Chapter 51

17 0 0
                                    

CTBL - Confuse

Ella's POV

A few seconds have passed but she still haven't shake my hand. Nakatingin lamang siya rito at parang may malalim na iniisip. I was about to put my hand down, nang makita kong sikuhin siya ni Eonni kaya natauhan siya.

"Uhh.. Yeah, it was nice seeing you as well." she said awkwardly and shake my hand.

Nang magbitaw na kami, agad naman siyang napatingin kay Chan sabay sa akin.

"Umm.. I'll go ahead. May meeting pa kasi ako ngayon, eh." aniya sabay tingin kay Eonni.

"Don't you want to stay for lunch, Rhea?" tanong ni Eonni sa kanya.

Napatingin sa akin si Rhea tapos agad din binaling ang tingin kay Eonni."No thanks, Eonni. I rather not. Maybe next time?"

Kumunot ang noo ni Eonni pero pumayag din. "Sige, Chan hatid mo na si Rhea." ani Eonni sa kapatid niya.

Not intentionally, but my eyes suddenly went to Chan, pero agad din akong napaiwas, nang makita kong nakatingin siya sa akin with his cold expression.

"Mauna na ako." paalam naman sa akin ni Rhea.

"Sige, ingat na lang." sabay tipid na ngiti ko.

Tumango naman siya at nagpaalam na kay Eonni, pagkatapos ay hinila na rin niya si Chan sa labas. Habang ako'y nakatingin sa kanilang naglakad palabas ng mansion. Napalingon si Chan sandali pero agad din binaling ang kanyang tingin sa harap.

"They are so messed up.." bulong ni Eonni.

"Ano yun, Eonni?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Agad naman siyang napabaling sa akin at ngumiting umiling-iling.

"Nothing, Ella. Ikaw? Don't you want to stay for lunch?" tanong naman ni Eonni sa akin.

I was about to answer nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Sinenyas ko naman si Eonni na titignan ko lamang ito kaya tumango siya.

Hyun:

Are you finish with Noona? Let's have lunch together.

Pagkatapos kong basahin ang mensahe niya, nagtipa naman ako pabalik sa kanya.

"Umm.. Eonni, hindi na siguro. I already have plans for today." sagot ko sa kanya.

Tumango-tango na lamang si Eonni sa akin.

Naglalakad na ako ngayon sa path walk sa labas ng mansion nila Eonni. I was almost outside their gate, nang mapahinto ako sa paglalakad. Kita ko kung papaano guluhin ni Chan ang buhok ni Rhea, habang si Rhea naman ay nakasimangot sa kanya. Kita ko rin ang ngiting nakasilay sa labi ni Chan na parang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya. I don't know what came over me pero humakbang ako ng paatras para hindi nila ako makita.

Sa hindi ko malaman na dahilan parang sumikip ang dibdib ko nang makita kong yakapin ni Chan si Rhea. Nang kumalas sila sa yakap may sinabi si Chan kay Rhea na nagpa-irap sa kanya. Nang pinagbukas na ng pinto ni Chan si Rhea, kumaway naman na ito sa kanya.

Balak ko na sanang lumabas na ng gate para makalayo na ako sa lugar na ito, nang biglang mag ring ang phone ko.

"Hello?"

"Ellie, where are you? I'll pick you up." ani Hyun sa kabilang linya.

Naglakad naman ako papunta sa gilid para makausap si Hyun.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now