Chapter 38

22 0 0
                                    

CTBL - Papa

Rhea's POV

Mabilis akong naglakad pero alam kong nakasunod siya sa akin. Hanggang sa nakapasok na ako sa loob dinig na dinig ko pa rin ang kanyang mga yapak na paa na nakasunod sa akin. Gusto ko mang tumakbo pero parang magmumukha lang ako ang talunan dahil hindi ko siya maharap. Binilisan ko pa rin ang paglakad ko. Lumiko-liko pa ako sa mga corridor para kahit papaano maiwala ko siya, pero unti-unting bumagal ang aking paglalakad dahil sa nakita ko.

Nandito ulit siya, with her off shoulder blouse and fitted pants, the 5 inches heels that made her even taller and her long black hair swaying as she walks... towards me?! 'Di ko alam kung saan ako pupunta. Kung babalik ako sa pinanggalingan ko, makaksalubong ko naman si Shin, kung patuloy ko naman ang paglakad ko, siya naman ang makakasalubong ko.

Pero mas gugustuhin ko na lang ito ang makasalubong ko kahit isa siya sa dahilan kung bakit nag-aaway kami ni Shin. Speaking doon sa lalaking yun hindi ko na narinig ang mga yapak niya kanina sa likod ko. Siguro sa liit ba naman ng legs niya expect ko bang agad niya akong mahahabol? Taas noo na lamang ako naglakad at nilagpasan siya, hindi niya ako namukhaan? Patuloy na sana ako sa paglalakad ng bigla siyang nagsalita.

"Cheogiyo.." (Excuse me..) Napahinto ako pero hindi ako lumingon, malay natin hindi naman pala ako ang tinatawag niya.

Pero tanga ka rin eh, Rhea. Kayo lang ang nandito sa hallway. Depende na lang kung may nakikita pang ibang tao yang babaeng na iyan.

Nagbuga ako ng malalim na hininga atsaka humarap sa kanya with a fake smile.

Naglakad naman siya papalapit sa akin. Kaya mas lalo ko na define ang ganda niya. Edi siya ng walang pores! Sadyang maiinit lang sa Pinas kaya kami full pores! Atsaka, Rhea, nothing can beat a Filipinos beauty. Siguradong nagdederma lang yan. Eh, ako nga hindi ganoon karami pores ko pero medyo makinis naman mukha ko. Paano pa kaya kapag nagpaderma ako? Edi talbog ko na siya?

"Aren't you the girl from the restaurant?" tanong niya.

"Huh?" pagmaangan ko.

"You were with Shin, right?" Sabay sikop niya sa kanyang takas na buhok.

There's no use of denying it. Atsaka ba't naman ako magdedeny?!

"Yes.. Why?" tanong ko rin pabalik.

I'm trying my best not to shout at her pero ba't ko naman gagawin yun? Wala naman siyang kasalanan, siguro kung meron man ay ang hindi pag-alis niya sa puso ni Shin.

"We weren't properly introduce to each other. I'm sure you already know me, right?" sabay ngisi niya at naglahad ng kamay.

Tinignan ko ito atsaka tumingin sa kanya.

"Yeah.. I'm Rhea." Shin's rebound.

Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang may narinig kaming tumatakbo papunta dito. Pawis na pawis siya nang nakita niya kami at unti-unting bumagal ang kanyang takbo.

"Wae iriniya?" (Why are you here?) sabi ni Shin habang nakatingin kay Suzy.

Binaba na ni Suzy ang kaninang kamay niyang nilahad atsaka bumaling kay Shin ng may ngisi.

"Bogoshipeunde.." (I want to see you..) sabi naman ni Suzy.

Hah! Talagang nag hangul pa sila. Ano ito? Para hindi ko maintindihan ang sinasabi nila? Baka siguro ganito ang usapan nila. "Ano success ba ang pag fall kay Rhea?" "Durugin mo ang puso niya". Aish! Pinilig ko ang ulo ko sa naiisip ko.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now