Chapter 54

15 0 0
                                    

CTBL - Rhea

Ella's POV

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa aking narinig. My heart suddenly began to beat fast. Parang ang hirap iproseso sa aking utak ang aking narinig.

Nang marinig ko ang mga yabag ni Rhea, agadzagad akong naglakad paalis doon dahil baka maabutan niya ako. Agad kong tinalukbong ang kumot sa aking buong katawan atsaka tumaligid. Mayamaya narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na kapapasok lamang ni Rhea. Naramdaman ko naman na humiga siya sa kama atsaka napabuntonghininga. 

After that night, I barely had a shut eye. Hindi ako makatulog, simply because of what I've heard last night. Pagkabango ko mula sa kama, tulog pa si Rhea. At ganoon din naman si Ell. It looks like they had some good night sleep, habang ako good night lang at walang sleep.

Pagkita ko naman sa orasan, six o'clock pa lamang ng umaga. Mukhang hindi talaga ako nakatulog. Pumunta na ako sa banyo para mag-ayos atsaka lumabas muna. Pumunta naman ako sa infinity pool kung saan dapat nandito rin ako kagabi ang kaso narinig ko lang ang usapan nila Shin at Rhea.

Napakatahimik at ang sarap ng simoy ng hangin. Wala pang masyadong tao dito sa pool, halos yung iba nakikita ko naman nag breakfast sa mga restaurant. Kahit na gusto ko ng kumain, hindi naman pwede dahil kailangan sabay sabay kaming lahat.

Nakaupo ako ngayon sa sun lounger habang tinitignan ang pool. Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko ang narinig ko kagabi.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? It's been years, Ella, simula ng umalis ka at iwan lahat ng ito. Everything in here will change so does their feelings. Sa taon na lumipas, hindi naman nila maiiwasan ang mahulog sa isa't isa. Pero bakit ang bigat sa aking loob? Like, it's so hard to accept what I've heard.

After 30 minutes of sitting here, I decided to head back to our suite nang makita kong naglalakad papunta si Ell dito habang may hawak hawak na ballpen at notebook.

"Kanina ka pa dito?" aniya nang makalapit sa akin atsaka umupo.

Tumango naman ako sa kanya atsaka napatingin sa ballpen at notebook na hawak niya.

"What's that for?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "This?" aniya atsaka tinaas ito, tumango naman ako. "Dito ko sinusulat ang mga behavior ng mga tao, so I could understand them a bit more." sagot niya pero wala naman akong naintidihan sa kanyang sinabi.

"I'm a psychologist." She said kaya nagulat ako sa kanyang sinabi. "To understand more about human behavior, I watch people and observe their actions, and I wrote it down here. This also helps me to help other people's mental health problem." Sabay pakita niya sa notebook.

Tumango-tango naman ako sa kanyang sinabi. "And based on my observation, I think there's something bothering you. What is it?" Aniya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Wala naman, bakit mo naman nasabi yan? Just because of your observation?" I said and look away.

"Defensive, I see." natatawa niyang sinabi.

Ang dati kong nakikitang mahabang buhok ni Ell ay mas lalong humaba, maypagkamaliit din si Ell. Kung baga, sa height ko liitin mo pa ng konti doon. Hindi rin naman ganoon kaputi si Ell, siguro namana niya ang kutis ng kanyang Mama. Pumayat din siya kumpara noong nakikita ko ang pagka-chubby niya.

Napahinga na lamang ako ng malalim atsaka tumahimik ganoon din si Ell. A long silence habang siya ay nakatingin lamang sa akin. That made me suddenly uncomfortable. Pero bakit hindi na siya nagpatuloy sa pag tanong sa akin kung anong gumagambala sa akin, kung alam naman niyang meron?

Could This Be Love?Where stories live. Discover now