Chapter 15

38 0 5
                                    

CTBL - First

Ella's POV

Dalawang araw na simula ng iniwasan ko si Chan. Ewan ko ba sa akin. Hindi ko kasi kayang tignan siya o makausap man lang dahil naalala ko kasi yung accident kiss ko sa kanya.

"Tulala ka diyan.." sulpot ni Rhea at umupo sa tabi ko.

Umiling lamang ako sa kanya.

"May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Rhea.

"Wala naman, iniisip ko kasi ang project, eh." sagot ko at tumayo na.

"Oo nga pala, tumawag noong isang araw sa akin si Joshua, hindi ka raw ma-contact." sabi ko sa kanya.

Agad naman nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay.

"Paki sabi sa kanya wala akong time para sa kanya! At sabihin mo doon na lang siya sa zoo niya." naiinis niyang sinabi.

Umiling-iling lamang ako sa kanya.

"Mauna na ako, Rhea, may pasok pa ako." paalam ko sa kanya.

Tumango lamang siya kahit mukhang naiinis pa rin kaya naglakad na ako papunta sa next subject ko. Habang naglalakad ako bigla naman may humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa loob ng janitor's closet. Sinandal niya ako sa dingding at hinarang niya ang kanyang magkabilaang kamay sa gilid. Madilim ngayon dito kaya wala akong makita. Sisigaw na sana ako nang takpan niya ang bibig ko.

"Hmmpp!!!"

"Be quiet.." malamig niyang sinabi.

That voice.. siya lang naman ang may boses na ganyan. Binaba naman niya ang kamay niya nang manahimik ako.

"Anong kailangan mo?!" halos pasigaw kong tanong.

"Why are you avoiding me?" mahinahon niyang tanong.

Nagulat naman ako dahil natanong niya ito. Malamang napapansin niyang umiiwas ako sa kanya.

"I-I wasn't a-avoiding you.." ba't nauutal ako?

"Really?" sarcastic niyang sinabi.

"Ba't n-naman kita i-iwasan? Nahihibang kaba?!" pasigaw ko ng sinabi.

"Yun nga ang naisip ko, ba't ka nga ba iiwas? Except if you did something wrong or you just can't face me.." nakangisi niyang sinabi.

"Ano naman kung iniiwasan kita? May kailangan ka ba?" pagtatapang kong tanong.

"Let me remind you that the end of submission to our project is just in a few days.." malamig niyang utas.

Nakalimutan ko nga pala yan. Tss. May pake naman din pala ito sa pag-aaral. Bago pa ako makasagot sa kanya, hinila na niya ako palabas ng janitor's closet at dinala ako papunta sa field.

"Let go of me! May pasok pa ako, Chan!" pagpipiglas ko sa kanya.

"I already excused you to your teacher." sabay bitaw niya sa papulsuhan ko at umupo na sa bench.

"Sit." tapik niya sa tabi niya.

"I'm not a dog." pero umupo rin ako.

Ngumisi lamang siya at nilabas ang half of the project I asked.

"Here.." sabay lagay niya sa lamesa.

Umirap lamang ako at inayos ang gagawin namin.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now