Chapter 9

63 0 0
                                    

CTBL - Friends

Ella's POV

Pagkatapos namin kumain ng lunch ni Rhea pumasok na kami sa susunod naming subject. Siya English ako naman ay Math. (-_-||)

Pagkapasok ko sa room tahimik ang mga classmates ko. Well, ganito daw talaga sila minsan, minsan naman daig pa niyan yung ingay ng mga classmates ko sa first subject. Umupo ka agad ako sa aking upuan malapit sa may bintana. Kaupo ko nakita ko ring pumasok si Hyun sa room. Nang makita niya ako ngumiti siya at tumabi na sa akin, seatmates kasi kami.

"Hi!" ngiting bati niya habang umuupo sa kanyang upuan.

Nginitian ko rin siya at binati.

"I heard something happened in the cafeteria?" kunot noong tanong niya.

"Uhh.." 'di ko alam kung paano ko i-explain sa kanya.

"Forget about it." sabi niya dahil mukhang napagtanto niyang hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin.

"Sorry.." at yumuko ako dahil nahihiya sa kanya.

"I'll only accept your apology kung papayag kang lumabas bukas." kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Don't worry its not a date." parang medyo disappointed niyang sinabi.

"Sasama naman natin si Rhea para makapag libot libot na rin kayo dito. Puro school na lang ginagawa niyo, since you came here." aniya.

"Well, we did came here for school." ngisi ko.

"So?"

"Okay, sige, tanungin ko lang din si Rhea." ngiti ko.

At least there's no class tomorrow at saktong sarado ang Fast Food Chain. Makakapagrelax time muna ako. I-text ko muna si Rhea para papuntahin dito at maaya ni Hyun na lumabas bukas.

To Rhea:

Punta ka dito sa Math Room after ng class mo. May sasabihin si Hyun.

At sinend ko na ang message sa kanya agad namang nag beep ang cellphone ko at nakita ko ang reply niya.

Rhea:

K.

Ay ba nagreply pa siya. Hindi ko na siya nireplyan dahil dumating na rin ang Prof namin.

Agad namang natapos ang lesson kaya nag-ayos na ako ng gamit ko habang si Hyun pinagmamasdan ako kaya napatingin ako sa kanya. Nang makita niyang tumingin ako sa kanya agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at medyo namula.

"Uhh.. tara na, Hyun, hintayin na rin natin si Rhea sa labas." awkward kong sinabi.

Tumango lang siya at sabay na kaming naglakad palabas ng room.

10 minuto na kami naghihintay at wala pa rin siya. Nag beep naman bigla ang cellphone ko at nakita ko ang kanyang mensahe.

Rhea:

Otw na.

Hindi ko na siya nireply at hinintay na lang siya. Nagulat ako nang biglang may sinigaw na pangalan si Hyun.

"Shin!" sigaw niya nang nakitang dumaan si Shin.

Narinig naman ni Shin ang tawag ni Hyun kaya agad siyang lumapit. Nakipaghigh five naman si Hyun sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko.

"What are you two doing here?" poker face na tanong niya.

"Ahh.. we're wait–" naputol ang sasabihin ni Hyun nang may nakita kaming tumatakbong babaeng papunta dito at si Rhea yun.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now