Chapter 49

20 0 0
                                    

CTBL - Decision

Ella's POV

I glance at the time as I draw my sketch. Full of emotions, I would say. I slowly erased the bottom of it making a small slit for the dress. I simply drew some small little beads at the chest part, so it could have some little accessory from it. I sighed as I look at it, parang may kulang.

I made my hair into a bun atsaka pinunasan ko ang mga pawis sa aking mukha. Ang init! Dapat pala pinaayos ko na noong isang araw yung aircon. Iba pa naman ang taglay ng init dito sa Pinas lalo na't summer. I fanned myself using my hands dahil sa init.

Napaangat ako ng tingin sa may pinto dahil narinig ko ang pag bell nito marahil may nagbukas ng pinto. Isang malaking silay ng ngiti kaagad ang bungad sa akin nito kaya napangiti na lamang din ako sa kanya.

"And what brings you here this fine morning?" nakangiti kong sinabi sa kanya.

Mahina naman siyang natawa atsaka naglakad papunta sa akin, while his other hand was on his back like he was hiding something.

"Can't I visit you anymore?" natatawa niyang sinabi.

"Maybe.." sabay halakhak ko atsaka tumayo.

He quickly pinch my nose nang makalapit siya sa akin. And softly said, "Silly.."

Nang bitawan naman niya ang ilong ko agad ko naman tinignan ang nasa likod niya pero lumayo siya ng konti sa akin.

"Ano yan?" pilit ko pa ring tinitignan ang nasa likod niya.

Marahan naman siyang tumawa atsaka pinakita niya hawak niya mula sa likod niya atsaka inabot sa akin.

"Happy 1st anniversary.." ngiti niya.

Tinanggap ko naman ito at hindi maiwasan ang mapangiti. Niyakap naman niya ako at niyakap ko rin siya gamit ang isa kong kamay, while the other one is holding the bouquet of flowers.

"See.. I told you. Aabot ka rin." mahina niyang sinabi.

"What do you mean? Ako lang ba? I can't celebrate this day without you, okay?" sabay irap ko.

Mahina naman siyang natawa at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you, Hyun.." mahina kong sinabi.

I still remember kung paano siya nasa tabi ko pagkatapos lahat ng nangyari four years ago. He helped me with everything, through thick and thin.

"Hala, Hala! Nilalanggam na ata ako dito!"

Humiwalay na kami sa yakap ni Hyun nang marinig namin siyang magsalita na mukhang kalalabas lang galing sa banyo. Natawa naman si Hyun habang ako ay Napailing-iling sa sinabi niya.

"Happy 1st anniversary din sayo, Daisy!" natatawang sinabi ni Hyun sa part timer ko.

"Hehehe. Sayo din po, Kuya Hyun!" nahihiyang sinabi ni Daisy.

Nilapag ko naman ang bouquet sa tabi ng lamesa ko atsaka umupo ulit sa upuan ko.

"Daisy, pakizcheck muna kung kumpleto lahat ng fabric na binili ko." sabi ko sa kanya kaya nag salute siya.

"Ang cute talaga ni Daisy, she reminds of you." ani Hyun habang tinignan umalis si Daisy atsaka umupo naman sa tapat ng lamesa ko.

Napailing-iling naman ako habang nakangiti. Yeah, I kind of remind her as myself. Hindi yung part na cute, okay? She reminds me of myself dahil parang nakikita ko ang sarili ko noon sa posisyon niya. Kung paano niya gawin ang lahat para matupad ang pangarap niya, she will do everything para maabot niya ang pagiging isang fashion designer. That's why, when I first open my shop, she quickly told me if I could hire her even just a part timer. Marami siyang sinabukan na pasukan but all of them rejected her dahil isang hamak na estudyante pa lamang siya. I hesitated at first, pero nang makita ko ang determinasyon niya, pinayagan ko na rin siya. She has great taste between clothing and designing, she has a talent. Baka hindi rin magtagal, she could also open a boutique ng kanya. But for now, she's a working student.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now