Chapter 37

24 0 0
                                    

CTBL - LQ

Ella's POV

Hindi ako gaano nakatulog kagabi dahil sa nai-kwento ko kay Chan atsaka natatakot akong baka panaginip lang lahat ng ito lalo na't nandito na sina Papa at Kuya Mj. I'm scared that in just one sleep mawawala ito. At hindi lang pala yan ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog dahil na rin kay Rhea, ang gulo gulo niyang matulog! Pabiling biling siya, nakakainis.

Alas sais palang nagising na ako at agad kong tinignan ang kama ko. It's not a dream.. Napangiti ako habang masarap ang tulog nila Papa at Kuya Mj. Napatingin naman ako sa katabi ko at wala siya. Ang aga niyang nagising, ah? Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto.

Kalabas ko halos tulog pa sila sa salas. Sana hindi naman sila gaano nahirapan sa pagtulog dito. Kitang kita ko ang pagyakap ni DW kay Ace habang si Ace naman nakapatong ang kanyang paa sa mukha ni Taehun. Bahagya naman akong natawa sa posisyon ng pagtulog nila.

"Ang aga mo nagising?" Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Rhea.

Nakaupo siya sa dining table habang kumakain ng tira siguro kagabi. Kumunot ang noo ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ikaw? Ba't ang aga mo? Anong time ng klase mo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Uhh.. Mga seven. Ikaw na lang muna ang bahala sa kanila, ah." alinlangan niyang sinabi.

Kahit nagtataka ako sa kanya tumango na lamang ako. Niyaya niya akong kumain pero sinabi kong sabay sabay na lang kami kakain ng Black Kings at sila Papa.

Napaisip naman ako baka naman kaya maaga ito dahil iniisip niyang baka magkasalubong sila ni Shin dito. Nag-away ba talaga sila dahil doon sa truth or dare kagabi? Tumayo na si Rhea dahil tapos na siyang kumain kaya hinawakan ko ang braso niya kaya napahinto siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"LQ kayo ni Shin?" tanong ko atsaka binitawan ang paghawak ko sa kanya.

Kumunot lang ang noo niya sa akin at nagkibit balikat.

"Paghinanap nila ako sabihin mo na lang nauna na ako atsaka huwag na huwag mong sasabihin kay Joshua kung saan ang Park University." aniya atsaka tuluyan ng tumayo at lumabas na ng apartment.

Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto namin ni Rhea dahil narinig akong nagbukas nito at nagsara. Ang lumabas dito ay si Kuya Mj na pahikab hikab pa. Ngumiti siya nang makita niya ako sa dining table kaya tumayo ako at ngumiti rin sa kanya.

"Good morning, Baby girl." ngiti ni Kuya Mj at niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik at binati rin.

Nang kumalas sa yakap, napatingin naman siya sa Black Kings na ang sarap ng tulog kahit na ganyan ang pwesto nila. Si Ell ay nandito pa at natutulog sa lap ni Jung Suk.

"May breakfast na ba?" tanong ni Kuya Mj.

Umiling ako at tumawa. Balak ko sanang ipainit na lang ang mga pagkain kagabi pero naisip ko rin itong mga bwisita ko– este mga bisita ko dito na nag effort sa birthday ko. Mabuti na lang at nandito si Kuya Mj na marunong magluto.

"Baby girl.. Kaano ano mo pala yung babae dito? Yung si.. Ano, si.. Yoora." Kuya Mj couldn't find his right words to say.

Si Eonni? Kaibigan na tinuturing na ate? Na ate talaga ni Chan, si Chan na nang gugulo ng life ko pero at the same time ang nagdala ng mga taong mahal ko rito.

"Kapatid siya ng isa sa member ng Black Kings, Kuya Mj. Bakit?" tanong ko.

"Uhh.. Wala! Tara, Baby girl, tulungan mo na lang ako sa pagluluto." ani Kuya Mj at hinila ako papuntang kusina.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now