Chapter 36

50 0 0
                                    

Note: A Long Chapter!!

CTBL - Happy Birthday

Ella's POV

"Saeng-il Chukhahae, Ellie!" (Happy Birthday) salubong sa akin ni Hyun kadating ko ng school.

Mahigpit niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik. Narinig ko naman tumikhim si Rhea sa tabi kaya kumalas ako sa yakap.

"Thank you, Hyun!" ngiti ko sa kanya.

"Sige.. Mauna na muna ako. Ikaw ng bahala diyan, Hyun. Ella, kita na lang tayo ng lunch para makapag paalam, ah?" kaway ni Rhea sa akin.

Tumango naman ako sa kanya atsaka siya umalis.

"Yeogi.." (Here..) Napabaling naman ako kay Hyun at napatingin sa binibigay niya.

Maliit siya na box na may maliit na ribbon.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Gift.." ngiti niya at kinuha ang kamay ko atsaka binigay ang box.

"Kahit wala naman, Hyun. Okay lang." ngiti ko pero binuksan ko na rin ang box.

Isa siyang bracelet na may mga maliliit na diamond na kulay purple, may maliit pa itong pendant na letter E. Kinuha ni Hyun iyon sa loob ng box atsaka nilagay niya ito sa papulsuhan ko.

"Wear this all the time, okay?" sabay gulo niya sa buhok.

Wala akong nagawa kung hindi tumango at ngumiti sa kanya.

"Baka kapag dumating ang time na mahulog ka sa akin, meron ka ng gift of love galing sa akin." sabay halakhak niya. "And if that time didn't come.. I guess it can be a friendship bracelet." malungkot na ngiti niya.

Pabiro ko naman siyang pinalo sa braso.

"Ikaw talaga.. But thank you, Hyun." ngiti ko sa kanya.

Ngumiti lamang siya atsaka tumango bago niya ako hinatid sa first subject ko. Okay lang naman lahat ng klase ko at puro review kami dahil sa nalalapit na exams namin next week. Actually, after ng morning class namin ni Rhea pumunta na kami sa office ng chairperson para makapagpaalam kung pwedeng mag half-day kami, and to my surprise hindi naman kami nahirapan sa pagpaalam. It's like she was expecting na magpapaalam kami. Medyo kabado rin ako noong nagpaalam kami, given the fact na mother siya ni Chan.. and speaking of that guy.. absent siya, hindi ko alam sa kanya at kung bakit lagi siyang ganyan.

"Ella, nag-invite ka na ba ng gusto mong papuntahin dito?" tanong ni Rhea habang nasa kusina siya.

"Oo.." sagot ko habang nakaupo sa sofa habang hinihintay ang call or message man lang nila Kuya Mj at Papa.

"Shin, ano ka ba! Sumobra ang paglagay ng asin mo! Gusto mo bang magkasakit tayo sa bato?"breklamo ni Rhea kay Shin.

Silang dalawa kasi ang nagluluto ngayon sa kusina para sa ihahanda ko daw mamaya. At sa kasamaang palad naging third wheel pa ako dito. Paano ba naman eh, dinig na dinig ko ang landian ng dalawa kahit na napakalakas ng volume ng tv dito. Pero hinayaan ko na lamang sila. Ano bang magagawa ko? Mas may alam kasi sila sa pagluluto kaysa sa akin at baka mapakain ko lang na pagkain sa bisita ay mga dulok na pagkain.

Agad kong kinuha ang phone ko dahil bigla itong nag vibrate. Pero nadisappoint ako ng konti dahil hindi sila Kuya Mj ang nagtext sa akin.

Ell:

Could This Be Love?Where stories live. Discover now