Chapter 27

43 1 0
                                    

CTBL - We're Friends

Ella's POV

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa mga narinig ko sa kanila. Dalawa ang nag confessed sa akin! Tapos sabay pa sila. Napansin ko naman na lalong lumamig ang aura no'ng dalawa. I can't just stand here and do nothing! Kaya ang ginawa ko full force kong tinanggal ang nakahawak na kamay nila sa aking papulsuhan at success naman ang nagawa ko. Agad silang napatingin sa akin.

"I need some time alone.." sabi ko kahit na sobrang kinakabahan ako.

Agad-agad akong tumakbo papuntang library atsaka naupo sa pinakadulong part ng library. Si Hyun may gusto sa akin at narealized niya yun npong nasa Han River kami pero si.. Chan paano niya ako nagustuhan? O totoo bang gusto niya ako? Baka naman trip niya ako. Parang 'di naman kasi ako makapaniwalang magkakagusto sa akin yun. Is he bored? Kinuha ko ang phone ko atsaka tinext si Rhea.

Rhea:

Rhea, usap tayo mamayang break mo.

Tinignan ko ang orasan at nakita kong 5 minutes na lang mag start na ang klase ko. Kaya agad-agad akong pumunta sa room. Hindi ko na rin nakasalabong o nakita man lang sina Hyun at Chan. Sineryoso talaga nila ang sinabi ko. Naiinis din ako kasi imbes na puro lessons ang pumapasok sa isip ko, puro yung johahaeyo na yun ang pumapasok. Parang sirang plaka na nga, eh. Hindi nag reply sa akin si Rhea kaya ang ginawa ko pumunta na lamang ako sa class niya ngayon, tutal break time na niya pagkatapos.

Habang papunta ako sa room niya, nakita ko naman na nakatayo na siya sa labas at may kausap siya.. si Taehun. Anong ginagawa niya dito? Baka nandito rin yung Black Kings. Nang makapunta na ako sakanila agad silang napatingin sa akin.

"Oh.. pupuntahan na sana kita kaso mukhang atat ka atang makita ako kaya ikaw ang pumunta sa akin." natatawang sinabi ni Rhea.

"Tss. Akala ko kasi 'di mo nabasa ang message ko." sabay irap ko.

"Hi, Ella." simpleng sinabi ni Taehun

"Hello." ngumiti ako ng tipid.

"Bakit? Ano bang pag-uusapin natin?" nagtataka niyang tanong.

Actually, kasi kailangan kong ilabas itong saloobin ko kahit na alam kong bugbog sarado ako dito. Pero si Rhea kasi magaling siyang magbigay ng advice kaya magandang sakanya ko sabihin ito. 'Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya ngayon dahil nandito pa si Taehun. Ana naman sabihin kong Taehun umalis ka na muna kakausapin ko lang si Rhea. Ang sama ko naman no'n. Instead, sumulyap lang ako kay Taehun at mukhang na gets naman ni Rhea yun.

"Sige, Taehun, kita na lang tayo mamaya. Yung bubble tea ko, ah!" natatawang sinabi ni Rhea.

"Yeah, yeah. Bye." nakangiti niyang sinabi kay Rhea atsaka kumaway paalis sa amin.

Humarap naman sa akin si Rhea atsaka nagtaas kilay.

"Bakit nandito yun?" tanong ko.

"Kasama niya ang mga Black Kings. Hinahanap nga nila kanina sina Hyun at Chan, eh." sabi ni Rhea.

"Ahh.." tumango-tango naman ako.

Paanong wala yung dalawa, eh ako ang kasama nila kanina. Ano ba yannn!

"Ano bang gusto mong sabihin?" kunot noo niyang sinabi.

"Basta halika!" atsaka hinila ko siya kung saan kami kanina nag-usap ni Hyun pero minake sure ko munang wala na sila doon.

Binitawan ko na ang papulsuhan ni Rhea atsaka kumunot ang noo niya kung bakit dito ko siya dinala.

"At anong meron dito?" nagtataka niyang tanong.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now