Chapter 21

36 0 0
                                    

CTBL - Black Kings

Ella's POV

"Ano?!" gulat kong sinabi.

Tumango-tango naman sa akin si Rhea.

"Oo nga, ulit-ulit lang? Isa silang group of Korean slash Chinese boys na sikat dito sa korea.. in short Kpop star sila!" sabay iling-iling sa akin ni Rhea

"Paano mo naman nalaman?"

"Tinanong ko kay Min at Luis.. kaya.. ayun nga, gosh! Kung alam mo lang kung gaano ako ka out of place doon. Dagdag pa ang sama ng mga tingin sa akin ng mga estudyante." reklamo ni Rhea

Natawa naman ako sa kanya, not her usual self. Bigla naman nanliit ang mga mata niya sa akin. Agad naman ako lumipat sa kabilang sofa atsaka kumunot ang noo sa kanya.

"Ano nga pala ang pinag-usapan niyo ni Chan?"

"H-Huh? T-Tungkol doon sa t-shirt! Ano pa nga ba?" agaran kong sinabi.

Nagtaas naman ng kilay sa akin si Rhea.

"Hmm.. talaga lang? Ano kaya ang dahilan kung bakit sobrang taas ng ngiti ni Chan kanina?"

Namula naman ako sa kanyang sinabi.

"Ah, ba! M-Malay k-ko doon! Abnormal kaya yun!" sabay iwas ko ng tingin.

Pinagkibit balikat lamang ni Rhea yun atsaka tumayo para pumunta sa kusina. Napatakip na lamang ako ng aking mukha. Bwisit kasi yung Chan na yun, eh! Anong pinagsasabi niyang property?! 'Di ko rin alam kung bakit ang bumilis tumibok ng puso ko kanina.

"Ay! Chan sa puso ko!" gulat kong sinabi. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Bigla kasing nag ring ang phone ko.

Min Calling..

Wow. Unexpected. Bakit kaya tumatawag 'to? Akala ko naman si... nevermind kinuha ko naman ang phone ko at sinagot ito.

"Hello?"

"Hello, Ella!" masaya niyang bati.

"Ba't ka napatawag?" takang tanong ko.

"Ahh.. nandyan ba si Rhea? Hindi niya kasi sinasagot yung tawag ko, eh." yun lang pala. Pero medyo alinlangan niya pang sinabi yung "ko".

"Sige, sige, nandito siya. Sabihan ko na lang."

"Sige, gomawoyo! May nangungulit kasi sa akin dito, eh."(thanks!) sabay halakhak niya.

"Ahh.."

"Sige, baka nakaka-istorbo na ako, bye!" after he said that he hang up.

Weird naman ni Min. Hayy malay ko ba. Silang dalawa naman ni Rhea ang laging magkasama.

"Hoy! Rhea!" sigaw ko.

"Bakit?!" sigaw niya pabalik.

"Yung phone mo sagutin mo, tumatawag si Min!"

At yun lumabas ng kusina atsaka pumunta ng kwarto para sagutin ang tawag.

Pagkatapos ng gabing yun. Kinabukasan, I wasexpecting na tahimik muna ang araw ko dahil naman siguro ang atensyon ni Chan ngayon ay nasa kanyang mga group na "kpop" but I was wrong. There were too many students who were screaming. Puro ang sigaw nila "Black Kings" I guess, yan ang pangalan ng group nina Chan.

Si Rhea dahil sa sobrang inis nagsuot tuloy ng earphones. Nakalimutan ko kasi ang akin, eh. Ang hirap pang makisiksik dito dahil ang dami ngayong students. Tss!

Could This Be Love?Where stories live. Discover now