Chapter 25

27 0 0
                                    

CTBL - Sakit

Rhea's POV

Grabe talaga magpablush si Shin! 'Di ko alam na kaya niyang sabihin yun sa akin. Nakakahiya! My gosh! Nandoon pa sina Ella at Chan. Nandito na kami ngayon ni Ella sa apartment. Hindi na rin nagtalo sina Hyun at Chan kung sino ang maghahatid kay Ella dahil kaming dalawa ni Ella ay nakisabay na kay Min. Masaya rin ang makipagbond kasama ang Black Kings kaso hindi pa rin maiiwasan ang mapupusok na itsura ng mga fans nila kanina.

Inamoy-amoy ko ang t-shirt niya. Amoy downy– este mabango pero 'di ko alam kung anong pabango ito. Huwag ko na atang isauli kay Shin ito, eh. Magbibihis na sana ako nang biglang pumasok si Ella sa kwarto na bumabahing. Kanina pa ito, ah.

"Kanina ka pa bumabahing, ah." nagtataka kong sinabi.

"Ang baho mo kasi." kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Mas mabango pa kaya ako kaysa sa–" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bumahing nanaman siya.

Kumunot naman ang noo ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang noo gamit ang likod ng aking palad at sobrang init niya.

"Gosh, Ella, may lagnat ka!" sabi ko at agad siyang inalalayan na humiga sa kanyang kama.

"Ano ka ba, okay lang–" at bumahing nanaman.

"Ay ewan ko sayo! Diyan ka lang, ah? Bibilhan lang kita ng gamot." sabi ko atsaka kinumutan siya.

Nakalimutan ko nga palang mabilis na dapuan ng sakit itong si bruha. Kumuha ako ng jacket at sinuot ito dahil malamig sa labas. Hindi na muna ako magpapalit ng damit dahil kumprotable naman ako sa suot ko. Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto nang huminto ako atsaka humarap kay Ella.

"Tawagin mo ako kung di ka na aabot, ah?" sabi ko kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.

Tuluyan na akong lumabas ng apartment nang maalala kong hindi ko alam kung saan ang botika dito. Agad kong kinuha ang aking phone atsaka dinial ang number ni Min, pero nakapatay ito. Sinubukan ko naman ang kay Luis at Hyun, busy naman. Wala naman akong number ni Taehun. Kung si Chan naman ang tatawagin ko baka magwala yun at biglang pumunta yun dito.. kaya huwag na. Bukas na lang niya alagain si Ella. Edi no choice akong tawagin si.. napabuntong hininga ako at dinial ang number niya.

"H-Hello?"

"Hello?" medyo husky ang voice niya.

Uh-oh tulog na ata ito?

"Naistorbo ba kita? Sige, umm.. thank you na lang–"

"No.. what is it, Rhea?" ngayon parang nabuhay siya.

"May itatanong lang sana ako."

"What's that?" tanong niya.

"Alam mo ba kung saan ang malapit na drug store dito?" tanong ko din.

Naramdaman ko naman ang malamig na hangin mabuti na lang at nagjacket ako.

"Hmm.. why? May sakit ka?" parang nag-aalala niyang tanong.

"Huh? Hindi, nilagnat kasi bigla si Ella, eh. Kaya kailangan ko siyang bilhan ng gamot."

"Where are you? Sasamahan na kita–"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi na, Shin! Kaya ko naman na. Sabihin mo na lang kung saan."

Narinig ko naman na bumuntong hininga siya.

"Nasa kabilang street pa, Rhea. Look, Rhea, gabi na. Ba't hindi ka na lang magpasama sa akin?"

Could This Be Love?Where stories live. Discover now