Chapter 44

24 0 0
                                    

CTBL - Concert

Rhea's POV

It's sad that our camping ended up so fast. Gusto ko pa sanang mag roast ng matabang pisngi ni Min– este marshmallows. Masaya kasing alam mong walang problema at puro saya lang, pero alam kong hindi pwede yun. In life, kailangan nakatimbang ang saya at lungkot sa buhay natin. Pero hindi ko mapagkaila na masaya ako dahil kasama ko sina Ell, Ella, ang Black Kings at syempre si Shin.

Madalang na lang kami magkita ni Shin pagkatapos no'ng nag camping kami dahil sa nalalapit nilang concert at para iwas issue rin. Noong mga nakaraan kasi nagulat kami na halos dumugin ng mga reporters ang Black Kings dahil hanggang ngayon na curious ang mga tao kung sino ang mga nabanggit ng Black Kings tungkol sa dating issue.

Napabuntong hininga na lamang ako at konti na lang mabibigwasan ko na ang kausap ko sa phone ko.

"Rhea babes, naman eh!" pagmamaktol ni Josh sa kabilang linya.

"Ang kulit din ng singit mo 'no, Joshua. Sabi ng hindi ko alam kung sino, eh!" iritado kong sinabi sa kanya.

"Close mo kaya sina Shin. Ba't hindi mo alam kung sino ang dine-date nila?" tanong niya.

"Ikaw na lang kaya ang magtanong.." Sabay buntong hininga ko. "Papatayin ko na ang call, Josh. May trabaho pa ako." sabi ko atsaka pinatay na ang tawag.

Kinukulit kasi ako kanina pa ni Joshua kung sino daw ang dine-date nila Shin. Hindi ko naman masabi kung sino dahil ayaw ko siyang masaktan. Ever since he comforted me, gumaan ang pakiramdam ko sa kanya kahit na may konting inis pa rin akong nararamdam dahil sa kalokohan niya pero natanggap ko na rin. He's my friend, I don't want him to get hurt.

"Yoon, ba't wala pang customers? Late na nga akong dumating, pero bakit wala pa rin?" nagtataka kong tanong kay Yoon.

"I don't know. And Manager Nam told me pwede nang umuwi at four o'clock." aniya sa akin habang pinupunasan ang counter.

Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. "Four o'clock? Ba't ang aga naman ata? Kaya pala halos yung iba natin kasama umuuwi na. It's a good thing, though. Wala namang customers." sabay upo ko sa tabi ng counter.

Siguro baka mga nasa lima na lang kami ngayon dahil nga walang customers ni isa. Baka nalulugi na ang negosyo dito, hala. Huwag naman sana. Ito na lang ang trabaho ko, sinabi kasi sa akin ni Shin na huwag na raw akong pumasok as a sales lady bukod daw sa mapapagod lang ako madalang pa daw kami magkikita. He even offered that he will give me money para makapagpadala ako pero agad ko itong tinanggi. Pero sabi niya kapag daw hindi ako umalis sa isa kong work na sales lady, he will push me to take the money para makatulong din daw siya sa akin. Kaya ayun.. sa coffee shop na ulit ang full work ko.

Suddenly, I miss him. 'Di na kasi kami masyadong nakakapag-usap. Bukod sa lagi siyang pagod, madalas naman kapag tumatawag siya sa akin tulog na ako. Na-miss ko tuloy ang boses niya at syempre siya. 'Di bale hanggang four o'clock lang kami at quarter to three na rin. Makakapanood na akong kdramas sa apartment.

"Hmm.. Okay na rin siguro. At least I have time to spend the rest of the hours for myself if we're going home early." masaya kong sinabi.

Narinig naman ako ng yabag mula sa likod ko. "Not quite, Miss Vasquez. You're staying here until our closing time."

Nagulat ako at napalingon sa nagsalita, ang bwiset naming Manager. Pareho kaming nag bow ni Yoon sa kanya dahil dumating siya. Pero ano daw sabi niya? Hanggang closing time daw ako rito? Bakit?

"As you can see, there are no customers today. That is because someone reserved the café for the day and the customer wants you to–"

"I want you to spend the rest of the hours here with me." nanlaki ang mga mata ko dahil nasa likod na siya ngayon ng Manager namin.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now