Chapter 29

35 0 0
                                    

CTBL - Drunk

Ella's POV

'Di pa rin maalis sa akin ang ngisi at ang sinabi ni Chan sa akin. Nakakainis siya pero mabuti na lang hindi ako gaano na hypnotized sa sinabi niya kasi agad naman akong naka-alis pero bumalik din ako kasi naiwan sa lupa ang puso ko eh, hehehe de joke lang!

Nandito na ako sa apartment habang nagluluto ng soup. Oh, diba! Chef na ako. Syempre joke lang yun, niluluto ko yung ready made na. Heller? Baka masunog ko pa ang apartment kung mag e-experiment ako. Actually, hindi naman talaga dapat ako magluluto, ang kaso wala pa si Rhea. Alas onse na ng gabi hindi pa siya umuuwi, pero nagtext naman siya sa akin na male-late siya, hindi ko naman in-expect na hanggang ngayon wala pa siya. Habang hinihintay kong kumulo ang soup kinuha ko muna ang cellphone ko atsaka dinial ang number niya ang kaso..

"The subscriber cannot be reach. Please try again later." kumunot naman ang noo ko.

Ano bang ginagawa nitong babaeng ito? tinry ko ulit pero wala, eh. Umalis muna ako ng kusina tutal hindi pa gaano kumukulo ang soup. Magbabanyo sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Baka si Rhea na ito? Bwiset na yun. Ako muna ang magratatatat sa kanya dahil late na siya umuwi.

"Hoy Babae! Ang late–" napahinto ako sa sasabihin ko dahil sa pagbukas ko ng pinto.

Nakapiggy back ride si Rhea habang natutulog.

"I'm sorry for disturbing you this late at night, Ella." ani Shin kaya pinapasok ko muna siya sa loob.

"Ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong.

Naglakad naman siya papuntang.. kwarto? Wait.. paano niya nalaman na ito ang kwarto namin ni Rhea? Nakisabay naman ako sa paglalakad niya at may naamoy akong biglang alak.

Lumapit naman ako ng konti kay Rhea at amoy na amoy ko siya. Teka, naglasing siya? Bakit siya naglasing?

Dahan dahan namang nilapag ni Shin si Rhea sa kanyang kama atsaka umupo sa tabi nito. Kinumutan niya siya at hinawi ang iilang strands ng kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha.

"I'm sorry, 'di ko na siya pinigilan. She's just stress that's all. Kaya hinayaan ko muna siya and besides she's with me." pagpapaliwanag ni Shin.

Tumango naman ako.

"Naka-ilan ba siya?" tanong ko.

Napabuntong hininga naman si Shin.

"Naka-anim siyang bote ng soju.." nanlaki naman ang mata ko dahil sa kanyang sinabi.

Ano? Anim?! Ni hindi ko nga maubos ang isang bote ta's siya anim! Base naman sa mukha niya, pulang pula na siya. Ano bang problema ni Rhea? Bakit kaya siya naglasing?

"Bakit siya naglasing?" tanong ko pero hindi nakasagot si Shin.

Dahil biglang umupo si Rhea kahit gewang gewang na. Hirap na hirap naman siyang idilat ang kanyang mata.

"B-Bakit niyo ako p-pinag-uusapan?" wala sa sarili niyang tanong habang tinuturo-turo niya kami ni Shin.

"Rhea, go back to sleep you're drunk–" hindi pa natatapos ni Shin ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang hinila ni Rhea atsaka hinalikan!

Nanlaki ang mga mata ni Shin. Tangina. Wait, hindi lang siya, pati ako! Mabuti na lang pala hindi ako umupo sa tabi niya baka ako ang nahalikan niya. Yuck!

"W-Who told you that I-I'm drunk?" aniya pagkatapos halikan si Shin.

Maya-maya bumagsak na siya sa kama niya at yun R.I.P to Rhea Samantha Vasquez. I won't forget you my dear friend. Hehehe de joke lang. Knock out na kasi siya at ayaw ng magising.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now