Chapter 4

47 0 0
                                    

CTBL - Weird

Rhea's POV

Hayy! Grabe napagod ako sa trabaho kaya kauwi ko higa ka agad sa kama. Nangawit ata ako. Napano na kaya si Ella? Sana naman payagan na siya ng Kuya niya, sayang din kasi ang offer.

*KRING!!!*

Tinignan ko ang cellphone ko kung sino ang tumatawag, speaking of..

"Hello?" bungad ko.

"Rhea!!!!" wow siya na ang maingay ngayon ah.

"Oh bakit?" walang gana kong tanong.

"Good news!"

Ano nanaman babalita nito?

"Pumayag na si Kuya Mj sa scholarship ko!!!" sigaw niya.

Ella's POV

"Pumayag na si Kuya Mj sa scholarship ko!!" Sigaw ko.

Matagal siya bago sumagot.

"Talaga?!"

"Oo, kwento ko na lang sayo sa lunes."

"Oh, sige, sige!!"

At pinutol na niya ang tawag.

Mabilis ang araw lunes na naman ngayon. Ngayon ko na sasabihin kay Miss Buenaventura ang approval ko. Kaya agad akong naligo at nagbihis, kumain rin ako kaagad. Hindi ko na ginising si Papa kasi mahimbing pa ang tulog niya at umalis na rin siguro si Kuya Mj para sa trabaho niya.

Habang naglalakad ako papasok sa school naisipan ko bigla kung magiging maayos kaya ang trato ng mga estudyante sa amin. Saan pala kami titira? hmmm...

Nasan na kaya si Rhea? Malapit lapit na rin ako sa school. Mga ganitong oras susulpot na yun, eh. Teka, may nakita akong babaeng nakatayo sa tabi ng gate ng school namin, si Rhea yun, ah. Himala hindi nang gugulat ngayon yun..

"Rhea!" sigaw ko.

Nang makita niya ako kumaway siya sa akin at tumakbo papalapit sa akin.

"Ang tagal mo naman." sabay pout niya.

"Sorry, atsaka malay ko bang hihintayin mo ako sa harap ng school." sabi ko.

"Ngayon alam mo na." sabay irap niya.

Ay ba talaga naman.

"Tara na nga." Pagyaya ko sa kanya.

"Uyy yung kwento mo." sabay yugyog niya sa braso ko habang naglalakad kami papasok sa school.

At ayun nga kinwento ko sa kanya ang nangyari. Tango lang ng tango ang bruha na ito habang nakikinig sa akin.

"Kaya ayun.."

"Wow ang sweet naman ni Kuya Mj. Concern lang naman ang tao sayo, eh. Mabuti kapa may Kuya. Hay, hirap talaga ng panganay." sabay iling-iling niya.

After 248362 years natapos din ang klase namin, same lang kase kami ng schedule ni Rhea kaya kami laging magkasama.

"Rhea, tara punta tayo sa Dean's office." sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Sasabihin ko na kay Dean yung approval ko atsaka pipirma na rin ako." sabi ko.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now