Chapter 33

26 0 0
                                    

CTBL - Consequences

Ella's POV

Dahil time flies quickly, hinatid na rin ako ni Hyun sa amin. Actually, gusto ni Gomo na doon na lang ako magpalipas ng gabi pero ang sinabi ko masyado ng abala atsaka baka mapatay pa ako ni Rhea kung hindi ako umuwi sa apartment.

Sabay kaming naglalakad ni Rhea sa hallway dahil pareho kaming on break. Nakita ko naman na papalapit si Eun Bin sa amin kaya huminto ako at ganoon din si Rhea.

"Annyeonghaseyo!" ngiti niya.

"Hi!" ngiti ko rin pabalik. Si Rhea naman ay tumango sa kanya.

"Ella and Rhea, the chairperson wants to see you." sabi ni Eun Bin.

Nagtaka naman ako at si Rhea naman ay kumunot ang noo. Sinamahan naman kami ni Eun Bin sa office ng Chairperson which is.. mother ni Chan! Paano ko nakalimutan na nanay pala ni Chan ang Chairperson dito!

Kapasok namin ni Rhea sa loob, nakaupo ang Chairperson sa kanyang swivel chair at mukhang may hinihintay. Umaliwalas ang kanyang mukha nang makita niya kaming pumasok ni Rhea.

"Good morning, Chairwoman Park." medyo kinakabahan kong sinabi.

"Good morning, Miss De Jesus and Miss Vasquez. Have a seat." aniya habang tinuturo ang upuan sa harap ng table niya.

Nagkatinginan kami ni Rhea atsaka sabay kaming umupo.

"Hmm.. you're wondering why I called you both here, right?" ngiti niya.

Marahan naman akong tumango.

"How long since you studied here? A month?" tanong niya.

"Passed 1 month." si Rhea na ang sumagot.

Ngumiti naman at tumango si Chairwoman Park sa amin. Hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang mukha ni Chairwoman Park, maputi siya, maypagka-tanda ang itsura pero maganda siya, pansin ko lang na mas kamukha ni Eonni si Chairwoman Park kaysa kay Chan. May nakuha naman siyang resemblance ng kanyang ina pero sadyang mas kamukha ni Chan ang kanyang Papa.

"I called you both because I want you to write the things that happened or what you experienced the passed 1 month here in Park University. It's like an essay but I know you girls can do it, right? After all, you're both a scholar here. So, I guess this would be easy for the both of you?" pag-e-explain ni Chairwoman Park.

Pero para saan naman ang gagawin namin na yun?

"It's not like I'm complaining or anything, but what's the essay for?" tanong ni Rhea.

"Well.. students like you girls are very lucky to be offered a scholarship in a school like this. So, I want other students to be inspired and do their best. Because you may not know, maybe I can offer them the same way I offered you girls." ngiti ni Chairwoman Park.

So.. It's for a good cause naman pala. I hope other people will be inspired by us, and I hope someday, they can achieve their dreams like, how I'm achieving them right now.

Ngumiti naman ako atsaka tumango.

"Will be glad to do it.." kumunot naman ang noo ni Rhea sa akin.

Ngumiti ng malawak si Chairwoman Park sa akin.

"Thank you, you can pass it to me whenever you like. But not too long, so I can post it on the official account of the school." ani Chairwoman Park.

Tumayo na kami ni Rhea atsaka ngumiti sa kanya.

"You're welcome, Chairwoman Park." ngiti ko sa kanya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now