si Hyun?" natatawa kong tanong.

Nanlaki naman ang mata ni Rhea, sigurado akong minumura na ako sa isip nito. Tumango naman si Shin kaya tumakbo ako papuntang library.

Rhea's POV

Ay ba! Sira ulo talaga ang gaga na yun! Iwan ba naman ako dito kasama si Shin. Humanda ka sa aking bruha ka! Napatingin naman ako kay Shin na nakatitig sa akin.

"Uhh.. hindi mo naman na kailangan akong samahan." sabi ko sa kanya.

"Nope, it's fine by me. Saan ka ba pupunta?"

"Sa laboratory.." sabi ko.

Tumango naman siya atsaka kami sabay naglakad. Dumi-distansiya naman ako sa kanya pero parang kinakain ng hallway ang dinadaanan namin kaya nagkakadikitan kami. Minsan napapatingin ako sa kanya pero nakanguso lang siya yung parang nagpipigil ng ngiti. Bigla naman nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan ang screen.

Joshua The Unggoy Calling...

"Rhea babes!!!!!!!!!!!" sigaw niya.

Napapikit naman ako dahil sa ingay niya hindi naman nakaloudspeaker ito. Pero ang lakas pa rin ng boses niya sa phone ko!

Hindi ko siya inimikan.

"Grabe! Ang hirap kang tawagin gamit ang cellphone! Hindi ka naman nag o-online kaya 'di kita machat o video call man lang.. kaya kahit mahal ang babayarin ko dito, okay lang! Basta marinig ko lang ang boses mo.. Rhea babes!!!" pag-iinarte ni Joshua.

Bigla naman tumikhim ang katabi ko. Oh, shit! Kasama ko nga pala si Shin.

"Pwede ba, Joshua, itigil mo na yan.." may pagkadiin ko itong sinabi sa kanya.

"P-Pero Rhea, miss na kita!" aniya na parang naiiyak.

"Sira ulo! Bahala ka na diyan sa buhay mo!" pabulong kong sinabi atsaka binaba ang tawag. Pinatay ko naman ang cellphone ko.

Nahiya naman ako kay Shin na kanina ko pang kasama. Nakarating na kami sa Lab.

"Uhh.. Shin, salamat pala. Sorry din sa abala." nahihiya kong sinabi.

Pero malamig ang kanyang itsura at hindi niya ako inimikan, nakatingin lang siya sa akin.

"I guess I have a competitor." bulong niya sa kanyang sarili.

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Competitor? Sino? Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"H-Huh? C-Competitor?" utal kong tanong.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now