Chapter 19

44 0 0
                                    

CTBL - Kitchen

Ella's POV

Kinaumagahan nagising ako dahil tumatawag sa akin si Kuya Mj. Nangamusta lang siya. Hindi ko tuloy masabi na nasa ibang bahay ako natulog. Hindi na rin umuulan, may sikat na rin ang araw. Pagkabangon ko pumunta na ako sa banyo para maligo at makapag-ayos. Kinuha ko ang damit na ginamit ko kahapon at isinuot ulit iyon. Pagkatapos kong naligo kinuha ko na ang gamit ko at napatingin ako sa balcony nila.

Oh, my! Paano ako lalabas ng kwarto na ito kung makikita ko si Chan? Bakit ba niya kasi ako hinalikan? Pero ang lambot ng kanyang labi parang gusto ko pa ng round 2.. hayyy! Ella, anong iniisip mo? Well, wala naman sa akin yun 'di ko kailangan i-big deal. Magiging big deal lang sa akin yun kung may feelings ako sa kanya, which is wala naman. Kaya naglakas loob akong pumunta sa pinto at hinawakan ang door knob, pero parang umuurong ang sikmura ko.

"Ella, ano ba? Huwag i-big deal, okay?" sabi ko sa sarili ko.

Nang maging okay na ako, hahawakin ko sana ulit ang door knob nang biglang bumukas ito. Mukhang 'di niya inaasahan na nasa harap na ako ng pinto. Well, ganoon din naman ako kaya pareho kaming nagulat.

"W-what's taking you so long?" pagsungit niyang sinabi.

"H-huh?" nagtataka kong sinabi

"It's 9:30 in the morning." sabay irap niya.

"I overslept? 'Di kasi ako makatulog kagabi, eh."

"Why?" nakakunot noo niyang tanong.

"Marami lang ako iniisip." ako.

"Like?" tanong niya.

"Like, what you told me yesterday, about your family and that kiss-" agad ko naman sinara ang bibig ko dahil sa sinabi ko.

Aish! Ba't sinabi ko yun?! Nang tumingin ako sa kanya nakita kong nakanguso siya, yung nagpipigil na ngumiti.

"What about it?" mapaglaro niyang sinabi at 'di na pinigilan ang kanyang ngiti.

"Huh? Anong meron doon? Ba't ka nga ba nandito?! Palabas na ako! Atsaka anong meron doon sa kiss nayun?! It's not like your my first kiss." totoo naman, eh. Kasi syempre first kiss ko ang mama ko. Feeling naman niya.

Naging malamig naman ang kanyang mga mata sa akin. Yung kaninang kamay niyang nakahawak sa doorknob ay tinanggal niya at nilagay ang kanyang kamay sa magkabilang gilid ng pinto atsaka inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Ano ito? Round 2? Agad ko naman pinikit ang aking mga mata at hinintay na dumampi ang kanyang labi sa akin.

"I may not be your first kiss, but I'll make sure I'm going to be your last."

At dahil doon dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakangisi habang nakatingin sa aking labi. Oh, my gosh! Nakakahiya! Pumikit pikit pa kasi ako, eh. Mabuti na lang may narinig akong footsteps papunta dito.

"Ya! Chan! Is Ella awake?" narinig ko ang boses ni Eonni na papalapit na papalapit dito.

Nilayo na rin ni Chan ang kanyang mukha sa akin kaya agad-agad akong umalis sa harap niya. Nakasalubong ko nga si Eonni na naglalakad papunta nga sa guest room.

"Good morning, Ella!" bati sa akin ni Eonni.

"G-Good morning din!" bati ko sa kanya pabalik.

"So, did you sleep well last night?" nakangising aso niyang tanong.

Narinig ko naman ang mga yapak ni Chan sa likod hudyat na papalapit na siya sa amin.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now