Chapter 41

33 0 0
                                    

CTBL - Interview

Ella's POV

"Oh.. Huwag kang magpapalipas ng gutom ah, anak. Huwag masyadong pagurin ang sarili mo." paalala sa akin ni Papa.

Tumango naman ako habang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa aking mata. Ngayon na ang uwi nila Papa sa Pinas. Kahit na gusto kong ipa-extend ang pag stay nila dito, hindi pwede dahil may trabaho rin sa Pinas si Kuya Mj.

"And as much as possible, huwag ka sanang ma-distract sa mga bagay na walang katuturan, ah?" sabay yakap sa akin ni Kuya Mj.

"Don't forget to take care of yourself, okay?" bulong niya sa akin.

'Di ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Mami-miss ko sila, sobra! Lumapit naman na sa amin si Papa at niyakap din ako. Mahigpit na yakap, yakap na matagal ko na naman mararamdaman mula sa kanila.

Nang kumalas na sa yakap, pinunasan ni Kuya Mj ang luha sa aking pisngi kaya ngumuti ako sa kanila.

"Ako, Rhea babes, wala bang pabaon?" dinig kong sinabi ni Joshua kay Rhea.

Napatingin naman kami sa dalawa.

"Sapak pauwi gusto mo? Matagal din bago ka makatanggap niyan." sabay irap ni Rhea kay Joshua.

Pero niyakap naman siya ni Joshua pero hindi naman umangal si Rhea sa ginawa ni Joshua. She didn't push him nor hug him back. Basta hinayaan lamang niya ito.

"Good thing you're back to your usual self." ani Josh pagkatapos yakapin si Rhea.

Hindi ko alam kung namamalik mata ako o ano pero nakita kong ngumiti si Rhea kay Josh. Hindi yung mapangasar na ngiti, a genuine smile was plastered on her face. Nakapagtataka nga sila, eh. Parang medyo nagkakaayos na pero meron pa ring awayan ang nangyayari, pero less na ngayon.

"Don't forget your promise, Baby girl." ngiti ni Kuya Mj sa akin atsaka tumingin sa likod ko.

Ngumiti ako at tumango. I bid my goodbye and hug them for the last time. Pumasok na sila sa loob ng airport as I tried myself not to cry again. I felt a hand on my shoulder kaya napalingon ako dito.

"Kaja.." (Let's go..) Pag-aya niya.

Tumango ako atsaka pumasok na sa loob ng kotse niya. Which.. in the front seat. Pumasok na rin naman siya sa loob ng sasakyan at umupo na sa driver seat. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang airport.

"Missing them already?" bigla niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya.

I nod to him slowly. Ngumiti naman siya ng tipid at ambang i sa-start ang sasakyan nang magsalita ako.

"Thank you.." kaya napatingin siya sa akin.

"For what?" nagtataka niyang tanong.

But I just shrugged my shoulders to him. For Everything..

"Wooh! Ba't lagi na lang ako nagiging third wheel?" biglang sinabi ni Rhea mula sa backseat ng sasakyan kaya napatingin kami sa kanya.

Kita ko ang pagkasimangot ng kanyang mukha. "Ano na naman pinagsasabi mo?" kunot noo kong sinabi sa kanya.

Humalukipkip naman ang bruha."Kung balak niyo man kasing mag moment, sabihin niyo, bababa ako ng sasakyan tapos tawagin niyo na lang ako kapag tapos na kayo. Please naman, mahiya kayo sa akin." pagmamaktol niya.

Napailing-iling na lamang ako kay Rhea atsaka umayos ng upo sa front seat.

"Should I call Shin, then?" mapang-asar na sinabi ni Chan kay Rhea.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now