Chapter 7

46 0 0
                                    

CTBL - Payong

Rhea's POV

Grabe talaga yung babaeng nayo'n. Hindi na mabiro. Malay ba natin na yung sinasabi niyang lalaki ay ang magiging first boyfriend niya. Hayy!

"Hey, Rhea! Stop using your phone and get back to work!" sigaw ng manager namin.

Tss. -_-

"Yes, Ma'am!"

Nandito kasi ako sa coffee shop na pinasukan ko. Ayos din naman siya 'di ganoon karami ang tao kasi parang high class itong coffee shop na ito.

"Umm.. Rhea, can you take the order of that customer?" sabay turo ni Yoon, ang ka-trabaho ko, doon sa may isang lalaking na nakaupong dekwatro at mukhang malungkot.

"Ahh...sure." tango ko naman.

Naglakad na ako palapit sa kanyang mesa at nginitian ko siya.

"What would you like to order, sir?" ngiting tanong ko.

"Cappuccino." maikli niyang sinabi at 'di man lang ako tinignan.

Ngumiti ako at umalis na para gawin ang kanyang cappuccino.

Pagkatapos kong gawin ito, nilagyan ko na ng design at sumulat ng quote sa sticky note ng "Life is short, smile while you still have teeth" atsaka dinikit sa tasa. Medyo nagulat pa ako dahil biglang kumidlat. Ay patay! Wala nga pala akong dalang payong. Pabayaan na nga.

Naglakad na ako patungo sa mesa ng customer habang dala-dala ang kape. Nang nakarating na ako, nilapag ko na ito sa kanyang mesa at ngumiti.

"Enjoy your coffee, Sir!"

Mukhang nabasa niya ang nakalagay doon sa kape niya kaya bigla siyang napaangat ng tingin sa akin. Napaka-emotionless naman ng mata niya. Pero bat ganoon, ang bilis tumibok ng puso ko? Bago pa siya makasabi ng kahit ano nag bow ako at umalis na. Ang weird ko.

Alas otso na kami na tapos sa trabaho kaya medyo malakas pa rin ang ulan. Nagsi-uwian na rin ang mga kasama ko, habang ako ito nasa labas ng pintuan ng café, hinihintay tumila ang ulan o kaya humina. May bubong naman ito kaya 'di ako gaano nababasa.

Nang medyo humina na ang ulan nagpasiya akong tumakbo na hanggang sa maka uwi ako sa apartment. Hindi naman kasi ganoon kalayo kaya 'di ko na kailangan magtaxi. Nang makaalis na ako sa harap ng pintuan medyo nabasa na ako sa ulan. Half-running ako kasi madulas ang daan baka mamaya madulas ako dito. Maya-maya biglang wala na akong naramdaman na pumapatak na ulan sa aking ulo.

Nagulat naman ako ng meron isang lalaking nagpapayong na sa akin. Hindi ko mapigilan mapatingin sa kanyang emotionless eyes.

"Life is too short to get sick." aniya at kinuha ang kamay ko atsaka binigay sa akin ang payong.

Hindi man ako nakapag thank you dahil agad siyang umalis at nawala ng parang bula. Habang ako ito mukhang tangang nakatulala sa kanyang dinaanan kanina.

Ella's POV

Nakakapagod din pala ang magtrabaho dito. Ang dami kasing kumain dito. Magtake out na lang kaya ako dito para 'di na magluto si Rhea.

"Ella, ikaw muna dito sa table na ito, ako naman doon sa kabila para agad na tayong matapos." Sabi ni Alex.

Tumango ako at ngumiti

Kaya ito gawain ko, kuha ng order dito, kuha doon o hindi kaya punas dito, punas doon kaya nakakapagod din. Mabuti nalang malapit na kaming magsara. Kinalabit naman ako ni Alex at may tinuro siya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now